*A week later
"ASH! Ang kulit mo talaga, ano?" Nakapameywang si Vash harapan niya habang may hawak na bandage sa kanang kamay at agua oxinada sa kabila.
"Tss. Ikaw ang makulit, Vash. I told you, I'm fine." Madiing sabi niya habang iniiwas ang likod.
Isang linggo na ang nakaraan matapos ang nangyari. Walang kahit isang ulat sa balita ang lumabas patungkol sa nangyaring pagsabog ng yate maging ang sandamakmak na patay na katawan sa pier. Siguro ay binayaran ng mga kinilalang magulang niya ang mga taong nakapalibot upang manahimik.
Psh. Everyone has a price.
At mula din nung araw na 'yon ay hindi na natigil si Vash sa pag-aasikaso sakanya at mag-ala imbalido na siya sa penthouse dahil maging sa pagkain ay sinusubuan pa siya nito. Kesyo raw malala ang tama niya sa hita, malalim ang mga sugat sa likod at pasa pasa ang katawan. Kulang nalang ay samahan pa siya nito sa banyo tuwing maliligo at dudumi.
"Vash bro, your sister's head is hard as the floor. Tigas ulo niya. Hindi napilit. " Napa-irap siya sa kawalan dahil sa nakaka-iritang pananalita nito.
Bumuntong-hininga si Vash bago siya hinarap. "Kakambal naman, sariwa pa ang mga sugat mo sa likod. Kailangan pa 'yang gamutin." Problemadong sabi nito.
Muli siyang umirap. "I'm fine, Vash Zandrey. I'm fine." Pagpilipit niya dito at isinandal ang likod sa headrest ng sofa. A soft 'aww' escape her lips when her back touch the throw pillow at her back.
"Ayan, ayan. You're fine pala, ha!" Wala siyang nagawa kundi bumuntong-hininga at magpa-ubaya kay Vash na gamutin ang likod niya.
_*_
"Do we really have to do this, Vash?" Inip niyang tanong sa kakambal.
Tumango ito. "Yup. Aalis na tayo bukas kakambal. Mas magandang magpa-alam tayo ng maayos, diba? Atsaka malay mo, they knew our real parents. Baka may maibigay sila saatin na lead." Bumuga siya ng marahas na hangin.
"If they knew our real parents, Vash, they won't keep us. Ibabalik at ibabalik nila tayo sa totoo nating magulang. Liban nalang kung patay na sila."
"Shhh! Ano ka ba, kakambal! Be positive, okay?" Mahina siyang hinampas ni Vash sa hita kung saan siya may sugat at binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin.
"Sorry."
Biglang huminto ang taxing sinasakyan nila. "We're here." Ani ni Horizon na siyang driver.
"Go, Vash. I'll just wait you here." Maingat siyang sumandal sa upuan at ipinagkrus ang mga braso.
"Nope, you're coming with me."
"No way. Dito nalang ako." Umiling siya at inabala ang sarili sa telepono kahit wala naman siyang gagawin doon.
"Ash Zyche, papakawalan ko ang mga aso ko sa kwarto mo kapag hindi ka sumama!" Pananakot nito sakanya.
Vash keep two Pomeranian puppies at their penthouse. Pero nakakulong lang ang mga iyon sa kwarto ni Vash dahil nga takot siya sa mga ito.
"Are you threating me now, Brother?" Patuya niyang tanong.
"Yes. Kaya halika na kung ayaw mong matulog mamaya kasama sila."
She smirked. "As if you can scare me like that. Go on, get them out of your room and I'm telling you, hindi na sila sisikatan ng araw." Unti-unting bumaba ang mga labi niyang naka-ngisi nang nag-sink in sakanya ang sinabi.
Arrgh. Bitch! Ang tanga mo talaga! Mula ng matapos ang nangyari sa piyer, ipinangako niya sa sarili at sa kapatid na hindi na siya magiging marahas at tatanggalin na niya ang mala-assassin niyang pag-iisip. She'll stop being a bad girl. But now, she just mess up her ought. What a bummer.
BINABASA MO ANG
His Queen: The Beginning
ActionLeigh Ash Zyche Fuego Isang babae na mayroong iba't ibang katauhan na nakakubli sa iba't ibang maskara, ngunit iisang emosyon lamang ang makikita. @wytrzymac *photos weren't mine. credits to the rightful owner