"ANDREW!" tili iyon ng ate niya na kalalabas ng kotse.
Natauhan naman siya.
"Angelo, stop it!!"
Akmang susuntukin nitong muli si Andrew pero mabilis na nakabawi ang huli kaya naunahan nito ang impaktong ex niya.
Akmang aawatin ni Jenneth ang asawa pero pinigilan niya ito. Baka madamay pa ito sa suntukan. Napag alaman niya pa naman kanina na three months
pregnant ito sa pangalawang anak ng mga ito.
"Ano ba'ng nangyaya--" hindi na naituloy nang kalalabas na si Jayden ang sasabihin nang bumalandra dito ang katawan ni Andrew.
Sinamantala niya naman iyon para awatin si Angelo. Pinigilan niya ito s braso at pumgitna s dalawa nang akmang susugod muli si Angelo.
"Stop it, Angelo! Damn you!" gigil na mura niya dito. "What's going on with you, fool? Ano sa tingin mo ang ginagawa--"
Pak!
Nayanig ang buong pagkatao niya nang biglang lumagpak ang palad ni Angelo sa pisngi niya.
"You bitch! Pinaasa mo lang--"
"Damn you! How could you do that to her?" galit na singit ni Jayden sabay daluhong ng suntok kay Angelo.
Nakisali na rin si Andrew at pinagtulungan ng dalawa ang impaktong ex niya.
Nagmistulang boxing arena ang tapat ng bahay ni Jayden.
Siya naman ay hindi pa rin makakilos sa pagkabigla sa pagsampal sa kanya ni Angelo. Nasapo niya ang pisnging namamanhid pa. Nangilid ang luha niya.
"Belle, pigilan natin sila," untag ng ate Jenneth niya. "Andrew, stop it!"
Tila naman natauhan siya ng alugin ni Jenneth ang braso niya.
Nakita niyang bugbog sarado na si Angelo. Baka makapatay pa si Jayden!
"J-Jayden--"
Hindi pa siya nakakalapit nang may tumunog na pito. Palapit doon ang mga barangay tanod.
Hindi na niya hinintay pang makalapit ang mga iyon.
Akmang susuntukin pa ni Jayden ang demonyong ex niya na sumadsad na sa kalsada nang pigilan niya ito sa braso.
"Jayden, tama na. Please, tama na."
Tila naman nahimasmasan ito nang marinig ang tinig niya. Humihingal na umayos ng tayo si Jayden.
Huminto na rin si Andrew.
Bago pa makalapit ang mga barangay tanod ay natigil na ang suntukan.
"Bitawan niyo ako. That bitch cheat on me," asik nito sa mga tanod na tumulong para makatayo ito. Dinuro pa siya nito.
Marahas na tinabig iyon ni Jayden.
"Ayoko nang makikita pang muli ang pagmumukha mo dito, hayup ka! You have no right to hurt, Belle, damn you! Next time I saw your face in here, I swear,
baka mapatay na kita!"
Natitigilang tumingin siya sa mukha ni Jayden. Ito ang unang pagkakataong narinig niyang nagsalita ng ganoon ang propesor.
And he said that because of her.
Matatakot ang sinumang makakakita dito sa mga oras na iyon, including her, pero hindi niya maitatanggi ang kasiyahang sumisilid sa puso niya sa isiping nagalit
ito nang ganoon dahil sa kanya. It's just feel so good. Lalong nahuhulog ang loob niya dito.
"Bakit, pare? Bakit mo ba ipinagtatanggol ang babaeng 'yan ha?" nakakalokong sabi ni Angelo. "Ibigay mo man ang puso mo sa kanya, wala ding kwenta.