Habang nagda drive siya ay naalala ko ang buhok niya nung nahawakan ko nung may nangyari sa amin.
"Your hair is growing" I said.
"You like it shorter?" he asked.
"Ayos din naman ang mahaba, napansin ko lang"
"When?" tanong niya. Pinamulahan ako sa tanong niya. Alam naman niya tinatanong pa. "I like it longer. You know. You can grab it easily" he said teasingly.
"He!" nahihiyang saway ko. Bagay din naman sa kanya ang mahaba. "Gusto mo i bun natin?" biglang nagkaideya kong tanong. Hindi pa naman sobrang haba, pero kaya namang i ipit at dahil narin sa beard niyang tumutubo, paniguradong bagay.
"Okay. When we get there" kaya naman naghanap na ako sa bag ng pang ipit sa kanya.
Pagkarating namin ay bumaba siya sa driver seat at ganoon din ang ginawa ko. Pumwesto ako sa harap ng sasakyan balak ko sanang doon umupo para ipitan siya, pero mahirap pala. Mukhang nakita niyang nahirapan ako pag upo, kaya naman he scoped me para maiangat ako at maiupo roon sa hood ng saksakyan. Pumwesto siya sa gitna ng mga hita ko at sinumulan kong i bun ang buhok niya. Dahil hindi pa sobrang haba, may mga naiwan pa. Pinaharap ko siya sa akin at dahil sa mga naiwan na buhok sa forehead niya ay mas nagpa mukhang hot sa kanya idagdag pa ang growing beard niya!
"How do I look?" tanong niya.
"Gwapo!"
"Talaga? E nasaan naman ang regalo mo dahil nag champion kami?" nakalimutan ko na iyon, hindi naman siya mahilig sa materyal na gamit pero mas maganda nga kung may regalo ako.
"Wala eh" malungkot kong amin saka tumungo.
"Alam ko na kung ano, madali lang ibigay" nabuhayan ako sa sinabi niya ay mabilis akong tumunghay. Bago ko pa maitanong kung ano ay hinalikan na niya ako na parang uhaw at pagkatapos nang halik ay nakaawang parin ang labi ko at ramdam na namasa ang labi ko! Pagkatapos ay tinulungan niya akong bumaba at kinuha na namin ang gamit namin bago pumasok sa loob ng mga nagkakatuwaang tao.
Habang kumakain kami ni Dio ay pinaalala niya na may picture kami sa cellphone niya pagkatapos nang laro kanina kaya hiniram ko ang cellphone niya para matingnan. Magaganda ang mga litrato namin, panugurado ang mga ipo ipost nitong mukha ko sa instagram ay mga nakakatawa at iyong hindi ako handa.
"Mag a upload ako sa instagram?" hingi ko ng permiso dahil sa cellphone niya kami nag picture. "Pasend"
"Use my phone, log in your account" sa bahay ko pa sana balak mag upload pero dahil wala siyang balak isend ay nag log in nga ako.
Nung nakaraan na laro nila, nung natalo sila ay nasa akin ang cellphone niya at pinicturan ko siya gamit ang cellphone niya, siguro ay nakita na niya. Pero iyon talaga ang balak kong i upload hindi iyong picture namin kanina. Pakiramdam ko naman maganda ang kuha ko sa kanya roon.
Hawak niya ang bola at tumatakbo, kaya blurred ang paligid.
Habang may kausap pa si Dio ay nai upload ko na para hindi niya makita nilagyan kong "Most Valuable" na caption. Tapos na akong mag upload at tapos narin siyang makipag usap kaya ila log out ko na sana pero marahan niya kinuha ang cellphone niya sa kamay ko.
"Let's see" sabi niya at tiningnan ang upload ko. Ngumiti lamang siya at hindi na naibalik ang cellphone sa akin, imbis ay naitago sa bulsa niya!
"Iyong account ko naka log in" medyo reklamo ko.
Hindi niya tinuonan ng pansin ang sinabi ko at nakisali na kami sa mga nagkakagulo. Kaya hindi narin ako nangulit.
"Dio, inom!" alok sa kanya nang mga tao.
"Sige na! Okay lang" I assured him. Iyong una lamang na alok ang ininom niya at hindi na ulit uminom.
Pagka maya-maya ay nagpa alam na akong uuwi na ako at ihahatid niya raw ako.
"Gusto mong bumalik?" tanong ko "Ayos lamang talaga kung mag iinom ka" napansin kong simula nung niligawan niya ako ay marami siyang iniba. Ayoko namang pagsisihan niya iyong mga iyon at isa pa naiintindihan ko naman talaga.
"Ayos lang?" tanong niya.
"Oo nga. Mag text ka nalamang kung ano o call o ikaw ang bahala kung hindi ka malasing" pagdating sa bahay ay nagpaalaman na kami at sinabi niyang babalik siya.
Pagkatapos kong magbihis ay tumunog ang cellphone ko, may notification sa instagram. It's Dio!
Iyon iyong litratong kuha sa cellphone niya pagkatapos mag awarding. Nasa arena parin kami roon sa litrato, naka uniform siya na pang basketball at nasa likod namin ang mga taong blurred na nagsasaya rin dahil sa panalo. Kami naman ang malinaw na nasa gitna, hawak niya sa kaliwa ang trophy na napanalunan. Sa kanan naman ay nakapaikot sa bewang ko ang kanan niyang kamay. May nakasabit na medalya sa kanya dahil sa iba pang award. "Holding my awards but you are my favorite @cion_avery. My binibini" Ang caption niya, ang lakas talaga ng isang ito, hindi talaga nagpapatalo.
Hindi ko na alam kung tumawag pa ba si Dio dahil nakatulog na ako! Medyo maagap naman akong nakatulog pero tanghali na ako nagising at antok na antok parin.
Kinabukasan ay nakita kong may tawag nga galing sa kanya at text na tinatanong kung tulog na ako at maayos naman daw siya.
After a few weeks hindi na rin kami masyadong nakakalabas ni Dio. Well I understand he's graduating and requirements are inevitable. While for me, mas pinipili ko nalamang magpahinga at matulog. Napapansin ko rin ang madalas na alis na Daddy but he said it's work related.
It's weekday so wearing my uniform like the usual and when Faye saw me she greeted me.
"Hi. Kamusta?" she said but I felt like she's hiding something.
"Ayos lang, ikaw?"
"Alam mo! Ang sexy mo ngayon. Saka blooming! " puna niya sa akin. I don't know if she's sad or it's true but I still thank her.
Ilang subjects palang ang nakakalipas at malayo layo pa ang break time.
"Ang tagal naman ng oras, nagugutom na ako saka inaantok narin" reklamo ko.
Pagkatapos mag break time ay may quiz kami sa major subjects, kahit antok na antok ako ay nag aral naman ako. Kaya may naisagot din naman pagkatapos mag quiz, pero nahirapan.
"Ang hirap nung quiz! Parang nahilo ako" reklamo ko kay Faye dahil totoo naman, kaya rin siguro nahirapan ako.
"Ah. Oo nga eh" malungkot na sabi ni Faye pero pinilit ngumiti.
"Okay ka lang?" nasa library na kami dahil wala ang prof namin. Instead of no classes, mag library muna raw kami at magbasa basa, kailangan ng attendance.
Narito kami ni Faye sa dulong lugar, malayo sa mga nagkakagulo naming kaklase. Naka pag attendance na kami.
Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap at humikbi na siya. Iyak lamang siya nang iyak at pinipispis ko naman ang likod niya. Ngumiti ako sa hangin kahit hindi niya nakikita, dahil baka maiyak din ako katulad niya. Hindi naman ako iyakin pero hindi ko alam kung bakit parang maiiyak pati ako.
"You are so brave! It's hard but look at you surviving. I am proud of you, hmm" pang aalo ko sa kanya kahit hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari. Ayoko namang mang usisa pa kung ayaw niyang sabihin dahil naiintindihan ko. May mga bagay o problema na hindi natin kayang sabihin kahit gusto natin. Meron din naman na hindi natin gustong sabihin kahit kanino at naiintindihan at nirerespeto ko ang desisyon ni Faye.
"You can cry. Iiyak mo lang lahat" sabi ko pa.
Pagka uwi ko ay nagkulong agad ako sa kwarto at natulog. Nagising ako bandang gabi at gutom na gutom kaya kumain ako sa baba, hindi na kami masyadong nagkikita ng daddy and I understand because he's busy with work. Mas malala pa nga minsan kung nasa ibang bansa siya dahil mas matagal ang hindi pagkikita.
Pagkatapos kumain at umakyat agad ako sa kwarto ko at naglinis kahit pa tamad na tamad. Humiga ako sa kama at bigla nalamang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, pero wala naman akong masyadong ginawa dahil ang mga ginawa ko ay usual routine ko. Iyak lamang ako nang iyak at kung ano anong pumasok na sa utak ko kaya mas lalo akong umiyak, hanggang matulog kakaiyak.
BINABASA MO ANG
AFTERGLOW
General FictionBe the good thing that stays. Be the light that stays. Be my afterglow. Stay with me. Will you? -Dio