"BELLE? Catherine?"
"Uh, hi sir!" si Catherine ang unang nakabawi sa pagkabigla. Siniko siya nito. "B-bakit po kayo nandito?"
"O, Jayden. Ang bilis mo namang makarating," nakangiti-ngiwing sabi naman niya.
"Ano 'yang dala ninyo?" Nakatutok ngayon ang paningin nito sa plastic bags na dala nila.
"Naku, wala ito, Jayden. Namulot lang kami ng basura sa park. Di ba, Cathy?"
"Ha? Ah, oo nga naman, sir."
"Ganoon ba? Ako na ang magbubuhat niyan."
Laking gulat niya nang lumapit pa si Jayden sa kanila.
"Hindi na, Jayden. We can handle this." Pilit niyang inilalayo ang plastic bag na hawak dito. Siya kasi ang may dala ng mga bote ng redhorse. "Ano ba, Jayden.
Ang kulit mo talaga."
"Mukhang mabigat iyan... Ako na lang sabi ang magbubuhat, Belle." Hinawakan nito ang braso niya para hindi siya makalayo.
Tila hindi yata ito titigil hangga't hindi napapasakamay ang ebidensyang nag inuman sila ni Cathy.
'Bahala na nga.'
"O, ayan na," kunwa'y inis na sabi niya sabay padabog na ibinigay dito ang hawak.
"Ibibigay mo rin pala. Tara na, saan ba ninyo dadalhin ito?... Namulot pala kayo ng apat na bote ng redhorse sa park ah. Buti hindi kayo nalasing?"
"Aba, sir. Konti lang ang apat sa--"
Siniko niya ito. Ang hitad! Talagang ibubuking ang ginawa nila.
"Catherine, kanina ka pa nawawala sa inyo. Is that mean, kanina pa kayo dito?"
"Uh, m-medyo po, sir." Tumingin ito sa kanya na tila nagpapasaklolo.
"So, kanina pa kayo dito nag-iinuman, ganoon?"
Magdedeny pa sana siya nang tumahol si Kira.
"Kira said 'yes'."
Pahamak na aso! Kanino ba talaga ito kampi? Sa kanya o kay Jayden?
"Paano nalaman? Tahol lang iyon," pagtataray na lang niya.
"I understand him. Dapat ikaw din dahil ikaw ang may-ari sa kanya."
Natameme siya. Gusto pa sana niyang mangatwiran pero wala nang maisip ang utak niya.
Isa pa, hindi niya maiwasang makaramdam ng kirot. Sinosopla na pala siya ngayon ni Jayden.
Natigilan siya.
Matagal na nga pala siyang sinosopla ni Jayden lalo na kapag nagtatalo sila. Pero bakit ngayon lang siya nakaramdam ng ganito?
Mayroong munting tinig na sumasagot sa lahat ng katanungan sa isip niya. This time, hindi na niya ito basta-basta maiignora!
Inlove na siya kay Jayden!
--------------------------------------
HINDI. PAANO? BAKIT?
Tulala pa din si Belle sa natuklasang damdamin.
"Ate Belle, tayo na daw sabi ni sir Jayden," untag ni Catherine sa kanya.
Natauhan siya.
Nakita niyang nakatingin sa kanya si Jayden na tila ba binabasa ang buong pagkatao
niya.
"Ha?"
"Let's go. Isauli na natin ito sa pinagbilhan niyo. And Cathy, kanina ka pa hinihintay ng