"Where should I go doc?"
Ab neg si, Dio! At magbibigay siya ng dugo? Hindi pa naman sobrang kelangan pero malaking tulong na iyon!"Salamat" sinabi ko kay Dio at agad-agad na akong pumasok sa room ng anak ko. Tulog siya at halatang halata sa kanya na may sakit at maputla. Nasa tabi lang niya ako kahit lumipas ang mga minuto.
Narinig ko maya maya na may kumatok at pumasok ang nurse kasama si Dio!
"Good afternoon ma'am, nakuhanan na namin ng blood si sir. Pwede o pwedeng hindi ninyo magamit iyon... We will keep on monitoring the platelet and wbc" at kung ano anong pinaliwanag niya na hindi ko na maintindihan, ang alam ko lang ay titig na titig si Dio kay Nico at pabalik balik sa akin. Alam kong nagkaka ideya na siya sa nangyayari. Mas nagiging kamukha niya si Nico dahil narin sa humahaba nitong buhok.
Bago pa makapag pa alam ang nurse ay nagising narin si Nico! Nag smile siya sa akin ngunit naramdaman siguro niya ang titig na titig niyang ama.
Pinainom ko kaagad ng tubig si Nico dahil kailangan ng katawan niya ang tubig at masustansyang pagkain.
"Bye Nico, pagaling na ikaw ha" paalam nang nurse.
"Yes po" sagot naman ng anak ko. Na lalong nagpa lamig ng titig ni Dio sa akin.
"Mommy" tawag sa akin ni Nico ngunit ang atensyon ay nasa amang titig na ngayon sa kanya.
"Nico stay here, we'll just talk okay? I'll call ate Nery and uncle Aniel" paalam ko sa anak.
Lumabas ako at sumunod si Dio. Nang makita ng mga mata ko si ate Nery ay sinabi kong siya na muna ang bahala kay Nico.
"Sa cafeteria tayo" yaya ko kay Dio. Umorder muna ako ng pagkain nang makarating kami samantalang siya ay walang pakealam.
"IS HE MY SON, ARIELA?" Malamig at may diin niyang tanong pagkaupo ko. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa mga tingin niya pero nung mga panahong iyon sa tingin ko ay ginawa ko lamang ang tama.
"Sure ka ayaw mong kumain?" tanong ko sa kanya.
"What the fuck, Ariela. We are talking about my possible or maybe my real son and you are just eating comfortably?" Nagulat ako dahil doon, hindi niya ako noon pinagtataasan ng boses, hindi siya nagalit o nagmura sa harap ko. Siguro ay nakakagalit talaga ang ginawa ko.
"Huwag kang mag-alala hindi kami mang-gugulo sayo, sa inyo Niccolo." tugon ko habang kumakain parin.
"What are you talking about? Is he my son, Ariela?" nauubusan na ng pasensya niyang tanong.
"Oo, Niccolo! Anak natin siya. Pero nirerespeto kong may anak ka kay Hazel at kaya kong buhayin si Nico. Wala kaming balak mang gulo o makasira ng pamilya." Mas naiinis kong tugon. Kala niya hindi ko pa nakakalimutan na tinawag akong homewrecker nung babae niya.
"Why didn't you tell me that we have a son?!" pagalit na tanong na niya.
"Kasi nga diba magkaka anak ka kay Hazel!" naiinis na ako rito.
"I don't even know who's Hazel you are referring to! Don't make excuses Ariela!"
"Ako pa, Niccolo ang may excuse. Sasabihin ko sa'yo! Ikaw itong hindi pumunta sa usapan kasi diba kailangan ka ng Hazel mo! Pero gusto ko lang malaman mo Niccolo na kailangan din kita nung mga panahong iyon!" dahil sa huli kong sinabi ay nag iba ang anyo niya. Sa kaninang galit at gulong gulo, ngayon naman ay may awa at sakit sa mga tingin niya sa akin.
"Anak natin si Nico, bago ako umalis ay buntis ako. Pero wala ka, hindi mo alam iyon dahil abala ka sa isa mong anak diba."
"That is not my child. Hazel was pregnant by Faye's father. I couldn't tell you that time but I needed you too back then and you left, not alone but with my child huh" paliwanag niya na ngayon ko lamang nalaman, pero maniniwala ba ako? Kaya pala may problema si Faye bago ako umalis.
BINABASA MO ANG
AFTERGLOW
Ficção GeralBe the good thing that stays. Be the light that stays. Be my afterglow. Stay with me. Will you? -Dio