"He's Juan Aniel. Mas matanda ng dalawang taon kay Juana. Siya ang anak ko" paliwanag ni ate Nery. "Anak namin ni Aniel" nakayuko niyang sabi. I remember when ate Nery first introduced Aniel to us well to me first bago kay dad."Po?!" gulat na tanong ko. "May anak si daddy na iba? Pero bakit? Bakit hindi ko alam?" ang dami kong gustong itanong. "Hindi sinabi ng daddy? May isa pa akong kapatid?"
Hindi ako makapag isip ng maayos, kapatid ko? May anak si daddy? At kay ate Nery!
"Ah! Am dito nalang kayo ate Nery! Malaki itong bahay at kapatid ko siya at pamilya naman tayo rito kaya rito nalang kayo ate." hindi ako makapaniwala. May isa pa akong kapatid. Nilapitan ko kaagad si Aniel at niyakap. Matangkad siya at malaking lalaki. Katulad ni daddy at medyo soft ang features.
"Huwag na kayong umalis ate, bahay niyo na rin ito, kung may kailangan ka, Aniel? Huwag kang mahihiyang magsabi"
"Salamat ate" nakangiting sagot niya. At niyakap ko ulit siya dahil hindi makapaniwala sa nangyayari.
Nag aayos ako ngayon para sa graduation, dadalo si nanay Nery, Aniel, Juana, Nico at Rk. Kakain nalamang kami sa labas pagkatapos.
Finally dad! I may be late a bit, still I made it. You were my only inspiration back then. It's because of you that I want to be successful or I want to be somebody that people respect just like you. Now, you may be gone, I thought I wouldn't made it to be this strong because of that. But I have, Nico, Rk, Juana and now Aniel! You may be gone but these people keep me going.
Habang naglalakad sa red carpet sa gitna ay natanaw ko sa stage na naroon si Dio! Ano ba siya rito? Stockholders? Titig na titig sa akin!
Pagkatapos nang program ay nagmadali na kaming umalis at nag drive through nalamang kami para sa puntod ni daddy na kami kakain. Medyo pagabi na pero hindi pa naman madilim.
"Daddy, graduate na ako!" naka ngiting sabi ko, habang naka harap sa puntod. Nakatingin lamang sa akin si Aniel at naka ngiti. Sa ilang buwan na nakasama ko siya ay mabait siya at pala tawa. Naging magkaibigan kaagad sila ni Nico dahil mahilig siyang magpa tawa. Nang mag gabi na ay napag desisyonan na naming umuwi.
Starting tomorrow, I'll be full time employee. No longer the student employee.
"Congrats boss mommy" bati sa akin ni Rk nang pumasok siya sa opisina ko.
"Mang gugulo ka lang dito!" pami-mintang ko sa kanya.
"Nakakahiya naman Ariela, ako pa talaga ang nanggu-gulo" balik niya sa akin na nagbibiro.
"Kasi wala kang mapag libangan! Hindi ka kasi gumawa ng anak mo!" pang iinis ko sa kanya.
"Mapapadalas ang alis ko, ma mimiss ko sa Nico" Bigla niyang sabi.
"Ganyan dapat! Chase your dream, Artheo Kierr!" sabi ko kay Rk nang natatawa.
"Ma'am meeting in 3" paalala ni Lei nang tapos na at umalis na si Rk.
"Ah yes thank you" I replied.
Hindi naman siya formal na meeting, may mga tanong lamang ang isa naming investor na hindi naka attend nung last meeting, kaya rito lamang sa opisina ko. This doesn't usually happen, dahil kung may tanong ay sa susunod na meeting na nila ginagawa ngunit hinayaan ko na lamang dahil baka busy o hindi ulit makadalo sa susunod na pulong.Hindi ako komportableng may nakatitig sa akin kaya nagdilat ako nang mata at napagtanto kong naka idlip pala ako. Nang makita ko kung sino ay si Dio Niccolo! Ano na namang ginagawa niya rito?
"Si Mr. Vasquez ka naman ngayon?" tanong ko sa kanya, dahil iyon ang hinala ko.
"Let's start" matigas niyang sinabi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsagot sa mga tanong niya nang tumunog ang aking cellphone. Wala sana akong balak sagutin dahil baka mabastusan si Dio, ngunit nang makita ko ay si Ate Nery minsan lamang ito tumawag kaya naman sinagot ko kaagad.
"Excuse" sabi ko kay Dio at sinagot na ang tawag.
"Ate Nery?" sagot ko.
"Si Nico dinala namin sa ospital, mataas ang lagnat, Ariela" nagmamadaling balita sa akin ni ate.
"Po?! Gulat na tanong ko na maiiyak na, sige ate papunta na ako, nasan kayo?" pagkasabi ni ate ay binaba ko ang tawag at binuhat ang bag ko. Nagulat ako dahil bigla na lamang akong hinarangan ni Dio. Kitang kita niya na papaiyak na ako.
"Are you okay? Where are you going?" tanong niya.
"Sa ospital Dio, sa ibang araw nalang tayo mag usap" lalagpasan ko na sana siya ngunit hinawakan niya ang braso ko at nagpilit na ihahatid na ako. Ayoko sana ngumit wala akong dalang sasakyan! At hindi pa ako marunong mag drive kaya wala talaga akong dalang sasakyan. Kaya pumayag narin ako.
Pagkadating sa ospital hinanap ko kaagad si Nico ngunit si ate Nery ang una kong nakita na palabas ng kwarto.
"Ate ano na pong nangyari?" wala na akong pakealam sa itsura ko ang mahalaga ang kalagayan ni Nico.
"At lumabas din ang doctor at may kasamang nurse mula sa kwartong nilabasan ni ate Nery"
"Doc kamusta po?" I asked aggressively.
"I'll be honest with you mommy. His white blood cells and platelets are dropping..." wala na akong masyadong naintindihan ang tumatak sa akin ay dengue at sasalinan ng dugo kung mas bumaba pa ang wbc, saan naman ako kukuha ng Ab negative? Ayoko munang pumasok sa anak ko dahil gusto ko munang humagulgol.
"I'm Ab negative" sagot ng nasa likod ko na titig na titig sa akin.
BINABASA MO ANG
AFTERGLOW
Fiksi UmumBe the good thing that stays. Be the light that stays. Be my afterglow. Stay with me. Will you? -Dio