NAASAR na iminulat ni Blaire ang kanyang mga mata dahil sa sinag ng araw. May hangover pa siya, which hindi naman siya sanay na maranasan dahil mataas ang alcohol tolerance niya pero kagabi talaga'y nag-all out sila ni Enrico sa after-party.
Pretty sure I have pictures with Enrico drunk, isip ni Blaire.
Dahan-dahang umupo siya sa kanyang kama. Dahan-dahan lang ang mga paggalaw niya dahil ayaw niyang maalog ang kanyang ulo. Gosh, this is worse than the headache I had no'ng pinagbubuntis ko si Little Angel, isip ni Blaire.
Fuck, mura niya nang malakas na mag-ring ang cellphone niyang nasa tabi lang niya.
"What?!" asar na asar na sagot ni Blaire sa tawag ni Dara.
"Blaire, hindi ako makatayo," sabi sa kanya ni Dara sa kabilang linya at agad naman itong pinatayan ni Blaire ng tawag. Pasasakitin ang ulo niya para lang sabihin sa kanyang kahit ito'y hirap na hirap sa hangover nito? Asar.
Nag-ring na naman ang cellphone niya at kumunot ang noo niya nang makitang si Xaviell, ang kapatid ng ex niyang si Xavier, ang tumatawag sa kanya.
"Ano na namang kailangan mo, Xaviell?" asar na tanong ni Blaire kay Xaviell.
"Engage na sila Allie and Kuya," masayang balita ni Xaviell kay Blaire.
Napangiti si Blaire. Finally, he's found true and complete happiness, isip ni Blaire. Siya kaya? Kailan? Mag-iisang taon na simula no'ng iwan niya ang lahat at heto siya't naiwang mag-isa sa malayong bansa.
Hindi naman sila totally nawalan ng koneksyon ni Xaviell. Sa kulit ba naman ng kapatid ni Xavier at dahil itinuring na rin siya nitong sarili nitong kapatid, nakahanap talaga ito ng paraan para magkaroon ng constant communication with her.
Gumawa na lang sila ng kasunduan na huwag ipapaalam sa kahit na sino na may komunikasyon silang dalawa to which Xaviell gladly agreed basta't huwag lang daw niya itong ipagtatabuyan.
Binisita pa nga siya nito rito sa mismong Paris pero sinakto nitong wala si Exequiel dahil hindi pa rin daw nito gusto ang awra ni Exequiel. Para raw kasing hindi tao ang tindig ni Exequiel na super ikinatawa ni Blaire.
Exequiel ka na naman.
"That's good to know, Xaviell," sagot ni Blaire kay Xaviell.
"Teka, are you not feeling well?" nag-aalalang tanong sa kanya ng kapatid ni Xavier.
"Hangover," sagot ni Blaire at bigla naman niyang naramdaman ang matinding hangover. Ando'n na eh. Nakalimutan na niyang may hangover siya eh. Asar.
"Oh. Ba't ka naman naglasing? May problema ba kayo ni Exequiel?" natatawang tanong ni Xaviell.
Binaba na ni Blaire ang tawag dahil paniguradong aasarin lang siya ni Xaviell gaya ng mga nakaraang beses na kinamusta siya nito.
Sinilip ni Blaire kung anong oras na at napamura siya nang makitang mag-aalas dose na ng hapon. May usapan pa nga pala sila ni Enrico na magla-lunch sila ngayon at magliliwaliw sa Paris dahil bukas ay kailangan nang bumalik ni Enrico sa Milan.
Tatayo na sana si Blaire mula sa kanyang kama nang maalala niya kung bakit nga ba siya nagpakalasing kagabi. Fucking Exequiel, isip ni Blaire.
BINABASA MO ANG
The Waiting Game
Dragoste(BOOK 2 OF "YOU ARE A PART OF ME") "'Pag mahal mo ang isang tao, nagiging parte sila ng pagkatao mo, ng buhay mo, ng mismong ikaw. It's like you're attached by this invisible chain na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, you can always feel them...