Chapter 7

69 4 0
                                    


That's Dio's car! And speaking of, he went out from the driver's seat tinitigan muna niya ako mula ulo hanggang paa. Bakit ba siya ang narito? Saka bakit ang dilim na naman ng muka niya? Galit ba ito? E hindi naman ako nagpasundo ah! He opened the passenger door. I don't know how to react. But I still managed to thank him.

"You're beautiful" he said while driving. Na ikinagulat ko dahil wala sa anyo niya ang bigla na lamang pupuri. Mukha siyang galit tapos biglang magsasabi ng ganoon. Oh Dio Niccolo, you know how to do it so well. The very bad boy Niccolo of Faye.

"T-thank you" I mean I may not as pretty as Faye and as confident but I guess pretty enough to accept praises, huh.

And when we got to the party. Everyone looked stunning, they came prepared. Stunning and elegant. Magkasabay kaming naglalakad ni Dio sa pwedeng maupuan.

Nakakainis naman na kahit naka takong na ako ay malaki parin ang tangkad niya sa akin! Hindi ko man lang nahabol kahit kaonti. Parang balewala rin ang takong. Hindi man lamang nabigyan ng hustisya!

"Hi" A guy I think a year older than me approached me. I don't like attention that much so I felt uncomfortable.

"Hi" Bati ko rin pabalik. Hindi man ako ganoon ka komportable pero ayoko naman maging rude sa birthday pa ni Faye.

I thought the guy just wanted to greet me but when I replied he saw hope that I might want to have a conversation with him!

And I suddenly felt a hand on my waist by the smell, I know who it is! I think my heart skipped a bit!

The guy who approached me saw what happened and looked at my waist with a territorial hand and after a few seconds "Ohhh" he said surprised when he realized what's happening and left.

"Thank you" Siguro ay napansin niyang hindi ako komportable sa ganoon. Nilingon ko siya at nakitang madilim at parang galit ang kanyang mukha. Ano ba talagang nagawa ko at galit na galit ito sa akin. "But you don't have to do that" I added. And I just realized how close we are to each other! His hand possessively wrapped on my waist and here I am looking at him. I felt the heat on my cheeks. And my heart fast beating.

The things you do Dio Niccolo. Ilang beses ko bang mababanggit sa isip ko ang pangalan mo dahil sa kung paano mo ako itrato?

He smiled at me and I can see how his face became more dark. Hindi ko na alam kung paano kami o ako nakabawi sa nangyari. Nakaupo na kami ngayon sa table ng mga barkada niya. At sobrang lapit ng upuan niya sa akin na pati ang kanyang kamay ay nakapatong sa sandalan ng aking inuupuan. Kaya't mukha siyang naka akbay sa akin.

Mas mabuti pa noong hindi niya ako pinapansin dahil inis lamang ang nararamdaman ko. Ngayon ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko, parang masyado naman mabilis kung nagkakagusto nga ako sa kanya at isa pa alam ko naman na may namamagitan nga sa kanila ng kaibigan kong si Faye. Sana hindi nalang nag improve ang pakikitungo mo sa akin Dio! Para hindi ako nalilito ng ganito!

The party is doing good. Faye is very cute and beautiful to her choice of gown. Which is pink. Because she said she always wants to look and feel young.

Like the tradition. There's red roses, which you'll dance with the celebrant and her first is Dio! Pagkatayo ni Dio sa tabi ko ay nag intay ako ng ilang sandali bago tumayo rin ng hindi niya napapansin upang magpahangin sa labas sandali.

Nang maka hanap na ako ng upuan sa labas ay umupo na ako. Sandali pa lamang akong nakaupo ng makarinig ako ng boses na bumati sa akin. It was Artheo. Dio's friend.
Kung hindi ko lamang alam na may something itong si Dio at Faye ay iisipin ko ring may something itong si Artheo para kay Faye. Iba siyang makatingin kay Faye eh. Sabagay simple ngunit pang modelo nga naman ang mukha at katawan ni Faye kaya hindi nakakapagtaka kung marami nga ang nagkakagusto sa kanya.

"Oh Hi, ba't andito ka?" I ask him.

"Nagpapahangin, e ikaw?" he asked me back.

Hanggang sa medyo napahaba ng konti ang kwentuhan at tawanan namin. Ngunit nabitin nang makita ko ang madilim na awra ni Dio na titig na titig sa amin. Sa akin. Na para bang may ginagawa kaming mali.

"Oh pare" pansin ni Artheo kay Dio.

"Faye's looking for you" matigas niyang pahayag para sa katabi kong si Artheo.

"Mauna na ako Ariela" paalam ni Artheo sa akin. Nginitian ko na lamang siya. Akala ko ay aalis narin si Dio pagka alis ni Artheo. Pero umupo pa si Dio sa pinag alisan ni Artheo, sa kalapit ko.

"What are you doing here? Baka kailangan ka na sa loob. Baka kailangan ka na ni Faye"

"Are you avoiding me?" lalaking lalaki talaga ang boses nito.

"Ha? Why would I?"

"Then, why are you here?"

Kapag sinabi kong nagpapahangin, parang ambabaw. E bakit ba? Salagay gusto ko rito!

"Are you jealous then?" he asked now smiling.

Ano bang pinagsasasabi nito? Pinagtri-tripan na naman ako! Bakit ba laging akong inaano nito, nananahimik ako rito tapos kung ano anong sinasabi.

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon