40.

374 18 14
                                    

            KUMUNOT ang noo ni Blaire nang may mag-doorbell sa kanyang apartment. Oo. Pinalagyan niya ng doorbell ang kanyang apartment para marinig niya talaga kung may tao ba sa labas.

            Sino kaya ang bisita niya ngayon? Wala pa man din siya sa mood na lumabas-labas o makipagkita man lang sa kung sino. Si Dara nama'y tulog na tulog sa kuwarto nito. Apat na araw pa lang ang nakalilipas simula no'ng iwan siya ni Exequiel.

            She tried contacting him pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya kaya buwiset na buwiset siya kahit alas-nuebe pa lang naman ng umaga rito sa Paris. Tama bang hindi sagutin ang mga tawag niya?

            Hindi ka nga niya pakikielaman sa loob ng tatlong buwan 'di ba?

            "Tsk," sabi ni Blaire.

            Lumapit siya sa pintuan ng kanyang apartment para pagbuksan ang taong nasa labas. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita ang grandparents ni Exequiel. Bakit sila nandito? At ba't nakakunot pa rin ang noo ko?

            "Aren't you going to let us in?" malamig na tanong sa kanya ng lola ni Exequiel.

            Sobrang vintage ang outfit ng grandparents ni Exequiel. Parang bumalik si Blaire sa 1940s-1960s dahil sa damitan ng lolo't lola ni Exequiel. Ganito rin ang mga ito no'ng una niyang makita ang mga ito.

            Mabuti na nga lang at hindi masyadong konserbatibo ang pag-iisip ng mga ito. Nakakasabay ang mga ito sa pabago-bagong paniniwala ng mga tao pero tama si Exequiel na ang lolo't lola nito ang isa sa mga makapangyarihang mga tao na naniniwalang "Fear is one way to earn people's respect".

            "A-Ah, p-please come in," sagot ni Blaire at niluwagan niya ang bukas ng pintuan para makapasok ang lolo't lola ni Exequiel. Nakahinga naman nang maluwag si Blaire nang wala siyang makitang bagaheng dala-dala ng mag-asawa.

            "What's for breakfast?" malamig na tanong naman ng lolo ni Exequiel sa kanya.

            Mamamatay ata siya sa sobrang takot at kaba ngayong araw ah? Bakit ba kasi binuksan pa niya 'yung pintuan? Bakit kasi hindi na lang niya hinayaang nagdo-doorbell ito at isipin ng mga itong walang tao sa loob ng apartment? Bakit pinapasok niya ang mga ito?

            Because they are Exequiel's grandparents, isip ni Blaire.

            "Hiningi namin ang address mo from our grandson para 'pag bumisita kami rito'y may kasama kami," malamig na sabi ng lola ni Exequiel habang iniikot ang mga mata sa buong apartment niya. Hindi naman makita ng mga mata ni Blaire ang lolo ni Exequiel.

            "My grandson loves the role of comforting and consoling you," biglang sabi ng lolo ni Exequiel na hindi alam ni Blaire kung saan biglang sumulpot dahil hindi nga niya ito nakita.

            "But at least you're the woman he's comforting and consoling and no one else," biglang dagdag naman ng lola ni Exequiel.

            Kumunot ang noo ni Blaire dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng lolo't lola ni Exequiel. Sinusundo na ba siya ng kamatayan? Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ng mga ito at sinundan ang mga ito na naglilibot sa hindi naman masyadong malawak niyang apartment.

            "Aren't you going to offer us breakfast?" tanong ng lola ni Exequiel kay Blaire.

            "Blaire! May bisita ka ba?" bigla namang tanong ni Dara sa kanya na natigil nang makita ang grandparents ni Exequiel. "M-Misis Matteo and Mister Matteo," bati ni Dara sa mag-asawa at yumuko.

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon