"If I have to, I'll wait forever. Say the word and I'll change my plans. You know that we fit together; I know your heart like the back of my hand." —Shawn Mendes, When You're Ready (2018)
LUMABAS si Blaire mula sa kuwarto nila ni Exequiel at dumiretso siya sa kusina para matingnan kung anong puwede niyang lutuin para sa kanilang lahat para sa tanghalian pero natigil siya sa paglalakad nang makita niya si Exequiel na kaharap sila Dara at Gideon na nag-aayos ng mga lalagyanan ng pagkain.
"You're awake," nakangiting sabi ni Exequiel sa kanya.
Ngumiti lang si Blaire bilang sagot at sinamaan naman niya ng tingin si Dara nang makitang nakangisi ito sa kanya. Anong oras na rin sila nakatulog ni Dara sa sobrang kadaldalan nilang dalawa.
"I thought you won't be back until 2 o'clock?" tanong ni Blaire nang makalapit siya kay Exequiel.
"I can't really leave you here that long," kibit-balikat na sagot ni Exequiel bago tumalikod at naghanap ng bottle opener.
Sinamaan ulit ni Blaire ng tingin si Dara nang ngumiti ito sa kanyang parang inaasar siya, samantalang si Gideon naman ay oblivious sa mga nangyayari at tumalikod para ihatid ang mga pagkain kanila Franz at sa ibang mga kasama nila sa villa.
"Love is sweeter the second time around, just as wonderful with both feet on the ground. It's that second time you hear your love song sung," kanta ni Dara habang nakangisi kay Blaire.
"I didn't know you're into Frank Sinatra," biglang komento ni Gideon nang makabalik ito sa kusina at narinig ang nobyang kumakanta.
"I'm sure Blaire loves that song," nakangising sabi ni Dara bago ulit umalis si Gideon.
Dinampot ni Blaire ang tinidor na malapit sa kanya at tinutok iyon kay Dara na tinawanan lang siya. "Stop," Blaire mouthed.
"No," Dara mouthed habang nakangisi.
"I can't find the bottle opener, Devan. Help," dinig ni Blaire na sabi sa kanya ni Exequiel kaya naman sinamaan niya muli ng tingin si Dara bago tumalikod at tinulungan si Exequiel sa paghahanap.
"Credit cards and cellphones, sa'kin mo pinapatago at hinahanap. Now, the bottle opener. You're hopeless," natatawang komento ni Blaire kay Exequiel.
"You love me anyway," natatawang sagot ni Exequiel.
"Oh, she does," biglang singit ni Dara.
Lumingin si Blaire kay Dara at nakita niyang lumingon din si Exequiel pero nakita na lang nila ang likod ni Dara dahil naglalakad na ito palayo habang hawak-hawak ang ilang food containers.
"What did she say?" natatawang tanong ni Exequiel kay Blaire.
"Don't mind her. May topak 'yan. Nasobrahan ata sa yogurt kaninang madaling araw," natatawang sagot ni Blaire. "Here you go," sabi ni Blaire nang makita niya ang bottle opener at iniabot niya iyon kay Exequiel. "Puntahan ko lang sila Franz," paalam niya pero bago pa siya makalayo ay pinigilan na siya ni Exequiel.
"Hmm?" patanong na sabi ni Blaire kay Exequiel.
"The routine," sagot ni Exequiel.
Blaire chuckled and let Exequiel kiss her forehead.
"You may go," sabi ni Exequiel at natawa na lang si Blaire.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Romance(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...