6.

444 22 39
                                    

            "SIMANGOT na simangot ka ah," natatawang komento ni Blaire kay Exequiel habang hinihintay nila ang mag-aasikaso sa kanila para makasakay na sila ng kabayo. Kanina pa tahimik si Exequiel at nakasimangot simula noong umalis sila ng restaurant.

            "Ngiti ka naman. Anong klaseng second date 'to kung badtrip ka?" natatawang dagdag ni Blaire sabay nudge kay Exequiel.

            Lumapad naman ang ngiti ni Blaire nang makita niyang umaliwalas ang mukha ni Exequiel sa sinabi niya.

            "Second date?" tanong ni Exequiel habang nakatingin sa kanya.

            "Oo," nakangiting sagot ni Blaire sabay iwas ng tingin at pinagmasdan ang mga batang masayang nakasakay sa mga kabayo. "Pero sana may patience ka. Hindi ako nagpapaligaw hangga't hindi lumalagpas ng third date eh," biro ni Blaire.

            Liningon ni Blaire si Exequiel. Nakatingin ang binata sa kanya at nakangiti ito nang napakalapad.

            "Oh? Akala ko ba badtrip ka?" pabirong tanong ni Blaire.

            Exequiel chuckled at hinawakan niya ang kanang kamay ni Blaire. "Tara na nga," sabi ni Exequiel sabay hila kay Blaire papunta sa isang puting kabayong naghihintay para sa dalaga.

            "Hello po, Ma'am," bati ng lalaking hinagod-hagod ang puting kabayo. "Ito po ang kabayo ninyo. Siya po si Sandy," dagdag nito.

            "Safe naman ako diyan, Kuya, 'di ba?" tanong ni Blaire sa lalaki.

            "Oo naman, Ma'am," nakangiting sagot ng lalaki.

            "Are you sure that you want to ride a horse?" seryosong tanong ni Exequiel kay Blaire.

            "Yes," excited na sagot ni Blaire bago hilahin si Exequiel papunta sa tabi ng puting kabayo. "Ikaw ba?" tanong ni Blaire kay Exequiel. "Hindi ka talaga sasakay?"

            "I have to be ready 'pag may nangyari sa'yo," seryosong sagot ni Exequiel.

            "Sweet po ninyo, Sir," nakangiting sabi ng lalaki kay Exequiel.

            Natawa si Blaire at hindi na niya napigilan ang sariling haplusin ang puting kabayo. "Feeling ko naman hindi ako ibabagsak ni Sandy. 'Di ba Sandy?" sabi ni Blaire at parang naiintindihan namang tumango ang kabayo.

            "See," sabi ni Blaire kay Exequiel na hawak-hawak pa rin ang kanyang kanang kamay at seryosong nakatingin sa kabayo.

            "Oo na," sagot ni Exequiel. "I'll help you up," sabi ni Exequiel bago hilahin si Blaire papalapit sa saddle ng kabayo. "Is it okay if I hold you by the waist?" paalam muna ni Exequiel kay Blaire.

            Sa sobrang excited ni Blaire na sumakay ng kabayo ay umoo na lang siya. Exequiel smiled and chuckled before helping Blaire up the horse and holding her by the waist to make sure she's steady while up on the horse.

            "Okay?" tanong ni Exequiel kay Blaire.

            "Yes," nakangiting sagot ni Blaire. "Tara na, Kuya," sabi ni Blaire sa lalaking may hawak-hawak sa leash ni Sandy. "Baka mamaya magbago pa isip nitong si Boss at pababain na 'ko," natatawang dagdag ni Blaire.

            Natawa ang lalaki. Exequiel also chuckled and let go of Blaire.

            "Kuya, 'wag masyadong mabilis ah," pakiusap ni Exequiel sa lalaki.

            "Opo, Sir," sagot ng lalaki at hinila na nito ang kabayo para magsimulang maglakad.

            Nawala ang pag-aalala ni Exequiel kay Blaire nang makita niyang tumatawa at ang lapad ng ngiti ni Blaire habang sakay-sakay ito ng kabayo. Ni wala siyang makitang pangamba sa mga mata nito nang bumilis ang kabayo at bumitaw pa ang lalaking nag-a-assist dito.

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon