13.

351 23 25
                                    

            "WHAT are you doing here, Yssa?" tanong ni Exequiel kay Yssa na naglalakad na papalapit sa kanya. Bigla namang naramdaman ni Exequiel na nag-vibrate ang cellphone niya sa loob ng kanyang bulsa, kaya sinenyasan niya si Yssa to excuse himself.

            Napataas naman ang kilay ni Yssa sa inasal ni Exequiel. Wala siyang epekto sa binata. Why? She looks better than she was the last time they've seen each other and before they lost contact kaya bakit wala man lang siyang epekto kay Exequiel?

            "Sir, I've contacted the florist," sabi ni Misty kay Exequiel bago ito nawala sa kabilang linya at napalitan ng isang babae.

            "Good afternoon, Sir," bati ng florist kay Exequiel. "One vase of white Tulips po ba?" tanong nito.

            "Let's do white Lilies today," sagot ni Exequiel. "Baka nagsasawa na 'yun sa Tulips eh," natatawang dagdag ni Exequiel sa florist na tumawa rin. "Or, let's do both," desisyon ni Exequiel. "Please send it to my office first so that I can write on the card."

            "Yes, Sir," sagot ng florist.

            "Thank you," sagot ni Exequiel bago binaba ang tawag.

            The whole time Yssa was listening to Exequiel speak to someone on the phone, unti-unting tumataas ang kanyang kilay. So, it's true. May girlfriend na nga talaga ang isang Exequiel Vonn Matteo.

            "So, what do you need?" tanong ni Exequiel kay Yssa pagbalik niya ng cellphone sa kanyang bulsa.

            "So, it's true that you already have someone," sabi ni Yssa kay Exequiel.

            Exequiel chuckled and said, "Of course, Yssa. I am with someone and she's the meaning of my dream and life."

            Naglakad si Exequiel patungo ng kanyang desk at umupo sa kanyang swivel chair. Sumunod naman si Yssa sa kanya at tumayo ang dalaga sa harapan ng kanyang desk.

            "What do you really need?" tanong ni Exequiel before taking his phone out of his pocket and putting on the table.

            "Exequiel, I was a part of your life, don't talk to me like I'm your client," nakakunot ang noong komento ni Yssa dahil kung makapagsalita sa kanya si Exequiel ngayon ay para siyang kliyente nito at wala silang nakaraan.

            At saka pa'no nga kung kliyente siya nito? Talaga bang sobrang proud nito sa girlfriend nito at ganito na lang itong chumika?

            "I was merely asking what you need from me," kibit-balikat na sagot ni Exequiel.

            "I want you back," seryosong sagot ni Yssa.

            "Like I said, I am with someone and I love her so much," sagot ni Exequiel kay Yssa. "It doesn't matter if you want me back or not, because I won't...never again. She's my future, Yssa," dagdag ni Exequiel.

            "You're so in love," nakakunot ang noong komento ni Yssa.

            "Yes, I am," nakangiting sagot ni Exequiel. "And I won't do anything that will hurt her."

            Tumaas ang kilay ni Yssa at tinukod niya ang kanyang mga kamay sa lamesa ni Exequiel. "I want you back and you know me, Exequiel, you know that I always get what I want," seryosong sabi ni Yssa bago siya tumalikod at tuluyang umalis ng opisina ni Exequiel.

            Napailing na lang si Exequiel dahil kay Yssa at inabot ang kanyang cellphone.

            Ngumiti siya nang makitang may text sa kanya si Blaire:

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon