INIKOT-IKOT ni Blaire ang sarili at ang inuupuan niyang kitchen stool habang hinihintay si Exequiel na matapos sa pagluluto ng pancakes na kakainin nila. Nasa bahay na naman siya ng binata—like most of the time—and they've already been on ten dates so far.
Lumalabas silang dalawa hangga't maaari. Their third and the rest of their dates didn't just last for a day. Buong weekends sila magkasama. Minsan naman umaabot pa ng dalawang gabi, depende sa availability ni Blaire.
What's their label? They're exclusively dating.
Hindi pa naman siya tinatanong ni Exequiel kung puwede na ba silang maging mag-boyfriend, but they know that they're only dating each other and no one else kaya exclusively dating sila.
Nagulat si Blaire kaninang umaga dahil sinundo siya ng driver ni Exequiel mula sa hotel na pinagtratrabahuhan—sa hotel kung saan matatagpuan ang buffet restaurant na pinagtratrabahuhan ni Blaire bilang isang chef.
Nakatulog si Blaire roon kagabi dahil nagkaroon sila ng napakahabang meeting pagkatapos ng naging dinner service nila.
Madalas kasi siyang nakatoka sa dinner shift at ang dinner ang pinaka-busy na oras ng isang buffet restaurant na nag-o-offer ng breakfast, lunch, and dinner buffet. Dinner time kasi ang mas mahaba at may mas maraming customers.
Sa sobrang pagod niya ay hindi na niya nakayanang umuwi at buti na lang kaibigan na niya ang hotel manager kaya nagawan ng paraan na makatulog siya kahit sa pinakamurang kuwarto ng hotel. Syempre, sikreto lang iyon dahil baka pagalitan sila 'pag nalaman ng may-ari.
Malay ni Blaire kung pa'no nalaman ni Exequiel na nando'n pa rin siya sa hotel at hindi pa nakakauwi.
Wala naman siyang pakielam sa sistema ni Exequiel pagdating sa mga gano'ng bagay eh. He's Exequiel. He has his own means and ways of doing and finding out things because he can.
"Tigilan mo na 'yan. Mahihilo ka," rinig ni Blaire na seryosong sabi sa kanya ni Exequiel.
Ngumuso siya at dumantay sa kitchen counter. Nakatalikod sa kanya si Exequiel at abala ito sa pagluluto ng pancakes.
"Do I really have to attend lunch with you?" tanong ni Blaire kay Exequiel.
Exequiel chuckled sa narinig mula kay Blaire. He turned off the stove, put three pancakes on each of the two plates, brought the plate to the kitchen counter behind him, and leaned on the kitchen counter.
"Sira ka ba?" nakangiting tanong ni Exequiel kay Blaire. "Ba't hindi ka sasama? Ano 'yun? Ako lang magla-lunch kasama parents mo at parents ko?" natatawang tanong ni Exequiel.
"Inaantok kasi ako," nakangusong sabi ni Blaire.
"Eh 'di matulog ka muna," natatawang sagot ni Exequiel.
"Why arrange lunch kasi ngayon?" nakasimangot na tanong ni Blaire. "Alam mo, crush ka ata ni Mommy kaya pumayag na makipag-lunch kahit alam niyang busy ang anak niya kagabi eh," pabirong dagdag ni Blaire.
Exequiel chuckled again and pinched Blaire's nose.
"Isa!" asar na sabi ni Blaire kay Exequiel.
Natatawang tinaas naman ni Exequiel ang dalawa niyang kamay as a sign of surrender dahil ang sama ng tingin sa kanya ni Blaire dahil sa pagkurot niya sa ilong nito. Binalik niya ang pansin sa pag-aayos ng kanilang almusal.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Romance(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...