ITINAAS ni Blaire ang kanyang kaliwang binti para makabuwelo siya paupo mula sa kanyang pagkakahiga sa kama. Her baby bump's a lot bigger now dahil anim na buwan na siyang buntis at nahihirapan na rin siyang gumalaw-galaw.
"You're awake," rinig ni Blaire na sabi ni Exequiel na kalalabas lang mula sa closet nito habang nag-aayos ng cuff links nito.
Liningon ni Blaire ang asawa bago silipin ang orasang nasa ibabaw ng nightstand sa kanyang tabi. Nagtaka naman siya dahil alas-dies na ng umaga pero nandito pa rin sa bahay ang magaling niyang asawa.
"Why are you still here?" tanong ni Blaire. "I thought you already went to work after breakfast," dagdag ni Blaire. Kaninang umaga kasi ay nag-almusal sila tapos umakyat siya agad papunta sa kuwarto nila pagkatapos para matulog ulit. Akala pa nga niya talaga ay pumasok na sa opisina si Exequiel.
"I had to answer a Skype call," nakangiting sagot ni Exequiel bago lumapit sa kanyang nakaupo pa rin sa kama. "How's your sleep?" tanong ni Exequiel bago halikan sa mga labi si Blaire.
"Nagugutom na naman ako," nakangusong sagot ni Blaire.
"Let's go?" yaya ni Exequiel.
"Anong 'let's go'? Pumasok ka na kaya," nakataas ang kilay na sagot ni Blaire at mas tumaas pa ang kilay niya nang umupo sa harapan niya si Exequiel. "Pumasok ka na. I will be okay," sabi ni Blaire.
"I know that you're going to be okay," nakangiting sagot ni Exequiel. "It's just that you look so beautiful today, Wife."
"Binobola mo lang ako!" sagot ni Blaire sabay irap sa hangin. "Bola na nga ako, bobolahin mo pa 'ko."
"May pa-irap ka pa. Tsk. Maldita ka pa rin," natatawang sagot ni Exequiel bago hulihin muli ang mga labi ni Blaire at halikan nang mariin ang asawa. "Let's go," yaya ni Exequiel. "I'll make some Toast for you bago ako pumasok."
Agad namang nagliwanag ang mga mata ni Blaire at sinabing, "Toast? With eggs and ham?"
"Yes," natatawang sagot ni Exequiel before standing up and grabbing both of Blaire's hands. "I'll help you," sabi ni Exequiel at tinulungan nga niya ang asawang makatayo mula sa pagkakaupo nito sa kama.
"Thank you," nakangiting sabi ni Blaire kay Exequiel.
"Uuwi rin ako agad," sabi ni Exequiel.
"Ano ka ba? One week ka na ngang hindi pumapasok!" sagot ni Blaire bago hanapin ang mga tsinelas niyang hindi niya mahanap. "My God! Hindi ko mahanap! This tummy is blocking my view," asar na sabi ni Blaire.
Exequiel chuckled and squatted para kunin ang mga tsinelas ni Blaire na nakaipit sa maliit na siwang sa ilalim ng kanilang kama. "Sit," utos ni Exequiel kay Blaire at sinunod naman siya ng asawa.
Exequiel knelt on one knee and looked up para tingnan si Blaire. Nakita niyang nakakagat ang asawa sa ibabang labi nito at pinipigilang maiyak.
Exequiel smiled and reached for his wife's face. "Just a few more months, Chérie. Just a few more," sabi ni Exequiel.
"It's only six months and hindi na 'ko makagalaw nang maayos. I can't even see my feet," nanginginig na sagot ni Blaire. Nanginginig ang boses niya kasi pinipigilan niyang maiyak. Hindi naman sa ayaw niyang buntis siya, naaasar lang siya dala ng hormones niya at dahil hindi na siya makagalaw nang maayos.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Roman d'amour(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...