Chapter 24

64 3 0
                                    

Hindi sinabi ni Rk kay Dio na si Dio ang tatay ni Nico. Hindi ko alam kung paano niya iyon naitago kay Dio. Pero napansin ko sa kanilang dalawa na nagbago ang pag kakaibigan nila. Noon ay sila ang pinaka malapit, alam ng isa ang ginagawa ng isa. Si Artheo ay mabait, pero kung may kalokohan man si Dio ay hindi niya hinahayaan mag dusa mag isa si Dio.

Pero ngayon, masasabi kong mas matimbang ang dugo kesa sa tubig. Artheo is our cousin. From mother side, wala namang makakapag pabago na sa isip ng nanay namin ni Juana, tanggap namin iyon. Pero itong si Artheo ay siya na ang tumayong nanay namin at nang nawala si daddy ay siya narin ang tumayong tatay, pati narin lola at lolo kay Nico and sometimes Aniel ask for his expertise as well. Pakiramdam niya ay responsibilidad niya kami kahit hindi naman. Sometimes tho when he is busy ay kapatid niya ang dito sa amin.

Aniel is learning from him and sometimes si Aniel ang nag aalaga sa amin.

Hindi ko alam noon na pinsan namin siya, iyon ang dahilan kaya kilala niya si Juana, minsan na itong natira sa kanila. Umalis si Juana dahil sa ilang taon ay nahiya na raw siya.

Nagpahinga muna ako sa kwarto at natulog saglit. Saturday ngayon at wala naman akong pasok, ganoon din si Juana.

Ginising ako ni Nico dahil tanghali na at kakain na kami. Pinagising ko na rin sa kanya si Juana, kapag walang pasok kinabukasan ay nagma marathon siya, kaya minsan ay tinatanghali ng gising.

"Mommy, tita Juana is awake na po kanina pa" sagot naman ni Nico.

As for Aniel, I asked him to sleep here, there's room for him but he declined. He said na komportable na siya sa lifestyle niya noon and he wants to earn his merit, I'm proud of him, may pinapatunayan.

"Okay, let's go. Let's eat lunch" yaya ko sa anak.

Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan. Si Nico naman ay nagpatunaw saglit saka bumalik sa mga kalaro sa kapit bahay.

"Narito kanina ah" panimula ni Juana, alam namin parehas kung sino ang tinutukoy niya. "Nagkita ba sila? Ni Nico? Kung oo ay malalaman niya kaagad na siya ang tatay. Siguro ay hindi" tuloy pa niya.

"Hindi sila nagkita, umalis na si Nico nung dumating sila" sagot ko.

"Wala ka pa bang balak sabihin?" tanong niya.

"Juana. May pamilya na si Dio, wala naman akong balak sirain iyon" paliwanag ko.

"Ikaw parin ang magde desisyon niyan. Pero ang akin lamang ay si Nico, oo at matalino siya pero iba parin ang may kilala kang pamilya. Sabihin mo man na ikaw ang tatayong pamilya, nanay at tatay ni Nico ay alam nating parehas ang pakiramdam na parang may kulang. At hinding hindi mapupunuan ng kahit sino ang kulang na iyon, lalo na kung magulang mo pa" hindi madalas makilaam saakin si Juana lalo na tungkol kay Nico. Pero naiintidahan ko naman ngayon na may punto siya.

"Hindi ko alam Juana. Natatakot ako, ayokong makasira ng pamilya. Alam din natin kung gaano kasakit ang may sirang pamilya" Amin ko sa kanya.

"Ginawa mo na ang parte mo noon ate, nagparaya kana para sa kanila. Ngayon naman ay gawin mo ito para kay Nico" Sabi ni Juana.

Nakabalik na ako sa kwarto pero naiisip ko parin ang sinabi ni Juana. Nang pagabi na ay umuwi na si Nico para makapag hapunan.

"You played all day" banta ko kay Nico. Ayos lamang maglaro lalo at marunong siyang uuwi kung kakain. Pero nalilimutan niya madalas na 3 lamang siya! Minsan naman ay pupuntahan ko siya para silipin o si Juana ang sisilip.

Sabay sabay ulit kaming kumain nina Juana. Si ate Nery naman ay wala at umalis, day off naman niya kaya.

Pagkatapos kumain ay nagpunta na kami sa kanya kanyang kwarto, minsan ay lumalapit sa akin si Nico, minsan ay hindi. Ngayon ay hindi iyan lalapit pakiramdam ko dahil pagod sa paglalaro maghapon.

Nakatulog na ako agad matapos maglinis ng katawan. Nagising naman ako ng gabi at binisita ko si Nico na himbing na himbing, kaya inayos ko ang kumot niya. May narinig naman akong nagka ingay sa baba kaya lumabas ako ng kwarto ni Nico para tingnan kung anong nangyari.

Si Artheo ay akay akay si Dio!

"Anong nangyari?" gulat na tanong ko.

"Lasing na lasing dito ko na dinala, dito ang malapit at inaantok narin ako. Ang iba naming kasama ay lasing narin at hindi na kaya ang mga sarili kaya ako na ang nagdala kay Niccolo" paliwanag ni Arki.

"Sige, dalhin mo nalang sa guest room" sabi ko at inunahan siya para matulungan mabuksan ang pinto at air-con.

"Matutulog na ako" paalam ni Artheo naka inom rin kaya antok na antok na. Iiwan ko narin sana si Dio pero hindi ko maiwan basta. Naikuha ko siya ng tubig at nailagay sa side table, pinunasan ko rin muna siya saglit bago umalis.

Natulog na ulit ako at pagkagising ko sa umaga nag uunat at nagmumuni muni pa ako rito nang maalala na pwedeng magkita si Dio at si Nico! Kaya naman napabalikwas ako agad at lumabas sa kwarto.

"Looking for someone?" pang aasar na tanong ni Artheo.

"Ewan ko sa 'yo! Nasaan?" tanong ko sa kanya.

"Umalis na pagka gising. Hindi sila nag kita kung iyon ang iniisip mo, tulog na tulog si Nico" pagkarinig ko noon at hindi ko alam kung naka hinga ba ako ng maayos o ano. "Tara mall tayo" masayang yaya ni Artheo. Tiningnan ko siya ng masama.

"Bakit ka naman biglang nagyaya? Duda ako sa'yo"

"Bakit?" nangi ngiti niyang tanong. "Ngayon lang ulit ako nagka free time miss ko na si Nico. Baka maging busy na ako sa susunod na araw, sinusulit ko lang"

"Sige na nga, mag bibihis lang ako. Ikaw na ang gumising kay Nico" pag payag ko. Pumunta muna ako kay Juana para itanong kung sasama ba siya.

"Hindi na ate magsisimba ako, kayo nalang" sagot niya habang nag aayos ng sarili.

"Magsimba nalang din kaya muna kami? Saka mag mall pagkatapos!" sabi ko at iyon na nga ang ginawa namin. Kaya sabay sabay kaming pumuntang simbahan, gamit ang sasakyan ni Artheo.

Ang suot ko ay simpleng dress lamang, ganoon din si Juana, si Nico naman ay naka pants at t shirt gaya ni Artheo. Nag suot siya ng sumbrero para raw astig, ewan ko ba riyan kung saan saan natututunan.

Pagdating namin sa simbahan ay tinanggal ko ang sumbrero ni Nico at nakinig kami sa misa at tamang tama naman sa akin. Grabe ka naman Father!

"Huwag mong ilalagay ang sarili mo sa sitwasyong pagsisisihan mo. Palagi mong isama si Lord sa laban. Walang kasiguraduhan na mananalo ka sa lahat ng laban na iyon. Pero may kasiguradohan na may matututunan ka. At hindi rin naman ibig sabihin na hindi ka nanalo ay natalo kana. Kasi kay Lord, walang talo. At kung dumating man ang pagkakataon na may pagsisihan ka, lahat ng pagsisisi mo ay ipasa mo kay Lord tapos hayaan mong i heal ka Niya. Kung napagod o mapagod ka man, lagi mong tatandaan na mahal na mahal tayo ng Diyos. Huwag kang magfo focus sa pagmamahal mo sa kanya, kasi mauubos ka talaga. Pero Siya hinding hindi mauubusan ng pagmamahal para sa atin. It's never too late to repent."

Sa dami ng pinagdaanan kong laban feeling ko ay nakalimutan ko na si Lord. Napaka rami ko ring mga desisyon na pinagsisihan. Lahat ng iyon ay kinimkim ko, nakalimutan ko na nariyan nga lang pala Siya. Hindi man natin Siya nakikita ay hindi ibig sabihin wala Siya. Sa mga pinaka madilim kong pinagdaanan alam kong hindi Niya ako pinabayaan.

Katulad ng napag usapan ay nag mall na kami pagkatapos magsimba. Hindi naman nakalimutan ni Nico na mag sumbrero, bagay naman iyon sa kanya pero medyo natatago ang mukha niya.

"What do you want Nico?" tanong ni Artheo.

"I want to play tito Artheo-- look" hindi na natapos ni Nico ang sasabihin niya dahil may naituro siyang lalaking halos ka edad niya at kamukha! Kasama ni Dio. "He look like me. Is he my twin?" nagtatakang tanong ni Nico. Nakalapit na sa amin sina Dio, si Nico naman ay naibaba ko ang kamay.

"Averio, behave" saway ko.

"Sorry mommy, let's go na!" yaya niya.

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon