Chapter 13

51 4 0
                                    

Kung paanong maayos kami ni Dio ay siya namang kinagulo nitong si Artheo at Faye.

Nasa classroom ako habang iniisip kung gaano kaganda ang buhay ng biglang pumasok si Faye. She looked sad. Ano ba naman iyan, kung kailan masaya ako siya naman itong parang galit.

"Hey, you okay?" I asked her.

"Nakakainis 'yang mga babaeng alam na ngang hindi na available yung lalaki lapit pa nang lapit! Landi parin ng landi, ano girl? Mauubusan kayo ng lalaki? Awagan na ba?" inis na inis niyang sabi.

"Ano bang nangyari?" I asked her.

"May text nang text kay Artheo, lagi! Hindi na nga siya nire replayan ha, dinalhan pa ng pagkain? Anong akala niya kay Artheo walang pambili? Bilhin ko siya eh!" hindi na makapag timpi itong si Faye.

"Oh hindi naman pala nire replayan ni Artheo eh, okay lang iyon. Ang mahalaga ikaw ang ginu good morning" pang aalu ko sa kanya para mabawasan naman ang init ng ulo.

"No! My ghad AA! That's not okay! Kapag may nag text o lumandi kay Niccolo that's not okay! Saka roon din ako nagsimula kay Artheo ano, pa text text kunwari. Kaya alam ko mga galawan niyang mga babaeng iyan."

A relationship between two person should be exclusive between two person only. I don't get why people tend to be so tempted to like someone knowing the people they like is already in a relationship and vice versa for someone who is committed to be temped to like someone else. I mean nowadays it happens and if they already like someone else why don't they just break up the relationship than cheat? But then I remember some people who's not okay to be cheated on but accepted the situation as long as their partner still choose them at the end of the day. Kumbaga ay inuuwian parin.

I cannot remove the fact na may punto naman ang sinabi niya dahil hindi nga iyon okay. Kung marami ang mag te-text at makikisali sa relasyon namin ni Dio ay magugulo nga iyon. Pero kasi, wala pa naman kaming relasyon.

Break time na at nagtungo kami sa canteen, nagkwe kwento itong si Faye tungkol sa mga kalokohan ni Niccolo noon.

"Tapos dati nung nag inom 'yan ng lasing na lasing, may nagsumbong. Bawal kasing maglaro ang mga nag iinom o naka inom. Tawang tawa ako kasi bangko siya eh!" hindi ko narin mapigilan mapatawa. "Alam mo ginawa? Pinahanap yung nagsumbong, iyon pala kalaban sa basketball, natakot sigurong matalo sila nina Niccolo kaya nagsumbong, pero panalo parin sila Artheo ano. Nung nalaman ni Niccolo kung sino, ayun hinamon ng 1 on 1 sa basketball tapos kung sinong matalo suntok, alam mo na kung sinong nanalo"

"Nung isang beses naman may nag transfer dito lalaki, may kaya, pero mayabang. Minamaliit ako, akala nobody ako rito, dahil wala akong kasama madalas. Pinilit akong sumabay sa kanyang kumain e ayoko. Ayun pinag tig-isahang suntok nila ni Artheo nung nakita" kwento niya habang kumakain "At hindi roon nagtatapos! Pinahirapan nila rito kaya umalis narin at lumipat sa ibang school. Actually hindi naman bad boy si Niccolo na matripan or pa cool. He is kind, not everyone knows that though. Soon when you see that side of him, you don't want to let him go, you'll fall so hard, you'll love him"

Alam ko rin naman na mabait siya, nakikita ko naman sa kanya. Mukha hindi na kailangan ng soon dahil ngayon palang nasasanay na ako at ayaw ko ng bitawan eh.

"Pagkatapos mong ikwento mga kalokohan niya saka mo sinabing mabait" biniro ko na lamang siya.

"Well, that was in the past naman na" Faye explained "He changed na, kasi ayaw na daw niya ng magulong buhay. Parang matandang kausap, kala mo gusto ng mag settle down." Pabirong sabi ni Faye.

"Pero alam mo, masaya ako para kay Niccolo. Nag ma-mature na siya at iniisip na rin niya ang consequences ng mga actions niya ngayon. It's time for him to take relationship seriously. Isa pa palaging ako lang ang babaeng nakaaligid sa kanya, except of course sa mga playtime niya noon. Lagi rin siyang nagpapaka kuya at tatay sa akin kaya masaya akong makitang sarili naman niya ang iniisip niya ngayon. Masaya ako para sa inyo, Ariela."

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon