PAGDATING ng kotse ni Exequiel sa tapat ng entrance kung saan nakatira si Blaire ay naaninag agad ni Blaire si Reneth sa may lobby ng building na kinakalikot ang cellphone nito at may gym bag sa tabi nito. Kanina pa ba naghihintay para sa kanya ang kaibigan? Ba't hindi man lang ito nagtext sa kanya?
Lumabas si Exequiel ng kotse nito at tinanggal naman ni Blaire ang pagkakakabit ng seatbelt sa kanyang katawan. The door at Blaire's side opened at napangiti si Blaire nang ilahad ni Exequiel ang kanang kamay nito sa kanya.
She gladly accepted Exequiel's hand as she stepped out her right foot on the ground. Naramdaman naman ni Blaire ang pagpatong ng libreng kamay ni Exequiel sa ibabaw ng kanyang ulo to protect her head from hitting the car.
"So, I'll see you tomorrow?" tanong ni Exequiel kay Blaire paglabas ng dalaga mula sa kanyang sasakyan. "I'll pick you up at 7," dagdag nito sabay abot kay Blaire ng dalawang paperbag na naglalaman ng pinamili nito gamit ang sarili nitong pera.
Talagang pinag-awayan pa nila kanina kung sino ang magbabayad ng pinamili ni Blaire at sa huli'y nanalo si Blaire na mas gustong gamitin ang sarili nitong pera kaysa ang card ni Exequiel.
"Okay," nakangiting sagot ni Blaire at gumilid nang kaunti para maisara ni Exequiel ang pintuan habang ang kaliwang kamay ng binata ay nasa kanyang likuran. "Thank you so much for today, Exequiel," nakangiting dagdag niya nang tingnan na ulit siya ng binata.
"Anything for you, Devan," nakangiting sagot ni Exequiel. "I'll call you when I'm on my way, okay?" dagdag nito.
"Okay," nakangiting sagot ni Blaire.
Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Pareho lang silang nakangiti sa isa't isa.
How can a new relationship be this significant to me? isip ni Exequiel.
"Well, una na 'ko. Thank you for driving me home and please drive safely," nakangiting sabi ni Blaire kay Exequiel bago magsimulang maglakad at tumapak sa una at pangalawang baitang ng hagdan patungong lobby ng building.
"Devan..." rinig ni Blaire na tawag sa kanya ni Exequiel kaya napatigil siya sa pagtapak sa pangatlong baitang ng hagdan.
Hinarap ni Blaire ang binata at nagulat siya nang hilahin nito ang kanyang ulo. Nakatapak si Exequiel sa kalsada samantalang si Blaire nama'y nakatungtong na sa pangalawang baitang ng hagdanan. Napapikit na lang si Blaire nang maramdaman niya ang malalambot na mga labi ni Exequiel sa kanyang noo.
"I'll see you tomorrow. Sleep tight," bilin ni Exequiel pagkapatong nito ng noo nito sa ibabaw ng noo ni Blaire.
Tumango-tango si Blaire habang nakapikit pa rin at nakasandal din ang noo sa noo ni Exequiel. This feels right, isip ni Blaire.
Unti-unting binitawan naman siya ni Exequiel and suddenly, Blaire felt lonely. Sobrang saya niya ngayong araw na para bang ayaw niya munang iwan siya ni Exequiel. She wants more of him. She wants to know more about him kahit na sobrang dami niyang nalaman tungkol sa binata ngayong araw.
Totoo nga talagang minsan you meet a person and you just click. Komportable ka kasama niya as if you've known him/her your whole life and you don't have to pretend to be anyone or anything.
It was a simple first date. They played bowling, ate out, walked around the mall, shopped a little, and watched a movie. No extravagant events. Simpleng-simple.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Romance(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...