Chapter4

102 0 0
                                    

NAGPATULOY lang si Belle sa pagtungga ng alak.

Ang ka-one-on-one niya na si Roselle ay nasa comfort room na at isinusuka ang nainom na alak.

Roselle has a love problem. Kaya pala gusto nitong makipag inuman sa kanya. Problemado ito sa 'panliligaw' kay Piero. Long time crush kasi ni Roselle ang lalaki. Kaso, hindi nito pinapansin ang kaibigan. Tingin niya naman ay may gusto na rin si Piero kay Roselle pero hindi niya alam kung bakit wala pa rin itong ginagawang aksyon.

'Mga lalaki nga naman. Feeling VIP," saisip niya habang sumisimsim ng alak sa kopita.

"Where's Roselle?"

Napatingin siya sa kapapasok na si Piero. May bitbit itong regalo.

"Oo nga?" ani Maryjean na nakasunod dito.

"Nandun sa cr. Nagsusuka," kaswal na sabi niya dito. Binawi niya ang tingin at itinutok iyon sa pulang likido sa kopita.

"What?"

Itinuro niya ang gawi ng cr.

Agad na nilapag ni Piero sa mesa ang regalo at nagmamadaling tumungo sa banyo. Kasunod nito si Maryjean na nag aalala.

Nagpatuloy lang siya sa pag inom.

"Bad influence ka talaga."

Muling lumipad ang paningin niya sa pinto ng kusina.

It was Jayden. Nakasandal ito sa gilid ng pinto.

"Professor Jayden. Ikaw lang pala," sarkastikong sabi niya. Itinutok niyang muli ang paningin sa alak. "Ano'ng masamang hangin ang nagtaboy sa'yo dito?"

"In-invite kami ni Roselle," naupo ito sa stool na inuupuan kanina ni Roselle. "Buti na lang pala pumunta kami ni Piero. Kung hindi, lalo mong maiimpluwensiyahan si Roselle."

Nagsalin ito ng alak sa kopita ni Roselle.

"Bad influence, huh," tumawa siya. "I'm not inviting you to join me. Baka sabihin mong iniimpluwensyahan din kita."

"I don't need your invitation. Hindi ko lang matiis tingnan ang isang babaeng mag-isang nagpapakalango sa alak." Sumimsim ito ng wine.

Natawa siya ng pagak.

"Really, huh! As far as I know, isa lang ang dahilan kung bakit sinasamahan ng lalaking magpakalasing ang babae," nang-uuyam na sabi niya. Pinilit niyang iwaksi ang ala-alang sumisiksik sa isipan. Tinungga niya ang alak sa kopita.

"What?"

"Sex," tipid na sabi niya bago nagsalin muli ng wine.

"What?" Tumawa si Jayden. "What do you think of me? Sex maniac? Besides, I'm a teacher. A respectable, handsome, mouth-watering, intelligent..."

"And conceited."

Heto na naman ang lalaking ito sa pagyayabang. Hay naku! Wag sanang uminit agad ang ulo niya. War freak pa naman siya kapag nalalasing.

"I'm just proud of being me," ngisi nito. "Tell me, pangit ba ako?"

"For me, oo," siya naman ang ngumisi dito. Hah! Mamamatay muna siya bago sabihin ditong gwapo ito.

Lihim siyang nagdiwang nang sumimangot ito.

"Tingnan mo nga ulit akong mabuti." Inabot pa nito ang mukha niya at ipinaling dito.

Nagulat siya sa ginawa nito kaya hindi agad siya nakahuma. Lalo na ng matitigan niya ang seryosong mga mata nito.

Natigilan siya. Iba pala ang itsura nito kapag seryoso. Maamo pala ang mukha nito. Bagay na bagay sa singkit na mga mata nito, matangos na ilong at mga labing tila kaysarap...

"O, ano. Nastar struck ka rin sa kagwapuhan ko no?"

Natauhan siya. Napasobra yata ang inom niya ng alak kaya kung anu-anong pumapasok sa kukote niya.

Binawi niya ang mukha dito.

"Nangarap ka na naman. Tinitingnan ko lang kung saang banda ng mukha mo ang sinasabi mong gwapo." Iniwas niya na ang mga mata dito. Baka kung ano pang magagandang katangian ang mapansin niya dito. Mahirap na.

Hindi pa siya handa. O mas tamang sabihin na ayaw na niya. Ayaw na niyang umibig, pagtaksilan at masaktan.

Muli niyang naramdaman ang pamilyar na kirot na iyon sa puso. Hanggang ngayon, hindi pa rin lubusang naghihilom ang sugat. Tatlong taon na ang nakakalipas pero hindi nagawa ng panahon na tuluyang paghilumin ang sugat na iyon.

Muli niyang tinungga ang laman ng kopita. Bottom's up.

Sana lang nadadala ng pait ng alak ang kirot na iyon at kapag sumuka siya, kasama na roon ang lahat ng hinanakit niya.

Bahagyang naibsan ang bigat ng dibdib sa ginawa. Muli siyang nagsalin ng alak.

"Ikaw lang ang tanging babaeng nakilala ko na ganyan kalakas uminom."

Nalimutan niyang naroon nga pala si Jayden.

"Coz I'm unique... Cheers?"

"Cheers."

Hindi ito kumilos. Nakamasid lang ito sa kanya habang tinutungga niya ang alak.

"Birthday party ito, bakit ka nagpapakalasing?"

"Ano'ng masama doon? Hindi naman ito children's party. Saka nagpakalasing din naman ang celebrant."

"So, talagang nagpapakalasing ka nga. Bakit?"

Napakunot siya ng noo. Si Jayden ba itong nagtatanong sa kanya?

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang. I'm just curious."

"Curiousity kills a cat."

"I'm not a cat."

"Yeah, right."

Natahimik ito sandali.

"Three years ago, nakita kita na tulala habang nagsisigarilyo, lasinggera. Wala ka pa ring ipinagbago hanggang ngayon."

Nagulat siya sa ginamit nitong tinig. Banayad iyon na wari bang ipinaghehele siya. Pinilit niyang ignorahin ang urge na pumikit.

"What do you mean by that?" Sumimsim siya ng alak.

"Hindi ka parin nakakamove on sa kung ano man ang dahilan ng paninirahan mo dito sa maliit naming barangay."

Nasamid siya sa sinabi nito. Nagkanda ubo ubo siya.

Way Back Into Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now