"BELLE!"
Ibinuga niya ang usok galing sa hinithit na sigarilyo.
Sina Maryjean at Roselle ang nakita niyang palapit.
"Akala pa naman namin, may kadate ka kaya ka nandito ka. Yun pala aso mo lang ang kasama mo," ani Maryjean. Naupo ang dalawa sa tabi niya.
Nasa covered court siya noon. As usual ay doon siya nagyoyosi. This time ay isinama na niya si Kira doon para kapag nasundan siya ng makulit na si Angelo
doon, ipapalapa na niya talaga ito sa alaga. Tutal naman ay mabigat din ang dugo ni Kira sa taong iyon.
"Bakit kayo nandito?"
"Ikaw, bakit ka nandito?"
"Nagyoyosi. Ikaw talaga, Roselle. Laging alanganin ang mga tanong mo."
Ang totoo ay pumunta siya doon para makapag-isip isip...kuno. Ang lagi lang naman lumilitaw sa balintanaw niya ay ang nangyari sa ferris wheel.
She was so vulnerable back then. Pwedeng pwede siyang halikan ni Jayden pero hindi nito ginawa.
Dapat ba siyang matuwa? O mainis?
Naguguluhan talaga siya sa nararamdaman. Natatakot siya sa kung anong malalaman kapag sinagot niya ang lahat ng katanungan sa isip tungkol doon.
Humithit siya sa sigarilyo.
"Hindi matutuwa si Piero kapag nakita kang naninigarilyo ka dito."
"I can handle Piero. Wag mong alalahanin ang unggoy na 'yun, Roselle."
"Napakagwapo namang unggoy ng Piero ko."
Napailing na lang siya.
"Nga pala, may nabalitaan kami ha," excited na sabi ni Maryjean. "Toton bang magkasundo na kayo ni sir Jayden?"
Ewan niya kung bakit bigla siyang nasamid sa hinithit na usok pagkadinig ng pangalang ng lalaki.
Inihit siya ng ubo.
"Uuuy, totoo ang tsismis no? Tinatanong din ni Piero sa akin ito. Masyado daw kasing tahimik si Jayden nitong mga nakaraang araw. Tapos may mababalitaan
kaming ganito."
"Naitsika din sa akin ni Lievan 'yung nangyari last week nung muntik ka nang mabundol ng impaktong ex mo. Wow ha. Ano'ng pakiramdam ng yakap ng isang
Professor Jayden Cipriano?" dagdag pang panunudyo ni Maryjean.
Ang mga hitad! Imbes na tanungin kung okay lang siya matapos masamid, heto at ginagatungan pa ang dahilan kaya siya nagkandasamid. At ang mga kaibigan
naman ni Jayden, mga tsismoso din pala, kalalaking mga tao.
"Kelan pa kayo naging close ni Lievan, Maryjean?" Sa pagkakaalam niya kasi ay tahimik lang si Lievan hindi madaldal katulad ni Jayden, hindi rin ito
mayabang at mas lalong wala sa hilatsa ng mukha nito ang pagiging tsismoso.
Ngumiti lang ng makahulugan si Maryjean.
Napakunot noo siya. Mukhang marami siyang namiss na pangyayari sa halos isang linggong pagkawala ah!
"Kayo na ba ni Lievan?"
"Ha? Hindi ah," pero kuntodo ngiti ito.
"She's inlnve with Lievan, Belle," pambubuko ni Roselle dito.
"Ahhh.." Sabi n nga ba niya. "Pa'no yan, Lievan is nice to all. Hindi mo solo ang pagtingin niya."
"Teka, bakit ba ako at si Lievan ang topic? Hindi ba't ikaw dapat ang nagkukwento, Belle? May nakakita sa inyong mga tao kagabi habang sweet na sweet na
kumakain sa resto ni Mrs. Chan," tukoy ni Maryjean sa nag iisang restaurant sa baranggay nila.
Kagabi lang nangyari iyon pero nasa frontpage na pala ng barangay nila ngayong umaga.
'Mga tsismoso't tsismosa talaga ang mga tao dito.' Napailing iling siya.
Ipinasak niya ang sigarilyo sa bibig.
'No comment ako. Bahala kayo!'
Kahit anong pilit ang gawin ng mga ito sa kanya hindi na talaga siya nagsalita.