"Baby tell me when you're ready. I'm waiting. Even ten years from now, if you haven't found somebody, I promise, I'll be around." —Shawn Mendes, When You're Ready (2018)
"HINDI ka pa ba gumagalaw, 'nak?" tanong ni Paula sa kanyang anak na si Exequiel. "Ilang buwan ka nang pabalik-balik sa France at Pilipinas. It's about time that you make a move, Son," dagdag niya.
Exequiel chuckled and said, "She needs time, Mom. 'Wag nating madalian. It's only been what? Four months?"
"And you're not getting any younger," sagot ni Paula at umirap siya sa hangin. "Sinasabi ko talaga sa'yo Exequiel Vonn Matteo, bigyan mo kami ng maraming apo," dagdag ni Paula. "Mahina ka na nga sa panliligaw kaya 'wag kang mahina sa pagtanim diyan."
"Mom," natatawang saway ni Exequiel sa ina. Minsan talaga ang ina niya wala man lang kapreno-preno ang bibig eh. "I don't want a big family. One or two is enough," sabi niya sa ina.
"What?" gulat na tanong ni Paula. "Exequiel! Pag-isipan mong mabuti 'yan ha! Blaire's only what? 34? At ikaw? 38? Bata pa kayo! Maaga pa 'yan! Hindi pa menopausal si Blaire, malayo pa 'yun!" sagot ni Paula. "Diligan mo nang diligan. Huwag kang selfish at pagbigyan mo 'ko!"
"I'm just thinking about Blaire, Mom," natatawang sagot ni Exequiel. "I don't want to see her in so much pain over and over. Nakuwento sa'kin ni Dad kung pa'no 'yung hirap na dinanas mo noon 'no, and I don't want to witness that again and again. So, one is enough. I'm good with just having a very healthy one. Besides, you already have one grandchild."
"Si Lara?" tanong ni Paula. "That child's growing and growing! The next thing you know, she's going to be telling you to stop calling her 'baby' in public. If I were you, mag-anak kayo nang mag-anak."
"Mom, stop," natatawang sagot ni Exequiel. "Also, you're not even sure that I'll end up with Blaire."
"Fine, sige, okay na sa'kin ang isang apo pero sana lalaki! At hoy, Exequiel Vonn! Bakit ba ang tali-talino mo sa negosyo pero ang bagal-bagal mo kay Blaire ha? Kayo ang itinadhana. I can feel it. Pinag-usapan na rin namin ng mommy niya 'yan 'no!" sagot ni Paula.
Tumawa na lang ulit si Exequiel at sumandal siya sa hamba ng sliding door ng villa nila ni Blaire sa Greece. Pinagmasdan niya si Blaire sa hindi kalayuan. Nakikipaglaro ito sa mga maliliit na aso ng katabi nilang Villa.
He's glad that Blaire's fine now.
He's glad that Blaire can finally smile and laugh genuinely now. Na-miss niya ang mga ngiti at tawa nito at hindi siya magsasawang magpabalik-balik sa Pilipinas at kung saang lupalop man ng Europe mapunta si Blaire para lang masilayan ang mga ngiti nito at marinig ang mga tawa nito.
Blaire stood up and saw Exequiel staring at her with a smile on his face at habang hawak-hawak nito ang cellphone nito sa tainga nito. Tinaasan lang niya ito ng kilay at ibinalik ang atensyon sa mga asong nilalaro-laro niya.
Bakit ba hindi ako bumili ng aso noon? isip ni Blaire. Ay, tamad nga pala akong magpaligo ng aso, natatawang isip niya. Ayaw din naman niyang i-asa ang lahat sa mga kasambahay niya 'no. Makukuntento na lang siya sa pag-appreciate ng mga aso ng iba.
"Let's eat lunch," rinig bigla ni Blaire na yaya sa kanya ni Exequiel makalipas ang ilang sandali.
Nakita niyang hindi na nito hawak-hawak ang cellphone nito. Tumayo si Blaire at nakangiting tinanguan si Exequiel. Pinanood din niyang tumakbo pabalik sa mga may-ari ang mga asong kalaro niya. Kumaway si Blaire sa may-ari at masayang kumaway din ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Romance(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...