"The waiting game is a strategy in which the participants withhold action temporarily in the hope of having a favorable opportunity for more effective action later; you delay taking any action, so that you can watch how a situation develops and see what is best for you."
NANG bumukas ang elevator na sinasakyan pagkababa ni Blaire ng tawag ni Phylane ay lumabas na siya at napangiti siya nang tumuntong siya sa napakapamilyar na baitang. Wala pa rin talagang pinagbago kahit mag-iisang taon na siyang hindi nakakatapak dito dahil nasa Paris siya.
Habang naglalakad siya papalapit sa gusto niyang puntahan ay nakasalubong niya ang limang babaeng nakasuot ng corporate attire at mga naluluha-luha. Naghasik na naman ng lagim 'yung ugok, isip ni Blaire.
Kinuha ni Blaire ang handkerchief mula sa purse na dala-dala niya at inabot iyon sa isang babaeng talagang iyak nang iyak. Hindi katulad ng ibang mga babae nitong kasama na naluluha pa lang, iyak na ito nang iyak.
"Here," sabi ni Blaire.
Nag-angat ng tingin ang limang babae at lahat sila'y nanlaki ang mga mata nang makita siya. Nginitian niya silang lahat at sinabing, "I'll take care of it."
"M-Miss Blaire," sabay-sabay nilang banggit sa pangalan niya.
"I don't have much time, ladies," nakangiting sabi niya sa mga ito. "I'll go ahead," paalam niya at nilagpasan na niya ang mga babae para puntahan ang talagang pakay niya rito. Ramdam naman niya ang mga tingin ng mga babae sa kanyang likod.
"Hindi ninyo kasi naiitindihan! Aware rin ako palaging mainit ang ulo ni Boss," dinig ni Blaire na asar na asar na sabi ni Misty sa dalawang lalaking parang kinukulit ito. "Wala akong pake kung kailangan n'yo na ang mga 'yan, kung ayaw kayong makita ni Boss, ayaw niya kayong makita," dagdag ni Misty.
"I'll take care of it," biglang singit ni Blaire.
"M-Miss Blaire?" sabay-sabay na sabi nila Misty at ng dalawang lalaki.
Ngumiti si Blaire at sinabing, "Is Exequiel here?"
"Miss Blaire," naluluhang sabi ni Misty at talagang iniwan pa nito ang desk nito para lang yakapin si Blaire. "Sa'n ka ba nanggaling? Sa'n ka ba nagpunta? Alam mo bang tunay na tunay na impyerno 'tong building na 'to ng halos dalawang buwan?" sabi ni Misty.
"I was in London," simpleng sagot ni Blaire.
"Doon ka lang nagpunta?" tanong ni Misty at natatawang tumango naman si Blaire. "Ba't ang galing mong magtago? Natakasan mo mga bantay mo 'tas hindi ka rin mahanap ni Boss kaya halos dalawang buwan na talagang super, super demonyo si Boss. Hindi mo alam kung ilang empleyado na 'yung napaalis niya," kuwento ni Misty.
"Because I know Exequiel so well kaya ako nakapagtago," nakangiting sagot ni Blaire. "Tahan na. I'm here," sabi ni Blaire at bumitaw na sa kanya si Misty.
"Nandiyan si Boss," sabi ni Misty sa kanya. "Sobrang mainit pa rin ang ulo. Konti na nga lang masasanay na ulit ako sa kademonyohan niya—'yung kademonyohan niya no'ng nawala ka sa buhay niya gano'n."
Ngumiti si Blaire at binalingan niya ang dalawang lalaki. "Give me the papers," nakangiting sabi ni Blaire. "Ipapadala na lang 'to siguro ni Exequiel sa inyo. I'll go in na kasi nagmamadali rin ako," paalam ni Blaire.
"Please don't leave again," nakangusong pakiusap ni Misty sa kanya at natatawang tumango si Blaire bago lumapit sa pinto ng opisina ni Exequiel.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Romance(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...