10.

383 20 20
                                    

            PAGOD na binuksan ni Blaire ang pintuan ng kanyang unit gamit ang kanyang keycard. Isang linggo. Isang linggo na siyang pagod na pagod at gusto na lang niyang matulog buong araw simula mamaya hanggang bukas. Buti na lang at wala siyang pasok bukas.

            Isinandal ni Blaire ang sarili niya sa dingding pagkasara niya ng pintuan. She took off her shoes and left them in front of the shoe cabinet by the door. Hindi na siya nag-abalang ipasok pa iyon sa cabinet.

            "Thank God I don't have to work tomorrow," bulong ni Blaire sa kanyang sarili before leaving her keycard on top of the console table by the main door.

            "Yes. Thank God you don't have to work tomorrow," dinig ni Blaire.

            "Ay demonyo!" sigaw ni Blaire sa sobrang gulat. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib.

            Saktong pagbukas din kasi ni Blaire ng mga ilaw sa kanyang unit ay narinig niya ang boses na iyon. Hindi niya in-expect kaya gulat na gulat siya.

            "Exequiel?" nakakunot ang noong tawag ni Blaire sa lalaking nakangiti sa gitna ng living room niya. "What are you doing here?" naguguluhang tanong ni Blaire.

            "Hopped on an earlier flight," kibit-balikat na sagot ni Exequiel.

            Naglakad si Blaire papalapit kay Exequiel at hinagis ang kanyang bag sa isa sa mga couches sa kanyang living room. Nakangiting sinundan lang naman siya ng tingin ni Exequiel at hinintay siyang makalapit dito.

            Pinagmasdan ni Blaire ang mukha ni Exequiel. Grabe. Isang linggo niya itong hindi nakita dahil nga sa trabaho nito sa Singapore.

            Sobrang na-miss niya ito.

            Exequiel put both of his hands on either side of Blaire and pulled her close.

            "Did you miss me?" tanong ni Exequiel.

            Tumango-tango si Blaire.

            "I missed you too," nakangiting sagot ni Exequiel. "We didn't have so much time as new boyfriend and girlfriend because I had to leave for work," dagdag ni Exequiel.

            Napapikit si Blaire nang maramdaman niya ang paglapat ng kamay ni Exequiel sa kanyang pisngi. Ang init no'n kaya naman guminhawa ang kanyang pakiramdam.

            "Pagod na pagod ka ah. Your eyes look so tired," seryosong komento ni Exequiel. "Have you eaten?" tanong ni Exequiel.

            "Yes," sagot ni Blaire.

            "Let's go," yaya ni Exequiel. "Let me help you fix yourself for bed."

            "Dito ka matutulog?" gulat na tanong ni Blaire. This is the first time he'll sleep in her unit. Lagi kasing siya ang nagste-stay sa bahay nito and not the other way around dahil wala naman siyang ekstrang kuwarto sa unit niya.

            "Yes. I'll sleep on the couch. I'll take care of you," nakangiting sagot ni Exequiel.

            Tumango-tango naman si Blaire at nagpahila na siya kay Exequiel patungo sa kanyang kuwarto.

            "I'm guessing that you've done your job well because you came back alive," pabirong sabi ni Blaire kay Exequiel.

            Napangiti si Exequiel at hinila papalapit sa kanyang katawan ang kanyang nobya. He wrapped his arm around her and walked with her towards her room.

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon