Years have passed. Na delay man ako ng isang taon ay heto na ako ngayon at malapit ng maka graduate. Nico is already 3 years old. Dati rati ay hindi ko pinapansin ang mga sinasabi na mahirap magpalaki ng anak. Pero ngayon ay isa akong patunay, hindi naging madali ang mga nagdaang taon.
My daddy passed away due to his illness but before that, we met a very special person. Well, yes Nico but also his own son. He met, we met Aniel. It was so overwhelming for all of us but I am so glad they met bago humina ng todo ang kalagayan ni daddy. I also rushed Aniel's paper para maging maayos ang lahat. I feel so sorry for him, he wasn't able to experience how to feels to be loved by our dad. But the thing about him is he's very understanding and responsible.
My dad and ate Nery had a son, years younger than me.
It's hard to see dad get weak everyday. Thanks to Nico & Aniel he had the best time before he died.
Nang pumasok ako ng kolehiyo ang nasa isip ko lang naman ay makapag tapos at maging proud sa akin si daddy. Ngayon, magtatapos ako na ang iniisip ay ang akin anak but daddy is still here in my heart.
Things have changed big time! From being prim and proper daddy's girl. I am now a proud hands on mom to my son. I want Nico to have a good life, the best if possible. Kahit noong namatay na si daddy ay nagme message parin ako sa kanya ng mga gusto kong sabihin. Parang buhay parin siya na anytime ay magre reply. Kahit ang mga first words ni Nico ay naime message ko rin kay Daddy. Minsan ay hinanakit ko sa pag-aaral. Minsan ay si Nico, kapag nagkakasakit o kaya naman ay nakakaramdam ako ng pagod pag aalaga. Lalo noong kapapanganak ko lamang, napaka raming malulungkot ang naiisip. Pero ngayon ay malaya kong nai me message lahat kay daddy siguro dahil sa kaalamang hindi na ako mag aalala dahil noon ay may sakit siya at kailangan magdahan dahan sa mga sasabihin para hindi ma trigger.The month is February, bago ang graduation ay magpo-prom muna kami. Wala naman akong masyadong hilig sa ganyan. Simula nung nagka anak ako ay parang natural na nag matured ang isip ko. Para bang mother instinct, pakiramdam ko nagbago ang iniisip ko. Noon ay ako lamang, samantalang ngayon kailangan kong isiping mabuti ang mga desisyon ko dahil meron na akong anak. Para bang imbis na mag gala katulad ng mga kaedad ko ay mas pipiliin ko nalamamg umuwi dahil may baby akong nag iintay. Nabo bored narin ako sa mga party. Naisip kong umattend saglit ng prom at uuwi rin.
Ako nalamang ang nag ayos sa sarili ko para sa prom, nag itim na takong ako at off shoulder two piece red prom dress. Ayokong masaydong agaw pansin kaya hindi na iyong bongga ang pinili ko. Pero hindi rin naman ito papahuli dahil kakaiba sa nakasanayan. Ang buhok kong unat na unat ay maayos na nasa likod ng aking tenga.
Ihahatid at susunduin ako ni Artheo, kahit sinabi ko namang huwag na ay pinipilit parin kaya hinayaan ko na. Si ate Nery, Aniel at Juana ang mag aalaga kay Nico.
Aniel and Juana kind of get along, they that platonic vice, they kind of knew each other as they both grew here.
Pagdating ko sa venue ay nakita ko ang mga kaklase at iba pang um-attend at talagang ang karamihan ay naglalakihan ang mga suot na gown. Pakiramdam ko ay napakabigat ng mga iyon, kaya talagang tama ang desisyon kong ito ang isuot.
Lalakad muna sa gitna na may red carpet. Ang nag desisyon ng partner sa amin ay prof namin dahil nagka gulo pa sa pagpipiliian. Naglalakad na kami ng partner ko, nahagip ng aking mata ang stage. Doon nakaupo ang mga matataas na tao rito sa school. Tulad ng mga president, stockholders at mga matataas na pwesto. Nagulat ako dahil titig na titig sa akin ang nasa may gitna na kalapit ng president. Tiningnan kong mabuti at nanlaki ang mga mata ko nang matanto kung sino iyon. It's Dio Niccolo! What is he doing here?
Matapos maglakad lahat ay nagsimula ang program. Presidente ang nag opening remarks, noon ay hindi naman ako nakikinig sa mga ganito, pero ngayon ay na curious ako kung ano bang nangyayari. Sa kalagitnaan ng mensahe ng pangulo ay bigla niyang ipinakilala si Dio.
"We have a very special guest here. Let's give him a round of applause Mr. Dio Niccolo Arcevedo the now CEO of Arcevedo Corporation, the mother company of Arc Group of Companies" He laugh a little before he proceed "I hope we get along especially for when you finally manage the whole of Arc, anyways thank you for accepting our invitation" nagpalak pakan ang lahat at si Dio naman ay tumayo saglit para malaman na siya ang tinutukoy at umupo narin.
Habang nagpo program, may mga sumayaw, kumanta at kung ano ano ay naise serve na ang pagkain namin, kaya kumain narin ako pero hindi talaga ako mapakali. After how many years ay narito siya. Halatang halatang nag matured lalo ang katawan, ang tindig, ang pananamit at lahat ay parang mas lalong naging gwapo sa kanya. Ang buhok niya ay medyo malinis sa gilid at medyo may kahabaan naman ang nasa gitna, hindi ganoon ka haba pero kaya iyong i ipit. Lahat ng naging changes niya ay positive. Samantalang ako ay para sigurong na haggard.
Mas mabilis natapos ang program kesa sa inaasahan ko. Ang nasabi kong oras kay Arki ay 11 ako magpapasundo. 10pm pa lamang ay tapos na ang program! Pero hinayaan ko na at nanood nalamang sa mga kaklase kong nagsasayawan sa gitna. Iniba na ang ayos ng kanina ay parang formal party, ngayon ay kaonti nalamang at mukhang club na.
Wala akong balak makisayaw, pero kapag nagkakatuwaan ay hinihila ako nitong sina Melissa kaya sumasali na lamang ako at nakikisayaw.
Nang mag slow dance na ay maraming nagsi alisan sa gitna. Ang iba ay bitter pa dahil wala raw silang jowa kaya nangingiti nalamang ako sa mga litanya nila. Ang iba naman ay sila ang nag aalok, mapa babae o lalake, ang iba ay mga professor namin ang inalok ng sayaw at pumapayag naman. Ang iba naman naming prof ay sila ang nagyayang sumayaw sa mga estudyanteng mami miss nila.
Tumayo ako para kumuha ng tubig dahil nauhaw ako sa pag sayaw kanina. Habang kumukuha ay may naaninag ako sa banda ko. It's Dio! Mukhang may kinukuha rin siya. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o magpapanggap na hindi kami magkakilala. Iniisip ko pa lamang iyon ay may biglang nagpakilala naman sa kanya. Si Ana, si Ana ay kabilang block, katulad ko ay maliit din si Ana. Narinig kong niyaya siyang sumayaw ni Ana. Panigurado papayag iyan si Dio, mahilig yata iyan sa maliit, o ewan ko ba riyan!
Hindi nga ako nagkamali dahil nagsayaw sila! Hindi man lamang ako pinansin dito! Nambabae agad, sumbong kita kay Hazel! Hindi ka parin nagbabago, babaero! Ewan ko sa iyo Dio Niccolo!Matapos uminon ay bumalik na ako sa upuan ko. Pagkaupo ko ay may mga kaklase akong nagyayang sumayaw kaya naman tinanggap ko iyon. May mga nainggit sa akin dahil ang ibang nagyaya sa akin ay mga crush nila. Pero wala lamang iyon dahil alam naman nilang may baby na ako. Hindi naging madali nang malaman nilang may anak na ako, ang iba ay nai judge ako at naiintindihan ko naman iyon. Samantalang ang iba naman katulad ni Mel ay gustong gustong pumunta sa bahay. Sabi niya ay maliban kay Artheo gusto rin niyang makita si Nico kaya natatawa nalamang ako. She's open minded, siguro isa rin iyon sa dahilan kaya isa siya sa naging kaibigan ko at dahilan kung bakit hindi sobrang hirap ng buhay estudyante ko.
Ang kasayaw ko ngayon ay si Kiel, kumalat sa buong school na may gusto siya kay Ana. Medyo malapit kami dahil ang ate niya ay kaedad ko, pero mas maaga raw nabuntis at ate rin ang tingin niya sa akin. Minsan ay sa akin siya humihingi ng advice lalo na kung tungkol kay Ana.
"Ano? Isayaw ko na ba? Aagawin ko siya roon sa kasayaw niya!" Tanong sa akin ni Kiel kaya medyo nangiti ako dahil seloso ito. Si Ana naman ay halata ring may gusto pero ayaw umamin.
"Ikaw ang bahala. Pero tingin ko dapat isayaw mo, baka matapos ang gabi na hindi mo siya naisasayaw" naka ngiti kong sabi sa kanya.
"Tama! Tara lapit tayo" suhesyon niya "Ang plano natin, makikipagpalit ako ng partner doon sa kasayaw niya. Ano ngang pangalan? Basta! Aba, hindi na siya lugi sa iyo ate A" nagulat ako dahil huli ko ng naisip na para makasayaw niya si Ana ay dapat may kapalit! Sana pala hindi ko na tinulungan itong si Kiel! Pahamak!
"Exchange partners naman" sabi nitong si Kiel na nakatingin kay Dio. Napakadali at chill lamang iyong lumabas sa bibig ni Kiel. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa samantalang ang expression ni Dio ay madilim at walang bahid ng birong nakatingin sa akin, tinitigan ako mula ulo hanggang paa na parang hindi ako kilala! Aba sino ba siya sa akala niya? "Sir, hindi ka na lugi rito. Sige na pumayag ka na" parang ipinagpipilitan pa ako ni Kiel dito kay Dio makipag palit lamang! Edi huwag kung ayaw mo! Kainis.
"Ah, sige na babalik na lamang ako sa upuan ko. Baka pagod na siya" sabi ko kay Kiel at aalis na sana pero napaka rahan akong hinila ni Dio palapit pa kanya.
"You're always leaving" bulong niya nang makuha ako at nagsimulang isayaw ako.
BINABASA MO ANG
AFTERGLOW
General FictionBe the good thing that stays. Be the light that stays. Be my afterglow. Stay with me. Will you? -Dio