"MOMMY, which one is prettier?" tanong ni Lara kay Blaire habang nag-uusap sila through video call. Ngumiti si Blaire at tinuro ang bestidang hawak-hawak ni Lara gamit ang kaliwang kamay nito.
Nagulat si Blaire dahil biglang tumawag sa kanya ang anak kaya kahit inaantok ay sinagot niya ang tawag nito. Heto nga siya't nakahiga pa rin sa kama niya habang nakaharap sa laptop niya para lang makausap ang anak niyang miss na miss na raw siya.
"How are you, Sweetie?" halos pabulong na tanong ni Blaire. Paos din kasi siya kaya nahihirapan siyang magsalita. Ewan ba niya kung bakit nagka-tonsillitis siya.
Nakita ni Blaire na nagmadaling ihagis ni Lara sa kung saan sa kuwarto nito sa bahay ni Exequiel ang mga bestidang hawak-hawak nito at mabilis itong umangkas sa kama nito para ilapit ang laptop sa mukha nito.
"Mommy, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Lara sa kanya.
"Yes, Sweetie," nakangiting sagot ni Blaire.
"Why is your voice like that?" tanong ni Lara.
"Tonsillitis," sagot ni Blaire.
"Is that what happened to me before? The one where you gave me delicious honey? Then daddy didn't go to work?" tanong ni Lara sa kanya.
Napangiti si Blaire. Naalala pa rin pala iyon ng anak niya kahit three years old pa lang ito noon. Nagkaroon din kasi ito ng tonsillitis noon at talagang hindi sila pumasok ni Exequiel sa mga trabaho nila para maalagaan nila si Lara.
"Yes, Sweetie," sagot ni Blaire at naramdaman niya ang biglang pag-sakit ng kanyang ulo. Nahihilo na naman siya. Nilalagnat na ata siya. Naaasar pa siya kasi ang laki no'ng Antibiotics na nireseta sa kanya ng doktor kanina. Hirap na nga siyang lumunok, ang laki pa ng lulunukin niya.
"I think you should sleep na Mommy," nakangusong sagot ni Lara sa kanya.
"Tell me about your day, Sweetie," nakangiting sagot na lang ni Blaire.
She wants to listen to Lara more...Gusto mo lang namang makasagap ng tsismis tungkol kay Exequiel kasi binlock ka nga niya 'di ba?
"Okay, Mommy," masayang sagot ni Lara. "I did good in school today! See!" kuwento ng bata at itinaas nito ang kamay nito para ipakita ang tatlong stamp ng stars sa likod ng palad nito. "Teacher said it's because I'm smart like you and daddy!" kuwento pa nito.
Napangiti ulit si Blaire.
Okay na ata siyang hindi makita si Exequiel. Her daughter is making her feel better. Weh? Miss mo pa rin naman 'yung ugok 'no. Dalawang buwan pa bago mo siya makita.
"And then I met daddy's friend..." rinig ni Blaire na sabi ni Lara na nakapagbalik sa kanya bigla sa realidad. "She's pretty, Mommy, but you're prettier! She's also a shupermowdel," masayang kuwento ni Lara.
Naisip niya agad kung sino ba ang kaibigan ni Exequiel na supermodel at naalala niyang marami nga pala itong kilala at hindi naman niya kilala ang lahat ng taong kabilang sa mundong kinagagalawan ni Exequiel.
"But Mommy, you're prettier!" pag-uulit ni Lara.
Ngumiti si Blaire at tinulak niya paakyat ang kanyang sarili para maupo siya sa kanyang kama. Sumandal siya sa headboard at ipinatong ang laptop sa comforter niya. Nangangalay na kasi ang leeg niya.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Romance(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...