Mas ikinagulat ko iyon, hindi siya marunong magbuhat ng baby? O baka natatakot siya dahil maliit pa ang baby na karga ko pero wala na akong panahon mag isip kaya naman habang hawak ko sa kanang kamay si baby ay ako na ang nag ayos ng milk niya. Nagulat at nahiya pa si ate pero ayos lang sa akin dahil sanay naman ako kay Nico noon.
Nang pinadede ko si baby ay tumigil na siya sa pag iyak at parang gutom na gutom.
"Nagutom ba iyang baby na 'yan?" kausap ko sa baby habang naka upo kami. Nagulat naman ako dahil may nagpunas sa noo at leeg ko, kaya tiningnan ko kung sino.
"Pawis" paliwanag ni Dio. Siguro ay ganito rin ang ginagawa niya kay Cole, si Hazel ang nag aalaga at siya ang nag aalaga kay Hazel.
Ngumiti nalamang ako at nagpasalamat kay Dio.
Pagkatapos padedehin si baby ay pinadighay ko. Habang karga ko ay pinaghele ko at natulog, may tinuro si ate na pwedeng pag babaan at doon ko nilagay si baby. Tinuruan ko si ate kung paano ipadede ang breastfeed, paano magpatunaw at ibang basic na kailangan niyang malaman. Kailangan ko na palang umuwi dahil 5:30 na. Galing kami ni ate sa ref dahil itinuro ko sa kanya ang pagpapalit ng nipples. Pagdaan namin kay baby ay nagulat ako dahil naroon parin si Dio.
"Uuwi ka na?" tanong niya.
"Oo, si Cole? Kamusta ang ngipin?" tanong ko.
"Ayos na raw at nakikipag laro na, tumawag sa akin kanina. Tara ihahatid na kita"
Habang nasa byahe ay nagsalita siya "Sorry for the trouble"
"Okay lang, nag enjoy naman ako, ang cute talaga ng mga baby" kung noon ay wala sa isip ko ang mga ganyan at wala akong pakialam sa paligid. Pero dahil kay Nico ay ang dami kong natutunan na hindi ko in-expect na makakaya ko pala.
"You we're so hot back there and cool." out of nowhere he said. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero dinagdagan niya, bumaling siya sa akin at marahan na nagtanong "Hindi kayo kasal ni Artheo? That's what he said" may pag-aalinlangan sa tanong niya. Nasa byahe na kami at nagda drive na siya.
"Ha? Bakit naman kami magpapakasal non? Mahal na mahal noon si Faye ano ka ba!" nangi ngiti na sabi ko. Syempre, supporter ako nilang dalawa, sa dami ng ginawa ni Rk para sa amin, he deserve happiness at alam kong si Faye ang happiness non.
Dahil sa sagot ko ay nagdilim ang tingin niya at parang may hindi nagustuhan sa sinabi ko.
Tumunog ang cellphone ko at tiningnan kung sino iyon, Artheo's calling kaya sinagot ko kaagad.
"Where are you?" tanong niya na para laging tatay.
"Pauwi na po, aalis ka na?"
"Oo, Nico fell asleep. You're with Niccolo?" may pang aakusa sa tono niya. Siguro ay napagod si Nico kaya maagap nakatulog.
"How did you know?" takang tanong ko.
"Napag-usapan ng mga kaibigan namin na magkasama kayo. You deserve to be happy, okay? May aasikasuhin pa ako. Juana is here, good bye"
"Artheo?" Dio asked.
"Ah oo, aalis daw siya" habang nasa daan ay may napansin akong kakilala na naglalakad. "Ah D-Niccolo, pwede bang isabay na natin si tiya Sely?" paalam ko kay Dio habang naituturo si tiya Sely. Si tiya Sely ang nag tuturok sa center sa mga baby tuwing Wednesday ng libre. May pera kami, pero mas gusto kong maranasan ni Nico ang normal na ginagawa ng iba, ang pag pila at kung ano pa. Hindi naman kailangan pero tuwing nagpapa turok si Nico noon ay nag dadala kami ng snacks nila para hindi naman nakaka hiya.
Tumigil si Dio sa may kay Tiya Sely, iyon ang tawag sa kanya kaya ganoon narin namin tawagin. Ang sabi ng daddy noon ay kamag anak namin na malayo si Tiya. Medyo may katandaan na si Tiya pero mahilig sa mga bata ay kaya pa naman nasa mga 50 na siguro, kaya siya ang nagtuturok.
"Tiya, sabay na" binaba ko muna ang bintana at niyayang sumabay.
"Ariela?" tanong niya kaya tumango ako at niyaya na siya. Sumakay din naman si Tiya.
"Saan ho kayo galing tiya?" tanong ko ng nasa sasakyan na siya.
"Ay binakunahan ko iyong anak ni Arlene, hindi na naman pumuntang center" mabait talaga iyang si tiya.
"Saan ho ang punta niyo at para maihatid na kayo?" tanong ko.
"Sa amin, Ariela uuwi na ako" sinabi niya ang bahay nila para roon maihatid. "Kamusta na si Coco?" tanong ni tiya. Coco ang tawag niya kay Nico.
"Ayos naman po, nakikipag laro at nakikipag binataan na" biro ko sa tiya. Tumingin si Tiya sa banda ni Dio.
"Kamukhang kamukha mo si Coco" biglang sabi ni tiya, kaya nagulat ako roon. Sa pagkaka alam ko ay hindi pa nagkikita ng maayos si Nico at Dio kaya wala siyang ideya. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa gulat, si Dio naman ay may pagtatakang tumingin sa akin at bumalik ulit sa daan.
"Nagka usap na ba kayo ni Nery?" tanong sa akin ni tiya.
"Ah opo, it settled na" she's talking about Aniel.
"Dapat ninyo iyang pag usapan ng mabuti hija"
"Opo tiya" tugon ko.
"Ah dito na ako, salamat hijo, ingat pag mamaneho. Ariela" tawag sa akin ni tiya at nagpa alam na.
Hanggang sa maihatid ako ni Dio sa bahay ay tahimik lamang siya, kaya nagtahimik nalamang din ako. Nagpasalamat at nagpa alam na ako pagdating sa amin. Doon ko naalala na ang sabi niya kanina ay nagmamadali siya! Baka nagalit pa dahil naabala.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ay nakita ko na si Aniel na nakikipaglaro kay Nico. They're so cute together. Aniel reminds me so much of my dad. Ang tindig, ang smile, skin color at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
AFTERGLOW
General FictionBe the good thing that stays. Be the light that stays. Be my afterglow. Stay with me. Will you? -Dio