Louisa's P.O.V.
____
Fear invades my being like a deadly poison filling each veins and arteries in my body when the door swings open. I clutch the bedsheets of the bed where I am sitting for a few hours now.My gaze averts on the floor when the devil enters. Ni hindi ko siya kayang tingnan dahil nasusuka ako sa matinding takot at galit na nararamdaman ko para sa kaniya. Unti-unti kong hinila pataas ang kumot na nakatakip sa mga binti ko upang takpan ang medyo nasira kong damit kanina. He almost did the same crime to me. I can still feel his dirty hands on sensitive parts of my body and I am very much disgusted of it.
Like earlier, he is holding a tray of foods. Mukhang tanghalian na.
Akmang ilalapag niya ang tray na 'yon nang matigilan siya. "Kapag hindi ka kumain, mamatay ka sa gutom," tukoy niya sa tray ng pagkain na dinala niya kaninang umaga. Hindi ko ginalaw 'yon sa kabila ng gutom na nararamdaman ko. Pwedeng nilagyan niya 'yon ng lason and I can't trust a devil like him. "Kapag namatay ka, wala na 'kong problema. Salamat sa tulong mo," he added, sarcastically.
Kumuyom naman ang mga kamao ko. The devil got the audacity to make fun of his hostage. He's really evil. He doesn't have conscience or remorse of what he did.
Kinuha niya ang tray na iniwan niya kanina sa bedside table 'tapos ay ipinalit ang dala niya ngayon. "Kung hindi mo pa rin kakainin 'yan, humingi ka na lang ng lason sa akin para patay kaagad. Nasasayang pa iyong pagkain dahil sa ginagawa mo."
With that, he leaves the room.
Para naman akong nauupos na kandila na napasandal sa headboard ng kama. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.
Gusto kong umiyak pero masakit at maga na ang mga mata ko. Ayaw ko na rito pero hindi ko naman alam kung paano ako makaaalis.I can feel my body getting weak. Probably, because of dehydration and hunger.
"I don't want to be here," I murmured, my dry throat hurts.
Napatingin ako sa pagkain na nasa bedside table habang hawak ang bandang tyan ko. Medyo masakit na 'yon at makailang beses na ring tumunog. Nagugutom na talaga ako at wala na akong lakas. Kung hindi ako kakain, baka kahit tumayo rito sa kama ay hindi ko na magawa.
Escaping will be ten times fold harder. Kaya paano naman ako makakatakas dito kapag gano'n?
I groan in frustration and anger. I don't want to accept anything from an evil person like him.
Pero...
"Bwisit," I hiss, getting the tray on the bedside table. Kaagad akong napalunok nang maamoy ang aroma ng mga pagkain sa tray; a bowl of rice, a bowl of adobo and a glass of water.
Inamoy ko muna ang pagkain. Natatakot ako na baka nilagyan niya ng lason ang pagkain na iyon pero mas matimbang na ang desperasyon ko. Bahala na. Kailangan kong kumain para bumalik ang lakas ko at makatakas dito.
After a spoonful of rice and adobo, relief takes over me. Hindi bumula ang bibig ko at walang kakaibang nangyari sa aking katawan. Napabuntong hininga ako bago sunod-sunod na isinubo ang pagkain. It takes me at least a few minutes before I finished the food.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbabalik ng lakas ko. Kahit paano, nawala na ang panginginig ng mga kalamnan ko at ang panunuyo ng lalamunan ko. Medyo naging mas alerto rin ako at nabawasan ang pananakit ng ulo ko.
"Now, I need to change my clothes," I murmur to myself, getting off of the bed.
Ika-ikang nilapitan ko ang nag-iisang cabinet sa loob ng silid. May mga damit do'n kaso puro panlalaki. Pagmamay-ari ba 'to ng demonyong 'yon? O may iba pang tao rito?
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...