46.

398 19 43
                                    

            "ALAM mo bang engaged na rin sila Xavier and Allie?" tanong ni Blaire kay Exequiel habang nakasakay sila sa Ferrari ni Exequiel papunta sa bahay ng grandparents ni Exequiel dito sa Tuscany. "Xaviell told me about it," dagdag ni Blaire.

            Liningon ni Exequiel si Blaire at sinabing, "Fix your hat." Agad din namang inayos ni Blaire ang kanyang sumbrero. Mainit kasi sa Tuscany kaya pinagsuot niya si Blaire kanina ng sombrero. "When are they getting married?" tanong ni Exequiel.

            "I don't know. Baka next year pa sila," sagot ni Blaire.

            "Ang tagal," komento ni Exequiel.

            "Ikaw lang naman 'tong nagmamadali at excited na itali ako," natatawang sagot ni Blaire sa kanya. "Akala mo naman tatakbuhan pa kita. Asa naman akong matatakbuhan talaga kita," dagdag pa nito.

            Natawa si Exequiel at sinabing, "You managed to hide from me in London for weeks."

            "Ay oo nga pala 'no?" natatawang sagot ni Blaire.

            "Do you know how much I've made the lives of the people around me like hell because of what you did? Hindi pa 'ko makatulog kasi hindi ko alam kung okay ka pa ba o ano," nakasimangot na sagot ni Exequiel.

            Napangiti si Blaire at tinagilid niya ang kanyang katawan para nakaharap siya kay Exequiel na nagmamaneho. "And I'm sorry for not telling you where I was," sabi ni Blaire before reaching forward and kissing Exequiel on the cheek.

            "Tsk. Wife, baka madisgrasya tayo! Gusto ko pang umabot sa kasal natin," asar na sagot ni Exequiel sa kanya na ikinatawa na lang ni Blaire. "Sino bang kasabwat mo sa London ha?"

            Hindi sumagot si Blaire at tinawanan lang si Exequiel. She promised Phylane na hindi niya ito ilalaglag kay Exequiel kaya hindi siya magsasalita. Sinamaan siya ng tingin ni Exequiel at tinawanan niya ulit ito.

            "Tawa ka nang tawa diyan," asar na sabi ni Exequiel. "I know that it's Phylane, Wife," sabi ni Exequiel at hindi sumagot si Blaire. "Your secret's long been known pagkaalis na pagkaalis mo pa lang ng Paris," nakangising dagdag ni Exequiel. "That's also why I stopped looking for you. Phylane will never put you in harm."

            "Takot lang no'n sa'yo. Araw-araw kaya niya 'kong tinatawagan to make sure that I'm okay at hindi mo pa 'ko nahahanap," natatawang sagot ni Blaire.

            "Finding out where you were was just a phone call away," sabi ni Exequiel. "But I stopped myself from finding out where you were. Kailangan mo rin namang ma-experience ulit ang buhay na wala ako."

            "Sira," natatawang sagot ni Blaire. "Nangyari lang ata 'yan no'ng hindi pa kita nakikilala eh. And when we met, you're already in my life. Na-love at first sight ka sa'kin eh," dagdag ni Blaire at ikinatawa ni Exequiel ang huling sinabi ni Blaire.

            "Anyway, it's good that pinabalik mo rin naman sa trabaho mga tinanggalan mo," nakangiting sabi ni Blaire. "Please don't do that again. 'Wag mo namang pabigla-biglang tatanggalan," dagdag ni Blaire. "Ang hirap-hirap maghanap ng trabaho eh."

            Alam naman kasi ni Blaire ang hirap sa paghahanap ng trabaho 'no. She was even in the middle of applying for jobs no'ng naabutan siya ni Exequiel sa building sa tabi ng kompanya nito. Sobrang sakit kaya sa ulo ang paghahanap ng trabaho.

            "Opo, Misis," sagot sa kanya ni Exequiel at napangiti si Blaire.

            "Papa-under ka sa'kin 'no?" nang-aasar na tanong ni Blaire kay Exequiel.

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon