Chapter 23

54 3 0
                                    

Ang pwesto namin ay katulad noong birthday ni Faye, tandang tanda ko pa iyon! Nakapatong ang braso ko sa balikat niya at nasa batok niya. Siya naman at nakapaikot sa bewang ko at napaka lapit namin!

"W-well I guess you're always giving me a reason to" mahina kong sagot.

"Where's Artheo? Why is he not with you?" Malamig niyang tanong.

"Ah, susunduin niya ako mamayang 11" sagot ko.

Tahimik na kaming nagsasayaw at bigla namang lumapit iyong kasama ko sa table at naibigay ang cellphone ko, may tumatawag daw. Pagtingin ko ay "Mr. Adriano" that's Artheo, siya ang nagpalit ng name niya sa contact ko.

Wala akong choice kaya bumitaw ako kay Dio at medyo lumayo roon para maka hanap ng medyo tahimik na lugar.

"Hello?" sagot ko kay Artheo.

"Narito na ako. I have a surprise companion for you" sabi ni Arki at bigla namang boses na ni Nico ang narinig ko.

"Mommy, we're here!" masiglang boses ni Nico.

"Hello baby! Okay. I'm on my way there" malambing kong sagot. Pagtalikod ko ay nagulat ako dahil narito si Dio! Sinundan ba niya ako?

"Here's your bag. You might left it" malamig at mukhang galit niyang sabi.

Akala ko ay aalis na siya pagka abot sa akin ng bag pero sinamahan niya ako hanggang makarating sa parking at pagkalapit ko sa sasakyan ni Artheo ay umalis na siya.

"Wow, si Niccolo ba iyon?" gulat na tanong ni Artheo. Samantalang ako ay parang lutang pa.

"Ah, oo" pagka sakay ko sa passenger seat.

"Niccolo? As in Niccolo my daddy?" gulat na tanong ni Nico. Hindi ko naman naitago sa kanya si Dio. Pero hindi pa niya alam ang mukha ng tatay niya. "Can I meet him mom? Please?" pag mamakaawa niya "Please? I'll be goood, I promise"

"Ah Nico-" nag iisip ako ng tamang gawin bigla naman sumingit si Artheo.

"Next time, Nico okay? Sleepy and tired na si mommy oh" palusot ni Artheo. Magaling si Nico ngunit hindi pa siya ganoon ka curios sa mga bagay dahil narin siguro bata pa. Dahil sa sinabi ni Artheo ay napansin ko na medyo tumamlay ang mukha niya.

"Next time nalang ha? Promise you'll meet him, okay?" Pinilit kong palambingin ang boses ko kahit ang totoo ay gusto ng tumulo ng mga luha ko. Iniisip ko ang sitwasyon namin ng anak ko. Gusto niyang makilala ang ama niya pero wala akong magawa, pamilyadong tao si Dio at hindi ko gugustuhin makagulo." Gusto mag mall tayo bukas? Or bili tayong toys?"

"I'm fine mommy" Iyon lamang ang sinabi niya na lalong nagpasakit sa akin. Pasensya ka na anak, I can't give you the life you deserve. You are the biggest blessing in my life at naiiyak ako dahil pakiramdam ko hindi ako sapat dahil alam ko my son deserves the best.

"Why are you still awake?" tanong ko sa kanya dahil gabi na "It's already late" dagdag ko pa. Talagang curious ako at gusto ko naring mawala ang naunang usapan.

"Well, I slept late afternoon so I can't sleep early" paliwanag naman niya. "Sorry mommy, also I want to see you. I was not able to see you a while ago. You're beautiful, mommy." minsan ay nabubulol pa siya sa ibang words pero magaling at madali siyang matuto. Isa sa mga dahilan ay mang gagaya siya. Ang madalas niyang gayahin ay si Artheo. Gusto niyang matutunan ang mga madalas niyang nakikitang ginagawa ni Artheo. Ang matured niyang mag isip dahil papatakbuhin daw niya ang kompanya tulad ni Artheo. Ipagda drive raw niya ako kapag may mga errands akong kailangan lakarin. Tingin ko ay dahil iyon ang nakalakihan niyang father figure. And everytime I think about that, it hurts me. I couldn't give him a complete family. But what can I do? His father has his own family.

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon