"ATE Belle!"
Napatigil siya sa paglalakad. Bakit ba kaninang umaga pa may tawag ng tawag sa pangalan niya? Kunot-noong nilingon niya iyon.
Si Catherine ang nakita niyang palapit. Ito ang rebeldeng pamangkin ni Lievan na laging inirereklamo ni Jayden. Student kasi ito ng propesor.
Lalong napakunot ang noo niya. Ano kayang kailangan nito sa kanya?
"Yes, Catherine?" aniya ng makalapit ito.
"Saan ka pupunta, ate Belle?"
"Diyan lang."
Ang totoo ay wala siyang partikular na pupuntahan. Ayaw niya lang kasing umuwi sa bahay niya. Nandoon na naman kasi si Angelo. Kaya imbes na naghihilik
siya sa higaan niya ngayong hapon ay naglalakad lalad siya sa labas kasama si Kira.
"Eh, ikaw? Saan ka pupunta?" balik tanong niya dito nang umagapay ito sa paglakad sa kanya.
"Wala. Sasama na lang ako sa'yo. Nasa bahay kasi si sir Jayden. Hinahunting na naman ako."
Muntik na siyang matalisod ng marinig ang pangalang iyon. Kaninang umaga pang ito ang laman ng isipan niya.
Ah! Nababaliw na yata siya.
"Bakit ka na naman hinahunting ni J-Jayden?" As if naman hindi niya alam.
"Sigurado na naman kasing pagagalitan ako nun. Makikisabay pa sina mommy at daddy. Kaya mas gusto ko sa labas ng bahay eh. Ate Belle, hindi ba,
magkaaway kayo ni sir?"
Hay salamat, buti naman may isang nilalang yatang hindi nakakasagap ng bagong tsismis doon.
"Medyo. Bakit mo natanong?"
"Ibig sabihin pala safe ako sa'yo," tumawa pa ito.
Napangiwi siya. Mukhang gagawin pa yata siyang taguan ni Catherine mula kay Jayden!