45.

390 19 38
                                    

            LUMABAS si Alexander mula sa elevator at mabilis na tumungtong sa baitang kung nasaan ang opisina ni Exequiel. Kasunod naman niya sila Red, Oliver, Inigo, at Castor.

            "Bakit ngayon lang natin nalaman?" asar na sabi ni Red habang nagmamadali silang pumunta sa opisina ni Exequiel. "And why the fuck is he here? Bakit dito pa natin siya hinahanap instead of the hospital?"

            "Puwede ba? Manahimik ka muna?" asar na sagot ni Castor kay Red.

            "Ang epal mo rin eh 'no?" sagot ni Red kay Castor.

            "Doktor ako," seryosong sabi ni Castor kay Red. "And I am one of the best." Liningon niya si Misty na kinakabahang nakatingin sa kanilang lahat kaya sinabi niya ritong, "What's the problem? Where is he?"

            "S-Sir, u-umalis ho kasi si Boss," nakayukong sagot ni Misty sa kanya.

            "Na gano'n ang kondisyon niya?" asar na sagot ni Red kay Misty na tumango lang sa kanya. "Ang tigas talaga ng ulo no'n. Tumuloy pa rin ng Paris kahit na naba—"

            "Where did that fucker go again?" malamig na tanong ni Inigo sa kanilang lahat.

            "Paris," pag-uulit ni Alexander.

            "He's going to piss Blaire off kapag nalaman no'n ang lagay niya," natatawang sabi ni Red.

            "Or he might have his happy ending," walang emosyong sabat ni Oliver.

            "Wow. Ang happy naman ng pagkakasabi mo," nakataas ang kilay na sagot ni Alexander.

            "Don't test my patience today," walang emosyong banta ni Oliver at nagtaas na lang ng dalawang kamay si Alexander as a sign of surrender.


            NAKANGITING pinanood ni Blaire si Exequiel na nagluluto sa kanyang harapan, samantalang nakasandal naman siya sa kitchen counter. Pagkatapos nga ng trabaho nito sa Pilipinas kahapon ay lumipad ito kaagad sa France.

            Pagdating naman ni Blaire sa France ay hindi naman siya sinumbatan o inaway ni Dara. Naiiyak lang ito dahil sa wakas ay nagpakita na siya at sumaya naman ito para sa kanya dahil dumaan siya sa Pilipinas kahit out of the way naman iyon at kahit saglit lang.

            Blaire waited for Exequiel at dumating nga ang binata. Sinunod nito ang utos niyang tapusin ang trabaho para sa buong araw bago lumipad patungong Paris. Habang abala si Blaire sa pag-aayos ng negosyo niya sa Paris ay lumilipad naman patungong Paris si Exequiel.

            "I told you that I'll cook," sabi ni Blaire kay Exequiel.

            "I wanted you to taste my Creamy Mushroom Spinach Orzo," sagot sa kanya ni Exequiel.

            Tumango-tango na lang si Blaire at lumabas ng kusina ng apartment niya para siguraduhing ayos na ang dining table. Nagugutom na rin siya dahil anong oras na. Alas-diez na ng gabi sa Paris at hindi pa siya kumakain ng dinner dahil gusto niya talagang makasabay si Exequiel.

            "I heard that your business here is successful?" tanong ni Exequiel sa kanya habang hawak-hawak nito ang pan na naglalaman ng Creamy Mushroom Spinach Orzo na niluto nito para sa kanilang dalawa.

            "Obviously," natatawang sagot ni Blaire. "Kaya lang I still have to oversee some things. I wouldn't have flown here without you if it wasn't for my business," dagdag ni Blaire.

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon