IMINULAT ni Blaire ang kanyang mga mata at naaninag niya ang sikat ng araw na nagmumula sa labas ng glass wall. Nakabukas na pala ang mga blinds ng bahay nila ni Exequiel—ang dating bahay lang ni Exequiel. Blaire sat up and realized na wala nga pala siyang damit sa ilalim ng comforter.
She's sitting on their wide bed at napansin niyang may isang folded white silk robe na nakatapong sa kanyang kaliwa. Alam naman kasing pinagod ako kagabi 'tas iiwang nakabukas ang blinds dito, natatawang isip ni Blaire. Kinuha ni Blaire ang maliit na note sa ibabaw ng roba at binasa ang nakasulat doon.
I can't find the remote because of the mess we made. I don't want people from outside to see you naked or just covered with a comforter, Wife.
Napangiti si Blaire. Pagkatapos niyang isuot ang robang hinanda para sa kanya ng kanyang asawa ay tumayo na siya mula kanyang pagkakaupo sa kama. Hinanap niya ang remote ng kanilang kuwarto ni Exequiel at nakita niya iyon sa ilalim ng kanyang evening dress na nasa sahig.
They went to a gala last night because they were both invited at syempre, they would always end up naked in bed whenever they get the chance.
Ibinaba ni Blaire ang remote sa nightstand sa may side ni Exequiel—kaliwang bahagi ng kama—bago maghimalos, mag-toothbbrush, magsuklay ng buhok at lumapit sa glass walls ng kanilang kuwarto.
Napangiti si Blaire nang makita sila Manang Renalyn na naglilinis ng harapan ng kanilang bahay. Kasama rin nila ang iba pang mga tauhang naglilinis ng limang kotseng naka-park sa harapan ng bahay. Naka-park lang ang mga iyon doon dahil mahirap nga namang linisin ang mga iyon sa garahe.
Kumaway si Blaire nang lingunin siya nila Manang Renalyn at nakangiti sa kanya.
Lumabas si Blaire ng kuwarto nila ni Exequiel at naglakad patungo sa kuwarto ng kanilang mga anak. Malamang ay nandoon si Exequiel dahil medyo nakabukas ang pintuan ng kuwartong iyon. She opened the door wider.
Pagkabukas niya ng pintuan ay napangiti siya nang makita ang likod ni Exequiel habang hinehele ang kanilang anak. This is one of her favorite versions of Exequiel; ibang-iba ang tindig nito bilang isang ama. Hotter, isip ni Blaire.
Napatigil si Blaire. Wait, parang nangyari na 'to. Ganitong-ganito, isip ni Blaire.
"Wife?" rinig ni Blaire na tawag sa kanya ni Exequiel. "Is there a problem?" tanong nito sa kanya.
"Déjà vu," simpleng sagot ni Blaire.
Malapad na ngumiti si Exequiel at lumapit sa kanya. "Good morning," bati nito sa kanya bago siya hagkan gamit ang isa nitong braso habang ingat na ingat pa ring binubuhat ng isa nitong braso ang sanggol bago siya halikan sa noo. "How was your sleep, Wife?" tanong nito sa kanya.
"It was good," nakangiting sagot ni Blaire at napansin niya ang mga wala nang lamang bote ng gatas sa may baby table ng kuwarto. Hindi talaga nale-late sa pagpapakain ng mga anak 'to, natatawang isip ni Blaire.
"Good. I had a good sleep as well, Wife," Exequiel answered playfully na ikinatawa ni Blaire. Anong oras na ba silang nakatulog ni Exequiel dahil ayaw siya nitong tigilan kagabi? "Do you want to hold him?" tanong nito sa kanya.
Tiningnan ni Blaire ang kanyang anak at nakangiting kinuha niya ito mula kay Exequiel. "He really looks just like you," bulong ni Blaire habang hinehele ang kanyang anak at naramdaman niyang pumulupot sa kanyang beywang ang mga braso ni Exequiel at ipinatong ang baba nito sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Romance(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...