15.

362 20 11
                                    

            "ILANG rattan bags ba bibilhin mo?" natatawang tanong ni Exequiel kay Blaire habang pinapanood ang dalagang mamili ng mga rattan bags. Pagkatapos nitong makipagtawaran ng presyo sa tindera, hindi na siya nito pinansin pa at humugot-hugot na lang ng mga bags sa nakasabit.

            "Kung puwede lang lahat binili ko na 'tas ibebenta ko," sagot ni Blaire.

            "A real businesswoman," nakangiting sabi ni Exequiel bago ilipat ang tingin kay Franz na siyang may hawak-hawak ng mga rattan bags ni Blaire. Pitong rattan bags din 'yun. "Okay ka lang?" tanong ni Exequiel kay Franz.

            "Yes, Boss," nakasimangot na sagot ni Franz na ikinatawa ni Exequiel.

            "Do you want to buy them all?" tanong ni Exequiel sa nobyang naghahanap pa rin ng puwede pa nitong bilhin na design.

            "Why?" tanong ni Blaire kay Exequiel.

            "Let's buy them all," balewalang sagot ni Exequiel.

            "Sira ka ba? Isang buong barangay ba bibigyan ko ng rattan bag?" natatawang tanong ni Blaire kay Exequiel.

            "Hindi ba?" pang-aasar na tanong ni Exequiel.

            "Two more," sabi ni Blaire bago humalukipkip at tiningnan ang mga rattan bags. 350,000 rupiah ang isang rattan bag pero dahil magaling siya at hindi naman siya uto-uto, nakuha niyang bumili ng isa sa halagang 120,000 rupiah.

            Nasa Ubud kasi sila at bilin na bilin sa kanya ni Reneth na huwag agad-agad kakagat sa unang presyuhan ng mga tindera because they tend to price their goods higher for tourists.

            Mukha pa man din silang turista, lalong lalo na si Exequiel.

            "Just pick anything, Hun," natatawang sabi ni Exequiel kay Blaire. "We have to hurry and find an air-conditioned establishment kasi pawis ka na," dagdag ni Exequiel.

            "Exequiel, mainit naman talaga sa Bali 'no," natatawang komento ni Blaire.

            "If I had known, hindi na kita dinala rito. Magkaka-rashes ka niyan eh," asar na sabi ni Exequiel.

            "Kung hindi mo 'ko dinala rito, hindi ka nakarami kagabi," pabirong bulong ni Blaire na ikinangisi ng kanyang nobyo. Ibinulong na lang niya dahil kasama nila sila Franz.

            Kahit talaga sa Bali ay kasama nila ang mga bodyguards ni Exequiel. Hindi alam ni Blaire pero nitong mga nakaraang linggo, mas naging mahigpit ang seguridad sa kanya. Blaire knows it has something to do with Exequiel's business and her involvement in his life, but she doesn't know the specifics.

            Hindi na lang siya nagsalita o nagreklamo. Exequiel knows what he's doing. Also, Exequiel is good at making sure that the people around him remains safe.

            "That's one of the good sides of traveling with you," nakangising bulong ni Exequiel kay Blaire bago halikan ang gilid ng baba ng nobya.

            Blaire chuckled and took out her bills para makapagbayad na siya.

            Hindi na nag-abala pa si Exequiel na akuin ang mga gagastusin ni Blaire dahil makakatikim lang siya ng kurot sa nobya. Lahat ng mga pinamili ni Blaire ngayong araw ay sariling pera mismo ng dalaga.

            "Now, let's go find a restaurant with an aircon," sabi ni Exequiel.

            "We passed by this restaurant kanina na gusto kong i-try," sabi ni Blaire kay Exequiel habang pinupunasan ni Exequiel ang noo ni Blaire.

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon