Hating gabi nang magising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Tumatawag si Faye.
"Hello?" I answered.
"Uhm, Ariela? Nandyan ba si Niccolo? Sabi kasi ng momny niya hindi raw umuwi, hindi rin nagpa alam kaya nag aalala na sa kanila. Sabi naman ng mga barkada niya hindi raw nila kasama" medyo may pag aalinlangan sa tono niya. Ano bang nangyayari? Wala si Dio? Pero kanina ko pa siya pinauwi.
"Pumunta siya rito kanina, pero umalis din" tugon ko.
"Ah ganon ba? Sige, pasensya ka na sa abala. Magpahinga ka na" and she ended the call.
Nag aalala na rin ako rito! Alas dose na ng hating gabi saan ba iyon pupunta? Nagbakasakali akong tawagan siya, kahit napaka imposible, sina Faye nga at magulang niya hindi siya mahanap ako pa, pero kasi... at sinagot niya! Sumagot siya!
"D-Dio? Where are you? Hindi ka umuwi??" hindi ko na mapigilan ang tuloy tuloy na tanong.
"Uuwi na ako" he said with finality, but wait! Hindi ako lalo napanatag, lasing ba siya? At magda drive?
"Where are you? Are you drunk? Huwag kang magmaneho ng lasing!"
"Beside your gate" maikli niyang tugon, hindi sana ako maniniwala pero sinilip ko sa bintana at naroon nga ang sasakyan niya! Hindi ba siya umuwi?
Binaba ko na ang tawag at halos takbuhin ko na ang labas ng bahay makita lamang siya. Ano ba ito? Nag aalala ang mga tao sa kanya tapos narito lamang siya. Pagkalabas ko ng gate ay kumatok ako sa bintana ng shotgun seat, pinagbuksan niya ako galing sa loob.
"Bakit hindi ka umuwi?" pinipilit kong ayusin ang tono ng pananalita ko dahil naaawa na ako sa lagay niya rito. "Hinahanap ka na raw sa inyo"
"How can I? When you're sick and you don't want to see me. I want to take care of you." saad niya sa napaka lungkot na boses. Lasing lang ito.
Medyo nilamig ako rito sa sasakyan niya. Wala na ang hoodie ko dahil bumuti ang lagnat ko kanina kaya hinubad ko at sando nga lang pala ang suot ko ng nagtatakbo ako patungo rito. Medyo niyapos ko ang sarili ko, pero marahan niya akong hinila at niyapos. I felt warm.
"I'll go home" bulong niya sa akin na ikinagulat ko
"Ha? Pero lasing ka? Wala bang susundo sa iyo? O kaya mga kaibigan mo? Akin na 'yang cellphone mo" inilahad ko ang kamay ko sa kanya at ibinigay naman niya.
Ang daming missed calls, pero naghanap ako ng pwedeng tawagan, nakita ko ang pangalan ni Artheo. Pinisa ko, pero nakita kong may text "Umuwi ka na Niccolo, nag aalala na si Faye" hindi ko na pinaglaanan ng pansin at tinawagan ko na siya.
"Hello" medyo gulat pa si Artheo.
"Hi, it's Ariela. Pwede mo bang sunduin si Dio rito? Nandito sa labas ng bahay namin" binigay ko ang address namin at pumayag naman siya, inintay ko lamang makarating si Artheo bago magpa alam sa kanila at pumasok na sa amin.
Of course after what happened, hindi pwedeng mahimbing na tulog ang mangyari ano. Ano bang ginagawa mo sa akin Dio?
Pag pasok ko sa school, kinabukasan, alam ko kung sino ang may sala kung bakit nalaman ni Dio na may sakit ako. It's Rhom! Kaya naman ng makita ko siya sa may pinto ng classroom na papasok na ay nilapitan ko.
"Bakit mo naman sinabi?" medyo inis kong tanong. Kung hindi lang mag e-eskandalo at maraming tao rito sinabunutan ko na ito ng pabiro.
"Eh tinanong eh! Saka mukhang mambubugbog ay no! Hindi kakayanin ng beauty ko kung may mangyaring ganoon. Saka ang gwapo sis!" imbis na mainis ako rito kay Rhom dahil sa pagta traydor sa akin ay natawa nalamang ako sa mga sinasabi at tono niya.
BINABASA MO ANG
AFTERGLOW
General FictionBe the good thing that stays. Be the light that stays. Be my afterglow. Stay with me. Will you? -Dio