EPILOGUE
NILINGA ni Belle ang paligid pagkababa niya ng kotse ni Jayden.
Pamilyar sa kanya ang lugar na iyon. Ang parkeng iyon na natatanglawan ng maraming ilaw sa gabing madilim.
"Let's go?"
Nakangiting nilingon niya si Jayden.
Makalipas ang ilang linggo ay tuluyan na itong nakarecover mula sa aksidente. Walang sawa niyang inalagaan ito nang mga panahong iyon.
He lovingly stare at her for a moment pagkatapos ay iginiya siya nito papasok sa parkeng iyon. Magkahawak kamay silang naglakad.
"Jayden, nakita ko na ang lugar na ito."
"Really? Kung gano'n, I failed to surprise you, huh?"
"Hindi naman. Sa panaginip ko lang naman ito nakita."
"Sa panaginip?" natatawang tumingin ito sa kanya. "Nakita mo din ba sa panaginip mo na hawak ko ang kamay mo?"
"Yes. Parang ganito. Naglalakad-lakad tayo."
"Hindi na pala magiging surprise sa'yo ang sasabihin ko."
Napakunot noo siya.
"Bakit, ano ba'ng sasabihin mo?"
Huminto ito sa paglalakad at hinarap siya. May inilabas itong maliit na pulang kahon mula sa bulsa ng slacks nito.
"Nasa panaginip mo rin ba na ibibigay ko ito sa'yo at sasabihing... 'Miss Jesse Belle Estrada, are you willing to be my wife and live the rest your life with me?' "
Nakaawang ang mga labing napatitig siya dito. Pakiramdam niya ay tila saglit na tumigil sa pagtibok ang puso niya pagkatapos ay umariba iyon sa pagkabog.
Hindi agad siya nakasagot. Tila may bumikig sa lalamunan niya dahil sa kaligayahang nadarama.
"I see. Hindi ito kasali sa panaginip mo. Anyways, hindi naman ito panaginip lang," nangingiting sabi nito.
Lumuhod si Jayden sa harapan ni Belle. He opened that cute box. At tumambad sa kanyang mga mata ang isang singsing na may puting bato sa gitna.
Halo-halong emosyon ang pumupuno sa dibdib niya. Gusto na niyang magtatalon sa tuwa, umiyak, humalakhak, itayo si Jayden at siilin ito ng halik. Hindi niya na malaman ang gagawin.
Napatitig na lamang siya sa singsing pagkuwa'y sa mukha nito.
"Ayoko nang patagalin pa ang lahat, Belle. I've been planning for this, pagkatapos mo sanang makausap ang parents mo noon. Nang malaman ko ang problema ninyo ng parents mo, napagdesisyunan kong gumawa ng hakbang para magkasundo kayo. But things got worse. May kasalanan din ako dahil binigla kita. Hindi ko naisip ang magiging reaksyon mo when all of the sudden ay makikita mo silang muli. I'm sorry for that, sweetheart.
Nang makita kita three years ago, there's something in you that got you into my head. Akala ko curiousity lang ito pero habang tumatagal, kahit anong deny pa ang gawin ko sa iba, I know, I'm falling for you day after day. Hindi ko mapapatawad ang Angelo na iyon sa pananakit sa iyo. I could cut him into pieces kung ipinagpatuloy niya ang panggugulo sa'yo.
I love you, Belle. I love you very much. Now... Will you marry me?"
Naluluhang tumawa siya.
"Napakarami mong sinabi, Jayden. Hindi mo na kailangang apawan ang kaligayahang nararamdaman ko para mapapayag mo ako. Sapat na ang pagmamahal mo para sa akin."
Siya na mismo ang kumuha ng singsing at nagsuot niyon sa palasingsingan.
"I will marry you with all my heart, Professor Jayden Cipriano."
Ngumiti ito ng maluwang. Tumayo ito at hinapit siya.
"I love you, Belle."
"I love you too, Jayden."
Naglapat ang mga labi nila pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit. Iniangat siya sa lupa at tumatawang iniikot siya sa hangin.
Natatawang napayakap na lang siya sa batok nito.
Now she feel complete. Wala na siyang mahihiling pa.
'And if I open my heart to you
I'm hoping you'll show me what to do
And if you'll help me to start again
You know that I'll be there for you in the end...'
------*THE END*------
Thank You for Reading!! xD