Chapter 18

49 3 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa kakaibang pakiramdam. Masusuka ako! Kaya naman nagtatakbo agad ako sa cr para doon. Ang sakit sa pakiramdam, ano bang kinain namin kahapon? Hawak hawak ko ang bowl habang naka yuko.

Kaya naman pagkatapos ko ay lambot na lambot ako at hirap na hirap tumayo. Pero pinilit ko dahil inaantok pa ako, naligo ako dahil wala narin pala akong oras magtulog dahil may klase pa ako. Bumaba ako para kumain.

"Hi daddy" I greeted him and he greeted me back. "Sa school nalang po pala ako kakain" sabi ko nalamang. Pero ang totoo wala akong ganang kumain.

Pagdating sa school ay doon ko lamang naalala si Dio! Maghapon siyang hindi nagparamdam kahapon. Pero baka naman busy o kaya ay dahil sa problema ni Faye, pwede ring parehas. Pero nami miss ko na siya! Ilang araw o linggo na ba siyang busy. Bago pa ako makapasok sa room namin ay naramdaman ko na naman na para akong masusuka ulit! Kaya pumunta ako sa malapit na cr. Pagkatapos ay kahit parang nanlalambot pinilit kong umayos at pati sarili ko ay inayos ko dahil sa pagkaka putla. Paglabas ko sa cr ay nakasalubong ko naman si Dio. Mukha siyang stress at pagod, pero gwapo parin.

"Hi" bati ko pero ang totoo miss na miss na kita na naiinis na ako! And he hugged me tight.

"I miss you! Sorry, babawi ako" bulong niya habang yakap akong mahigpit. Napaka dali ko namang bumigay sa ganoon lamang ay nawala na agad ang inis ko.

"Miss you t--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumunog na ang cellphone niya, may tumatawag. Wala akong balak makisilip kung sino man iyon pero hindi sinasadyang nakita ko. Hazel ang nakalagay na pangalan. Pagkasagot niya ay kitang kita sa mukha niya ang pag aalala at lalong na stress.

"Sorry, Ariela. I need to go" madaliang sabi niya.

"Hindi ka papasok?" tanong kong pakiramdam ko ay hindi niya narinig dahil hindi ko narin nilakasan.

"No. Emergency. I'll explain everything. Promise" nagmadalian na siya at umalis na.

Hindi pa ako nakaka move on sa nangyari ay tumunog na ang cellphone ko at tumatawag ang katulong namin, kaya sinagot ko.

"Hello po?" tanong ko na medyo nag aalala dahil hindi naman parating tumatawag.

"Ang daddy mo, dinala sa ospital, nahimatay sa kwarto. Mabuti at nagpadala siya ng tubig kaya naagapan" Sa pagkakarinig ko ay parang hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagmadali na akong umalis pagka sabi sa address.

Pumunta agad ako sa room number at nakita ang daddy na nakahiga at ang sabi naman ay nagising na, natulog lang ulit. Huwag daw  akong mag alala iyon ang bilin dahil stress lang daw iyon.

Si ate Nery ang tumawag na katulong sa akin kanina ay 40 years old pa lamang pero sa amin na siya nagdalaga at nagka edad. Minsan siya ang tumatayong nanay ko lalo na kung kuhanan ng card noon.

Sinabi naman nilang okay na ang daddy pero hindi ko alam, biglang nag dilim ang paningin ko at natumba. Nagising ako na parang may ginagawa sa tiyan ko at narinig ko nalamang ang mga pinag uusapan nila tungkol sa baby kaya nagmulat na ako. Ako ang pinag uusapan nila! Si ate Nery at OB ang kausap niya.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko na walang kamuwang muwang.

"You're pregnant" Nakangiting sabi saakin ni Doc. Kaya naman nanglaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Buntis ako? May laman 'to?" tanong ko sabay turo sa tiyan 'ko. Sinabi sa akin ang mga bawal at pwede pati narin ang mga vitamins ay naireseta na. Pero wala akong maintindihan doon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Eh si Dio? Wala ito sa plano. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay tatanggalin ko ito. Pero hindi ko alam talaga parang lutang na lutang ako.

"Kaya mo bang mag isa pabalik sa room ni sir? Bibilhin ko itong mga vitamins mo" sabi sa akin ni ate Nery.

"Po? Ah opo, sige ate, salamat ah" at umalis na siya habang naglalakad naman ako at nakasalubong ko si Hazel!

Hindi ko na sana balak pansinin pero hinarangan niya ako.

"Oh ikaw pala, Ariela! Anong ginagawa mo naman dito? Hinahanap si Niccolo? Hahaha" mataray at nang iinsultong sabi niya.

"Nandito siya?" hindi ko na pinapansin ang mga pasaring niya. Nanlalambot at gulat parin ako dahil sa nalaman.

"Malamang! Dapat nandito siya dahil dito" Ipinakita niya sa akin ang ultrasound na hawak niya.

"B-buntis ka?" gulat na tanong ko dahil bakit ang dami naman atang nabubuntis ngayon?

"At kilala mo kung sinong tatay? Syempre kilala mo, si Niccolo eh" maldita niyang sabi. Hindi lang pala nabubuntis alone ang marami, let me correct it. Maraming nabubuntis si Dio! Hindi ko alam kung maniniwala ako pero tuwamag siya kay Dio at sinagot ni Dio iyon! Kaya ba umalis siya? Magiging daddy na siya, pero hindi ko alam kung kanino. Kaya ngumiti ako ng malungkot doon. "Oh, baka naman tularan mo ang nanay mong malandi! Kahit alam na ngang may pamilya na sige parin at lapit nang lapit parin. HOMEWRECKEK!" Pagkatapos noon ay umalis na siya.

Hindi ako mapakali dahil iniisip ko ang sinabi niya. Buntis siya, si Dio ang ama, ako rin ay buntis. So Dio cheated on me! Pero walang kami dahil hindi ko pa siya sinasagot! Pinaka ayaw kong maging katulad ng nanay ko pero am I turning to be like my mom? To be like the person I want to avoid?

Katulad kahapon ay hindi ulit nagparamdam si Dio. Baka busy sa pamilyang binubuo niya napangiti akong malungkot dahil sa iniisip.

May mga araw na hindi na ako pumasok sa school dahil kay daddy, sinabi ko naman sa mga prof ko at naiintindihan nila. Mabuti at malapit ng matapos ang school year, kaya pumasok nalamang ako nung finals na.

Hindi narin kami masyadong nagkakausap ni Faye, pero naiintindihan ko dahil ang huling usap namin ay may problema siya. Pagkatapos mag finals ay buo na ang desisyon ko. Sasabihin ko kay Dio ang totoo, wala akong balak manira ng kahit ano, bahala sila sa iisipin nila. I just want to be honest.

Uwian na ako at last day na ito dahil bakasyon na. Napagkasunduan na sa Cebu na kami dahil iyon ang nakakabuti kay Daddy. May bahay kami roon, doon sila nagkakilala ni mommy. Hindi sinasabi ni ate Nery kung ano talagang sakit ni Daddy pero huwag ko nalamang daw isipin dahil baka ma stress pa ako, naiintindihan ko naman. Ang tungkol sa pagbubuntis ko ay hindi parin alam ni daddy gusto ni ate Nery na ako ang magsabi kaya laking pasasalamat ko dahil hindi niya ako pinapangunahan.

Tinawagan ko si Dio at pagka ilang ring ay sumagot.

"Let's meet" sabi ko

"Ariela, Kailan?" tanong niya na medyo gulat, dahil ilang araw kaming walang paramdam sa isa't isa.

"Antipolo, overlooking"

"Ayaw mo bang dito nalang sa --" hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

"Mag iintay ako roon" inunahan ko na siya.

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon