Chapter 9

69 5 0
                                    

"Foundation week na next week!" excited na sabi ni Faye.

Wala kaming sinalihang sports ni Faye. Napagkasunduan naman sa klase na hindi nalang mag bo booth para mag enjoy kami. Pinayagan naman kami, kahit business ang course dahil madalas naman kaming magtinda kahit hindi foundation.

"Oo nga, pero wala naman tayong masyadong gagawin." tugon ko

"Anong wala? Syempre magchi cheer tayo sa basketball no!" kasali nga pala si Artheo at Dio.

"Huy, may bagong transfer sa atin! Ang gwapo, grabe parang ready na akong maging mommy" singit nitong si Rhom sa pinag uusapan namin.

"Ha? Pwede ba iyon? Anong bwan na, edi late na siya sa klase." nagtatakang tanong ko.

"Oo naman no! Hanggang may pera ka tanggap ka dito, saka mukha ring matalino. Haay ang gwapo talaga" he said dreamy.

"Ewan ko sayo, bakla ka ang landi mo" pabirong sabi ni Faye, kaya nagkatuwan kami.

And we saw Dio and Artheo with their friends walked through ours.

Kahit mukhang wala namang balak lumapit si Dio at Artheo, itong mga kasama nila ang gustong makipag kulitan.

"Hi Rhom!" masayang bati nitong mga lalaki kay Rhom, kaya ito namang si bakla kilig na kilig!

"Oh pare, kayo pala" tugon naman niya.

"Gusto mo bang sumali sa basketball? O ano, may tanong ka ba sa amin?" inakbayan nila si Rhom at dahan dahang tinalikod sa amin at naglakad paalis. Ito namang maharot na si Rhom ay nakalimutan na kami at sumama nga. Samantalang kami ni Dio ay parang may sariling mundo at ganon din naman sila.

"A-attend kang foundation?" kuryosong tanong ni Dio.

"Oo, kailangan para sa attendance" nagpanggap akong may ginagawa.

"Papanuorin mo 'ko?" may pagsusumamo niyang tanong.

"Syempre! Go CoB! College of Business tayo eh" medyo ganado ko ng tugon, dahil medyo na excite narin ako sa foundation.

"Ano ba?!" narinig kong boses ni Faye na mukhang nakikipag talo kay Artheo. "Tara na Ariela" at hinila na niya ako.

"Magka away kayo? Nadadalas ah" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi naman! Masyado siyang mabait sa lahat nakakainis! I mean okay lang naman, pero 'yung babaeng yon naku! Nag iinarte lang maman"

"Oh, akala ko magchi cheer tayo sa basketball, eh paano 'yan magka away kayo" panunukso ko sa kanya.

"Bakit? Siya lang ba ang basketball player? Edi mag hanap ako ng ibang ichi cheer,' kala niya huh!"

"Talaga? Kaya mo?" Biro ko sa kanya dahil simula nung nakumpirma ko kay Dio na walang sila ay naoagtanto ko na kung gaano niya ka gusto si Artheo.

Ngayong first day ng foundation opening ang basketball pero bago 'yon ay may mga rarampa munang muse. Kaya naman napagdesisyonan namin ni Faye na maagang pumasok, dahil manunuod kami.

Pagkapasok namin ng school ay dumiretso na kami sa school gym at makikihalo na sa mga business din ang kurso, dahil maaga pa ay kakaonti pa ang tao.

"Si Faye nalang!" naririnig namin na nagtatalo talo na ang mga tao sa pupuntahan namin.

"Faye! Hindi makaka attend si Hazel, wala tayong muse, nag practice raw kahapon. Ayun, tapilok si gaga" pagpapaliwanag nila sa nangyayari. "Pwede rin namang si Ariela, ang kaso mas matangkad si Faye saka itong nadalang sandals ay malaki sa paa mo"

Nag iintay ang lahat sa desisyon ni Faye at napatingin siya kay Artheo, kaya napatingin narin ako at masamang masama ang tingin sa kanya.

"Osige ba! Ako nalang!" tuwang tuwa pa si gaga, e alam ko rin naman na ayaw niya. Dahil kaya nga kami pumasok ng maaga para mag enjoy panonoor.

"Sinong available na pwedeng tumulong? Yung mga wala pang gagawin?" karamihan ay mga fourth year ang narito at sila ay may mga naka assigned na na gagawin, kaya walang nag taas ng kamay.

"Ako nalang, where's the make up and the things needed?" I volunteered although I'm not good enough but I know how at least. Kaya inabot na sa akin at kay Faye yung mga gamit. Nauna ng maglakad si Faye sa room na pag aayusan.

"Ah kulang, nasan yung uniform?" I asked

"Patay! Nakay Hazel yung jersey dress!" sabi noong isang fourth year.

"Use mine" Said by a manly voice which is Artheo.

Nagpasalamat ako at sumunod na kay Faye. Pagdating ko naman ay nagkukulot na siya ng kanyang mid length hair.

Nilagyan ko siya ng manipis na make up, para lamang ma enhanced ang ganda niya. Brown eyeshadow na manipis lamang ang nilagay ko dahil gusto raw nang pulang pula sa labi.

Sinuot na niya ang jersey without knowing the owner of it, underneath is her sports bra. Maluwag sa kanya at malaki and jersey but not enough as dress kaya tinali ko nalang sa may tiyan at nagpapa kita ng konting pusod tapos ay cycling shorts.

"Sexy!" puri ko sa kanya.

Pagkatapos ay lumabas na kami at pumunta sa gym. Una siyang naglalakad sa akin kaya kitang kita ko ang Adriano sa likod ng jersey na suot niya. Saktong pagdating namin ay tinawag na ang mga muse kaya pumunta na agad siya sa stage.

Pagkatapos mag pray at mga opening remarks ay nagsimula na. Huli si Faye dahil hindi naman siya dapat ang nariyan at nakipag usap pa siguro sa mga tao sa backstage kung anong nangyayari. Magaganda ang mga nauna, nasa gitna kami ng gym pero kita sa white screen ang kakapal ng mga make up, halatang nakapag handa, hindi maka relate si Faye na ngayon lang nag ayos at walang totoong make up artist kaya nangiti ako. Pero hindi naman din siya nahuhuli dahil maganda rin ang kinalabasan ng ayos niya.

Tinawag ang pangalan ni Faye at rumampa. Gulat ang reakyon ng karamihan dahil hindi naman siya sumasali sa ganito at kakaiba ang suot niya. Masamang masama na ang tingin at mood ni Artheo. Samantalang siya naman ay kakaway kaway pa sa mga nagchi cheer na karamihan ay lalaki.

May nagpuntang organizer rito sa banda namin at hinahanap si Dio dahil kailangan na raw ng escort. Pero nasaan nga ba iyon? May mga nagsabing wala si Dio pero,

"I am her escort" malalim na boses ni Artheo.

Kung ano anong gimik ang ginawa ng iba kasama ang escort. Tinawag na ulit si Faye at kinuha ko ang cellphone ko para mag video. Kitang kita sa white screen kung gaano kagalit ang mukha ni Artheo, madilim na mga mata at gumagalaw na mga panga. Titig na titig kay Faye, ito namang si Faye ay biglang naghubad ng jersey! Leaving her with only sports bra! Nakatitig na sa kanya si Artheo ngunit mas lalo pa niya itong naiharap sa kanya gamit ang kanyang kamay at hinaplos ng marahan sa panga. Nagtilian ang lahat! Ang lakas ng dating ni Artheo with her plain white vneck shirt, jersey shorts and rubber shoes. Tapos ay samahan pa ng masamang tingin kay Faye. Bumalik na sila sa backstage at para sa awarding tinawag si Faye dahil siya ang nanalo. Naka jersey na ulit siya pero hindi na naitali, bagay rin naman sa kanya ang lose jersey. Natutuwa ako rito para kay Faye ng biglang may naglagay ng kamay sa aking tagiliran.

"Akala ko hindi ka na a-attend" sabi ko sa bagong dating na medyo gulat pa akong narito siya at nakalagay pa ang kamay sa tagiliran ko! "How's your muse?" medyo pang aasar ko sa kanya. Hinila niya ako palapit lalo sa kanya.

"Ha? Okay ka naman ah" Hindi ko inasahan ang tugon niya kaya binaliwala ko na lamang.

"Ang galing ni Faye! Saka ang ganda, sayang hindi mo napanood" paalis na sana ako sa kanya dahil lalapit na ako kay Faye, pero hinila niya akong palapit lalo.

"But I saw her ig stories and you're also beautiful" hindi ko alam pinagsasabi nito, nang iinis ba! Alam ko namang haggard na ako, pawisan! Naka ponytail na naging messy na dahil nga medyo abala at naging emotionally invested narin ako rito sa love story ni Faye at Artheo!

Mas lalo pa akong hinapit ni Dio palapit sa kanya.

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon