💜 Part 84 💜

202 12 8
                                    

Sa buhay ikaw ang author ng sarili mong storya, walang ibang makakaalam ng mangyayari sayo at kahit sino kailan man ay di nararapat mangialam at kontrolin ka.

Lahat ng nangyayari sayo choice mo yan, kung naging malungkot kaman ay marahil nagkamali ka ng piniling landas, di dahilan ang unang pag kakamali para masundan pa ito ng pangalawa dahil sa pangalawang pagkakataon may choices kana, "go with the better or go with the worse".

Umabot na hanggang labas ng mansion ang pakikipagbuno ni Alona at Stena sa isa't isa. Marami ang nanunuod at walang nais na pumagitna sa dalawa, nandito narin ang mga elders at ang mga prince.

Nasecure na ang buong distrito at si Alona nalang ang natitirang buhay sa kanilang hanay.

Hindi na nakialam ang iba sakanilang mano manong laban dahil narin sa gusto nito.

Napaluhod si Alona matapos pakawalan ni Stena ang isang malakas na sipa tungo sakanyang panga, kung isang ordinaryong babae lamang siya malamang at kanina pa siya nawalan ng malay ngunit dahil malakas ang adrinaline niya ay napaluhod lamang ito.

"Why can't you just accept the fact that you lost? Hindi naman yun ikababa ng moralidad mo Alona, ano bang meron kami dito na wala sa angkan mo at kailangan mo pang guluhin ang quantum?" Humihingal at nakapamulsang saad ni Stena sakanya.

Napaangat naman ng ulo si Alona at napangisi ito tila galit padin ang nangingibabaw sakanya.

"Whatever it takes I wont lost by surrendering specially on you, never once nor twice." Maangas na saad ni Alona saka tumayo itong muli at sinugod si Stena.

Nagawang makailag ni Stena saka niya hinatak ang kaliwang braso nito saka nagpatiuna at ng makalapit ang katawan ni Alona sakanya saka buong lakas na siniko niya ito ngunit naagapan ni Alona yun pero di parin nakaligtas kay Stena na nasaktan si Alona sa ginawa niyang yun.

Nag hiwalay silang dalawa at panandaliang nagkatitigan saka muling sabay sumugid sa isa't isa.

"Di na talaga kita bubuhayayin pa Stenaaa."

"Gawin mo nalang Alona."

Iwinasiwas ni Alona ang dagger nito patungo kay Stena habang naging alerto naman si Stena sa pag bunot ng shurekhen at inasinta ang kanyang kaliwang braso na natamaan naman agad. Bahagyang napatigil si Alona at binunot ang nakabaong shurekhen.

Sinugod nito si Stena at pinunterya ang puso nito na saksakin ngunit dahil sa wala pang halos na galos si Stena ay maliksi itong ymiwas ngunit nadaplisan naman si Stena sa mukha.

Napasigaw naman ang iilan sa nakakita at may isang boses na nangibabaw talaga.

"Stena......"

Puno ng pag alalang sigaw ni Jin. Samantalang si Taehyung ay blanko lang na nanunuod sa mga nangyayari.

" ito ba ang sinasabi niyang di ako dapat mag alala sakanya? Makita lang siya sa ganitong sitwasyun ang hirap na sa aking kalooban at di ko alam kung hanggang kailan ko pa kakayaning manuod sakanya sa ganyang sitwasyun."

Maya maya lang ay may narinig na bumagsak si Taehyung kung kayat napatingin siya sa gawi nila Stena. Nanlalaki ang mga mata niya at di makapaniwala saka naluluha sa nakikita.

Si Stena na nakatayo at hingal na hingal habang nakatalikod sa katawan ni Alona na nakabagsak na sa lupa.

Ngingiti na sana si Taehyung kay Stena ng mapansin nitong gumalaw ang kamay ni Alona at sinundan niya ito na bumunot ng baril sa may dibdiban niya.

Nanlaki ang mga mata ni Taehyung at walang lingon lingon na tinakbo ang pagitan nila ni Stena saka niya pinulupot ang kamay nito sa bewang ni Stena at pinanatili sa kanyang kinatatayuan.

Sinakmal ng halik ni Taehyung si Stena saka binaril naman ang katawan ni Alona. Nakarinig silang dalawa ng pagdaing sa likuran ni Stena ngunit di nayun pansin ng mga kasama nila.

"Ay taena na tung alien natu. Sino ba nagturo sakanyang isabay ang pag halikan sa pag baril sa kalaban?"  Di makapaniwalang bulalas ni Suga.

Napanganga naman at napapalakpak nalang si Jungkook habang si Jimin di mapigilan ang tawa sa ginawa ng kaibigan.

"Yun ang damoves men." Hype na saad ni Hoseok sabay kindat kay Sheng.

" Idol, ikaw na talaga." Sigaw naman ni Sheng.

"Guy's asan si Namjoon hyung at Jin hyung?" Inosenti ang mga matang nakatitig sa kung saan si Jungkook.

Sinundan naman ng lahat ito ng tingin.

Saka nag salita si Hoseok

"Ayun lang pala ang dalawang matanda oh, may kahalikan rin. Teka may

Napatigil ni Hoseok pati ang mga kaibigan ay natigilan saka sabay sabay na sumigaw.

"Kahalikan!!"

Napatigil naman sa ginagawa sila Jin at Namjoon saka nila tiningnan ng masama ang mga kaibigan.

Napangiti naman sina Taehyung at Stena sa isa't isa saka niyaya ang mga kaibigan.

"Kayo talaga hayaan niyo na ang mga matatandang yan magkalablayp ng makaramdam naman ng kilig bago mangatug ang mga tuhid."

Saad nito na akala ay di narinig ng dalawa ngunit laking gulat niya ng,

Toink
Toink

Napahawak siya sa ulo at naniningkit ang mga matang nilingon ang mga kaibigan

"Anu ba---

Natigilan naman siya saka napa oeace sign kila Namjoon at Jin, aambahan pa sana siya ng mga ito ngunit dali dali siyang tumalikod at tumakbo hila hila si Stena.

"Bye everyone magpapakasal pa kami ng honey ko😘😘😘." Sigaw nito habang tumatakbo papalayo samantalng si Stena naman ay parang wala sa sarili na nag patianid nalang sa pagkakahila ni Taehyung.

SECRET LOVE STORY (THE PAST) PT. 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon