Chapter 23

151 0 0
                                    

Tahimik ang kabundukan ng akyatin niya ito at walang ingay na tinahak ang daan patungo sa mansyon. Mahigpit ang kapit ng kanyang mga kamay  sa katana niya habang pinapakiramadaman ang paligid.

Everything seems fine. The whole place were silent that makes her suspicious. Something's off.

She quietly move towards the big tree and climbed up. Mula sa taas ng puno, kitang-kita niya ang malaking mansyon na napapaligiran ng mga lalaking may iba't ibang armas sa katawan. Matitikas ang tindig ng mga ito at malalaki ang katawan na para bang hinulma sila para sa labanan. Geez.

Iba ang itsura ng mga ito kumpara sa mga lalaki na pinatay niya kanina. This guys seem to know what they're doin'. And she can tell that they're pretty strong.

Kung lalaban siya sa mga ito ng tanging katana lang ang hawak, malaki ang tsansang matalo siya at mamatay. At 'yon ang kahuli-hulihang bagay na gusto niyang mangyari. Hindi pa siya pwedeng mamatay. No, not yet.

Bumaba siya sa puno at binalikan ang mga lalaking naka-handusay sa labas ng gate. Kinapkapan niya ang mga ito, trying to find something useful.

Tanging pocket knife at ilang bala ng baril lang ang laman ng bulsa ng mga ito. Kinuha niya ang dalawang baril ng mga ito, isinabit sa likod bago bumalik sa puno na inakyat niya kanina.

She's no fond of guns. Bukod sa mabigat ang mga ito, hindi rin madaling ipuslit dahil nad-detect ng mga parak. Plus, maingay ang tunog. But that doesn't mean she can't handle one. Her Papá just taught her enough to be a great sharp shooter.

Hindi ganoon kadaling umakyat sa puno na may dalawang mabibigat na bagay na nakadagan sa likod. Pinahid niya ang pawis na tumutulo sa noo bago inayos ang posisyon sa tuktok ng puno.

Like a sniper, she position the gun before aiming her first target. Hindi kalayuan ang posisyon niya sa pwesto ng mga bantay kaya naman hindi na niya kakailanganin ng binoculars para maasintang mabuti ang mga ito. Buti na lamang at may silencer ang baril kaya't hindi magiging maingay ang trabaho niya.

Isang putok ang pinakawalan niya at natumba na kaagad ang isang lalaki. Sinunod naman niya ang dalawa sa harapan nito. At tatlo sa gilid.

"Sniper!" Dinig niyang sigaw ng isa sa mga bantay na hindi niya pa nababaril.

Gusto niyang tumawa ng malakas at isampal sa mukha ng asong 'yon na hindi siya sniper. Duh? She's a fvckin' Assassin. At kung hindi lang madami ang mga bantay sa tabi, ay malamang hindi niya aaksayahin ang lakas niya para umakyat sa puno at barilin sila ng patalikod.

Muli niyang kinalabit ang gatilyo. Paisa-isa ang pagpapaputok niya upang hindi siya mamataan. Lalong nagkagulo ang mga bantay at nagsimula nang magpa-ulan ng bala sa iba't ibang parte ng gubat.

Their guns doesn't have any silencer that's why it creates annoying sounds that disturb the birds near the tree she's at. Kamuntik na siyang malaglag sa puno kung hindi lang malakas ang kapit niya sa isang tangkay dahil sa biglaang pagsisiliparan ng mga ibon. Fvck!

Sa sobrang inis niya, mabilis niyang inasinta ang mga ulo ng mga lalaking nagpapa-ulan ng bala. Fvck them!

Isang panibagong grupo ang dumating at tumulong sa paghahanap sa kanya. They start looking at the tree branches, just meters away from her spot.

Muli niyang isinabit ang mga baril sa likod niya at tinalon ang kabilang puno. Mas mataas at mas madahon kaysa sa naunang puno na inakyat niya. Eksperto niyang binalanse ang katawan sa sanga na pinagbagsakan niya. Hindi magiging kapansin-pansin ang bahagyang pag-uga ng mga dahon nito sapagkat nagsisimula nang humangin at magsi-sayawan ang mga dahon ng puno. Nice. The nature's at my side.

His Queen: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon