HUMINGA nang malalim si Blaire bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kanyang couch nang marinig niya ang tunog ng doorbell sa kanyang unit. This is it. She's going out on a date with Jessica's, her cousin's girlfriend, cousin.
She didn't bother planning too much on what she's going to wear. All she wants to do in this date is to get to know the guy and have fun. Talagang pinanindigan niyang nakasuot lang siya ng itim na t-shirt na naka-tucked in sa kanyang puting pantalon at puting pares ng rubber shoes.
She doesn't know what Exequiel has planned for the date, but she's showing herself to him in her simplest form. Actually, mas may simple pa rito dahil hindi naman siya nagpapantalon talaga. Mas madalas nga siyang naka-shorts.
Kaso unang date pa lang naman.
Hinawakan ni Blaire ang doorknob at pinihit iyon.
Isang seryosong Exequiel ang bumungad sa kanya. Nakasuot lang ang binata ng itim na t-shirt at maong na pantalon. Pero kahit gano'ng kasimple ay nando'n pa rin ang maawtoridad nitong aura na talaga nga namang nakapagpanginig kay Blaire.
"I was worried you're going to be all dressed up," biglang nakangiting sabi ni Exequiel.
Doon lang nagising si Blaire sa kanyang pagtitig kay Exequiel. Guwapo kasi talaga ito at napakama-appeal sa mga mata ni Blaire.
"This is me in my simplest form," kibit-balikat na sagot ni Blaire.
"I like it," nakangiting sagot ni Exequiel. "Anyway, are you sure you're comfortable enough to move in your jeans?" tanong ni Exequiel.
"Ha?" tanong ni Blaire.
"I don't know. May feeling lang akong hindi ka naman madalas nagpapantalon," natatawang sagot ni Exequiel. "I'm not psychic nor your stalker nor anything. Malakas lang kutob ko," dagdag nito.
"Really?" nakataas ang kilay na tanong ni Blaire. "I'm having second thoughts on this date. Baka hindi na 'ko makauwing buhay," pabirong dagdag ni Blaire.
"Or hindi mo na gugustuhing umuwi?" nakangising sagot ni Exequiel na nakapagpatawa nang malakas kay Blaire.
"Ewan ko sa'yo. Come in muna. I'll change," nakangiting sabi ni Blaire pagkatapos niyang tumawa. Grabe. Can the guy be more adorable?
Niluwangan ni Blaire ang pagkakabukas ng kanyang pintuan para makapasok si Exequiel. Pumasok naman ang binata at sinarado na ni Blaire ang pintuan. Nilingon niya si Exequiel at nakitang naglilibot na ang mga mata nito sa kanyang unit.
"Nice place," komento ni Exequiel.
"Thank you," nakangiting sagot ni Blaire. "Make yourself feel at home while I change," dagdag niya at iniwan na niya ang binatang naglalakad sa kabuuan ng kanyang unit.
How can the guy read through her? She's good at keeping her emotions and thoughts to herself, so how come the guy can read through her? Hindi naman siya mukhang uncomfortable sa pantalon niya kaya pa'no?
Pina-background check kaya siya nito? Malaki ang posibilidad na iyon dahil security company ang negosyo nito. Pero hindi eh. Aish! Hindi niya alam pero ang galing ng lalaking iyon.
Hinugot ni Blaire ang kauna-unahang shorts na nadampot ng kanyang kamay. She doesn't want to keep Exequiel waiting outside.
Nang matapos siyang magpalit, she immediately went out of her room. Kumunot ang noo niya nang pagdating niya sa kanyang living room ay wala si Exequiel. Where is he?
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Romance(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...