Epilogue

52 2 0
                                    

-- This is the ending of afterglow. Thank you for joining Ariela Avery and Dio Niccolo Arcevedo on their journey. --

You will be called ginang Arcevedo but you will always be my binibini.

Just doing my normal routine in school. Dahil nagka inuman kagabi ay nakalimutan ko ang mga gamit ko kaya naiwan ko sa bahay ang cellphone ko, pinasabi ko kay Arki na ipakuha kay Faye. Nang mag break time si Faye pumunta kaming canteen.

Pagka kita ko kay Faye ay nagulat ako dahil may kasama siya. That is so unusual, hindi marunong makisama si Faye! Maganda, mukhang anghel, maputi, kahit mukhang maliit ay dalang dala niya ang sarili niya. Ayaw ko sana siyang bigyan ng atensyon ngunit nakaka halina ang simpleng ganda niya. Tinanggal ko agad ang tingin ko sa kanya, hindi niya nakitang nakatitig ako. Pagka kuha ko sa cellphone ko ay umalis agad kami. Ayaw kong ma-involve sa kanya, magulo ako, magulo ang buhay ko kaya sigurado akong mas lalong ayaw niyang ma-involve sa akin.

"Uhm, congrats and thank you for the ride" hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Hindi naman ako ganto noon sa mga babae pero sa kanya kakaiba. Bago pa ako mapangunahan ng kaba ay tumango na lamang ako.

Nag inuman kami kina coach, naka inom na ako at hindi ko alam ang pumasok sa isip ko dahil gustong gusto kong marinig ang maganda at mahinhin niyang boses. May number ako ni Ariela, kinuha ko iyon kay Faye kahit ayaw niya pa nung una. Sinuhulan ko pa siya ng gustong gusto niyang relo. Kaya naman sa kalagitnaan ng gabi ay tinawagan ko si Ariela.

"Hello" she said annoyed. Nangiti ako dahil doon ugh her bedroom voice.

Siguro ay nalasing ako sa inumang iyon at nasabi kong nagugustuhan ko nga si Ariela. Hindi naman iyon dapat malaking bagay, pero dahil kilala nila akong hindi naman marunong mag seryoso sa mga ganyan at mas sanay silang ako ang ginu-gusto ng mga babae, kaya parang malaking balita para sa kanila.

"Nakita mo kanina? Grabeng lumakad napaka sexy! Ang sarap non panigurado. Ariela yata ang pangalan, transfer." Pabalik na ako sa klase dahil nag cr muna ako, pero dahil sa narinig ko ay napatigil ako. Para akong sasabog sa inis at galit!

How dare them talked like that to my Ariela! She's too innocent! Kaya hindi ko napigilan at kin-welyohan ko kaagad. Hindi ko na napigilan ang sarili kong saktan ang walang hiyang ito! At paano kung hindi ko narinig? May plano siyang gawin kay Ariela? Naiisip ko ang mga sinabi niya kaya lalong lumalakas ang mga suntok ko.

"Watch your mouth" mariin at talagang galit kong sabi sa kanya.

Hindi ko na alam kung anong mga sumunod na nangyari, nagdidilim ang paningin ko sa galit at inis. Nakabawi lamang ako dahil nakita ko ang mukha ni Ariela, ang maaliwalas niyang mukha na may pagka inosente at may bahid ng pag aalala. Para ba iyon sa akin?

Inutusan siya ni Faye na linisin ang sugat ko. Nakita ko sa mukha niya ang gulat at hindi lamang siya maka hindi kaya siya pumayag.

"You could've said no if you don't want to" Ayaw kong pilitin siya, kung ayaw niyang mapalapit sa akin ay naiintindihan ko.

Titig na titig ako sa kanya habang nililinis niya ang sugat ko. Katulad ng mukha niya na napaka pino ay ganoon din ang kamay niya na napaka lambot, napaka rahan ng pagkaka hawak niya na para bang masasaktan niya ako.

Ayaw na niyang manuod ng basketball! Ano na disappoint ka Ariela? Ayoko siyang pilitin, ayoko siyang pilitin na mapalapit sa akin, iyon ang madalas kong sabihin. Pero narito ako sa labas ng bahay nila at iniintay siya. Kahit late ako sa finals ay ayos lamang.

Nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki! At ayoko ng ganoon. Mas lalo pa akong nainis nang nakita kong nakikipagtawanan. Tawang tawa, Ariela!

I intentionally waited for her only to realize that she was angry but why would she be? Samantalang siya itong may katawanan na iba! Nagulat ako dahil sa biglang pagsulpot ni Faye kaya napatingin ako sa kanya. Huli ko na napagtanto na nakatakbo na si Ariela. It's raining!

Sinundan kita Ariela. Inintay kita tapos hindi ka sasabay?!

"Saan tayo?" tanong ni Faye nang mapagtantong hindi ito ang daan pauwi. "Oh no! Siya ang inintay mo? Ay sorry naman, naka abala pa nga" Nangingiti pa si Faye samantalang hindi na ako mapakali rito!

Ikaw naman, Faye, pinsan kita at mahal kita pero panira ka.

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig niyang tanong. Nang malaman kong may sakit siya ay pumunta agad ako sa kanila. Only to know na ayaw naman pala niya akong naroon.

Gustong gusto kitang samahan, Ariela. Gusto kong dumepende ka sa akin dahil nanghihina ka. Tapos gusto mo lang ako pauwiin. Ako dapat ang sasabihan mo kapag may masakit sayo, kapag masaya ka kahit kapag naiinis ka. Ayokong sa ibang lalaki ko pa nalalaman ang mga bagay na tungkol sa'yo.

Opening ng foundation, naka ponytail at pawisan pero ikaw ang pinaka kapansin pansin.

Habang nagba basketball ay bigla akong nasiko ng kalaban namin, normal lamang naman iyon paglalaro, minsan mas malala pa. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagkagulat ni Ariela, medyo nagulat narin ako dahil talagang alalang alala ang mukha niya. So that's possible for someone to be this worried for you. Someone who really care beside your family and friends. Iyong pag-aalalang walang kapalit. At ikaw iyon, Ariela. Napaka sarap sa puso ang pakiramdam na may malasakit sa iyo ang isang tao at ang malaman na ikaw iyon Ariela ay mas lalong naging sa'yo ang puso ko.

"Rk, ikaw na bahala, undertime muna ako sa laro" Bilin ko.

"Pero over time sa babe time" Pang aasar niya.

Siguro ay dahil sa basketball kaya maraming nakakakilala sa akin sa school. Hindi nakalampas iyong nakasiko sa akin sa laro. Maagap akong pumasok kinabukasan dahil sa training at punishment nang makita ako nung nakasiko sa akin na hrm. Humingi siya ng paumanhin ito namang si Rk na makulit

"Diba marriage booth hrm? Kung ako sayo ikasal mo nalang 'yan kay Ariela bawing bawi na! Oh ito singsing, amin dapat ni Faye iyan kakabili ko lang pero ito nalang ipagamit mo sa kanila."

"Hoy Niccolo sinasabi ko sa'yo hindi 'yan libre. Mag iisip pa ako ng kapalit niyan." Arki said to me.

"Hindi pa ba sapat na pinagkatiwala ko sa'yo si Faye?" I ask him with authority.

"Nag bibiro lang naman ako, Niccolo. Kahit pati singsing niyo sa kasal at singsing ng magiging anak hanggang apo mo sagot ko na. Gusto mo pati bahay at lupa ng buong angkan mo pa eh."

--ITUTULOY--

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon