Chapter 2

87 6 0
                                    

One week na since I started College medyo madami narin ang mga prof na pumasok sa mga klase, pati ang mga kaklase namin. And I'm surprised kasi Faye really became my friend. Wala naman kasi akong balak talagang makihalubilo sa mga tao, kaya ayos lang kung wala akong maging kaibigan. But she's fun and cute and noisy.

Like me, hindi rin siya masyadong nakikihalubilo sa mga kaklase o kamag-aral. Except kay Dio Niccolo. Sa ilang araw kong pananatili rito napag alaman kong 4th year na sina Dio Niccolo.

"Ariela, may gagawin ka mamaya after ng klase?" Faye asked.

"Kung walang assignment, wala naman. Bakit mo natanong?"

"Wala 'yan! Tara nuod tayong semi finals ng basketball sa palarong pambayan mamaya!" she said.

"Ha? E wala naman akong kilala don, ikaw nalang" I replied.

"Okay lang yun! Nandon naman ako, saka wala na akong ibang makakasama ikaw lang eh" she convinced me to join her and I left with no choice so I said yes nalang din.

True to what she said, wala ngang nagbigay ng assignment. After ng klase napagdesisyonan namin na umuwi muna para makabihis since we're wearing uniform at para narin makapag paalam. Wala pa sa babay si Daddy but I'll just call him.

Pinayagan naman ako ni Daddy dahil minsan lang naman ako lumabas at hindi rin kalayuan. After kong makapag bihis at makapag ayos ay tumatawag na sa cellphone ko si Faye, we exchanged number last week pa. I answered and she said bumaba na daw ako, she's waiting.

Nung lumabas ako ng bahay, may nakita akong sasakyan, Faye rolled down the shotgun seat's window.

"Hop in!" she shouted, so I did.

Pagpasok ko sa likod ay nakita ko kung sino ang driver. It's Dio! Dio Niccolo! So sinundo nila ako? Together? What is happening here? After kong makaupo, I closed the door. Dio is wearing a basketball uniform, so player siya? Siya ba ang papanuorin namin? He look so hot in that jersey! And when he started to drive! My ghad! Mas lalo siyang gum-wapo! Napaka hot niya! Paano niya nagagawa iyon? Nakaupo lamang naman siya riyan at nagmamaneho, pero bakit ang hot niya? Ganito ba talaga kapag nagda drive? O siya lamang ang ganito?

Naka upo ako sa likod ngunit sa gitna naka pwesto kaya naman sa akin nakatapat ang aircon. At naramdaman ko nga na medyo malamig kaya hindi sinasadyang napahawak ako sa magkabila kong braso.

I don't know if Dio noticed my small movement. May pinisa siya kung saan habang nagmamaneho at nasa daan ang tingin. Hindi pa nagtatagal ay hindi na ako nilalamig. Parang ayos na sa akin ang lamig ng aircon.

Nakarating kami sa gym and like before he didn't even look at me even a second! Haay, bakit naman mahalaga Ariela kung titingnan ka niya?

Pagkarating namin sa gym ay hinatid muna kami ni Dio sa upuan namin, sa may unahan kami nakapwesto, medyo malapit sa mga player, maybe because of him.

'Dio Niccolo' basa ko sa pangalan na nasa likod ng jersey niya, hindi katulad sa ibang player na surname ang inilagay sa likod ng jersey, ang sa kanya ay pangalan.

Hindi naman ako curious na tao, pero gustong gusto kong interviewhin si Faye kung ano bang meron sa kanila!

Bago magsimula ang mismong laro ay nag warm up muna ang mga player. Wala akong kilala! Hindi naman kasi ako palalabas, saka tumira rin ako sa ibang bansa.

Si Dio Niccolo lamang ang kilala ko, kaya siya na lamang ang pinanood ko.
O siya lamang ang gusto kong panuorin. Ang galing niyang maglaro! He could pass PBA! or even NBA! magaling siyang mag rebound at mag shoot at mang agaw ng bola sa kalaban! Semis ba talaga ito? Bakit tambak na tambak nila ang kalaban!

Maingay na sa gym, nagtitilian at nagche-cheer ang mga tao. Dio is quite known kaya marami ang nag che cheer sa kanya.

Nang matapos ang laro ay agad siyang pumunta sa amin or agad siyang pumunta kay Faye.

"Ang galing mo talaga! Nakaka proud ka!" Faye said to Dio happily. They won the game.

Dio placed his arm around Faye's shoulder, while I am behind them and we all walked. Dio's arm is still on Faye's shoulder while walking arrogantly with head held high.

"Pare, may kainan kina coach saka inuman" the guy wearing the same jersey as Dio said, his teammate maybe.

"Sige, susunod ako, ihahatid ko muna" Dio answered.

I looked like a third wheel here!

"Congrats, Niccolo" sabi ng mga babaeng nadadaanan namin. He said his thank you and smile to those girls.

Sumakay na kami sa sasakyan. At katulad ng pwesto kanina. Faye was noisy, like always. She talked about the game. At hindi siya nauubusan ng kwento. Hanggang makarating sa bahay namin.

"Bye Ariela! Sana nag enjoy ka" said Faye.

"Yeah I did" I said to Faye and I looked at Dio "Uhm, congrats and thank you for the ride" he just nod his head! Yun lang yon? It took more courage for me to congratulate him and he just nod his head!

Bumaba na ako ng sasakyan at pumunta na sa kwarto ko.

I know, there is something happening between Faye and Dio but can't he be good to me? Even a little? He didn't even smile! I never needed anyone's approval nor their opinion about me. But for the first time I felt like I want his attention, his companion and more about him.

I guess I should stop thinking about him huh. I might be cheating to Faye my friend if I kept on thinking about him.

Nakakainis parin siya! May mga nagsasabi naman na maganda ako. May mga nanligaw din sa akin. Pero siya ni hindi ako matingnan. Although I get it that not everyone will like you, but still!

It was in the middle of the night when my phone rang. Who would call this late?

AFTERGLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon