30.

349 21 10
                                    

            "MOMMY, don't go," nakangusong pamimilit ni Lara kay Blaire habang nakaupo ito sa mga hita ni Blaire at nakaharap sa kanya. "Please?" dagdag ni Lara bago ilagay ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi ng kanyang ina.

            Blaire chuckled ang removed her hands from Lara's waist to pinch Lara's fluffy cheeks. Kailangan niya kasing suportahan si Lara kanina sa beywang nito dahil baka bigla itong tumambling mula sa pagkakaupo sa mga hita niya anng hindi niya inaasahan.

            "I have to, Sweetie. It's work," sagot ni Blaire.

            "You don't love me anymore?" maluha-luhang sagot ni Lara.

            But Blaire knows better. Tuso ang bata katulad niya at ng ama nitong si Exequiel. Pa'no ba namang hindi ito magmamana sa kanila kung sila na ang halos nagpalaki rito?

            Well, Exequiel did the other half alone dahil hindi naman alam ni Blaire and Blaire was with Xavier that time, pero sa mga susunod na taon? Blaire was there kahit na hindi siya pinapansin ni Lara. At saka 'pag pinagsasabihan nga niya si Lara ay nakikinig na ito sa kanya simula noon.

            "Sweetie, you know that won't work on me," natatawang sabi ni Blaire kay Lara at humalukipkip naman ang bata. Blaire can't help but to kiss Lara on her cheek sa panggigigil. "You know what? There's this delicious pie near my restaurant there. Do you want me to bring you one home?" sabi ni Blaire sa bata.

            Mabilis naman na kumislap ang mga mata ni Lara. Blaire chuckled. Nakarinig lang ng matamis ang bata ay nagbago na ang mood nito. Mana nga kay Exequiel, isip niya.

            "Promise?" masayang tanong ni Lara.

            "Promise," nakangiting sagot ni Blaire at natawa ulit siya nang biglang ipulupot ni Lara ang mga braso nito sa kanyang batok at sinubsob ang mukha nito sa kanyang leeg.

            "Lara," malamig na tawag ni Exequiel sa kanyang anak.

            Nagtatakang tiningnan naman ni Blaire si Exequiel na mukhang asar na asar habang nakatayo sa harapan nilang "mag-ina". Naramdaman ni Blaire na natigilan si Lara at mas sinubsob ang mukha sa kanyang leeg.

            "Lara," tawag ulit ni Exequiel sa anak.

            "What is it?" tanong ni Blaire kay Exequiel.

            "Your daughter drew on a very important contract, Wife," frustrated na sagot ni Exequiel kay Blaire.

            "Your daughter as well, Exequiel," natatawang sagot ni Blaire at sinamaan naman siya ng tingin ni Exequiel. "Which contract? 'Yung sa Netherlands ba 'yan?" tanong ni Blaire.

            "Yes," sagot ni Exequiel.

            Nanlaki ang mga mata ni Blaire. Alam niya kung ga'no kaimportante ang kontratang iyon sa susunod na ila-launch ng kompanya ni Exequiel. She knows dahil sa dalas ba naman niyang tumambay sa opisina ni Exequiel ay naririnig niya ito kapag may kausap sa phone.

            Pilit na pinahaharap ni Blaire si Lara sa kanya at nang sumuko ang bata ay nakayukong hinarap nito ang mukha ni Blaire.

            "Lara, I told you not to touch any of your dad's work papers," seryosong sabi ni Blaire sa bata.

            "I want to draw," sagot ni Lara habang may mga namumuo nang luha sa mga mata nito at nanginginig na ang mga labi nito.

            Blaire suddenly felt Exequiel walk nearer and he pulled Lara away from Blaire para buhatin ang bata. Agad namang sumubsob si Lara sa leeg ni Exequiel at narinig na lang nila Blaire ang mga hikbi nito.

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon