CHAPTER 11
KEAN'S
Pinapanood ko lang si Louisa na maganang kumakain ng niluto ko. She's so hungry. I looked at the wall clock. It's already 12:30 am. Naikuyom ko ang aking kamay nang mapansin ko ang pasa sa may noo niya gayon din ang kaniyang putok na labi.
Gaano katagal ba akong nawala?
"A-ako ba ang may gawa niyan?"
Natigilan siya sa pagkain at kiming nag-angat ng tingin sa akin. Nakita ko ang labis na takot sa mga mata niya. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang leeg. Bakat pa rito ang marka ng kamay na tila sinakal siya.Kaagad niyang inayos ang sarili at inilagay ang kaniyang buhok paharap upang takpan ang leeg niya.
"L-louisa... Ano pang ginawa ko sa 'yo?" seryosong tanong ko.
Malungkot siyang ngumiti sa akin. Habang ako ay labis-labis ang konsensiya. Hindi ko nais makilala niya si KJ, ang demoniyong nasa loob ko.
"Hindi ikaw ang gumawa nito sa akin, Kean." at inabot niya ang nakakuyom kong kamay sa itaas ng mesa. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.
Paano niya nagagawang hawakan ang taong nanakit sa kan'ya? Paano niya nagagawang tingnan ako ngayon nang walang panunumbat? Paano siya nakakangiti sa akin ngayon?
"I'm so sorry... H-hindi ko gustong gawin sa 'yo 'yan. D-dapat h-hindi ko hinayaan na mangyari 'to... D-dap---"
"Okay lang ak---"
Kaagad kong hinawi ang kamay niya nang akmang hahawakan niya ang pisngi ko. Malungkot ang ngiti na ibinigay ko sa kan'ya.
"Sorry, Louisa. I promised I'll protect you this time. Ituloy mo na 'yang pagkain mo. Magpapahinga na ako. Sorry ulit." at kaagad akong lumabas ng dining area at nagtungo sa silid ko.
Hindi ko maalala kung anong mga nangyari. Hindi ko alam kung anong mga kagaguhan at kasamaan ang ginawa ni KJ kay Louisa. Pero sigurado akong hindi makatao ang mga ginawa niya. Why did I let that demon unleashed?"Arggghhh!" at sinuntok ko ang pader. Paulit-ulit na pagsuntok.
LOUISA'S
Nabitawan ko ang platong hinuhugasan ko dahil sa mga kalabog na narinig ko mula sa taas ng bahay. Nabasag ang plato pero hindi ko na iyon nagawang pansinin dahil sa pag-aalala ko para kay Kean. Dahil sa pagmamadali, natapakan ko ang bubog mula sa nabasag na plato. Maliit lang naman iyong sugat kaya puwedeng indahin. Mabibilis ang mga hakbang ko patungo sa silid ni Kean. Napapadaing pa ako sa sakit na idinudulot ng sugat sa aking paa.
Dali-dali kong kinatok ang pinto ni Kean."Kean! Anong nangyayari!? Okay ka lang ba?!"
Nagpatuloy ang mga ingay mula sa loob ng silid. Mula sa mga kalampag hanggang sa tunog ng mga nababasag na bagay.
"Aaarggghhh!"
"Kean! Buksan mo itong pinto!"
N
agpatuloy ako sa pagkatok sa pintuan niya pero hindi ito binubuksan ni Kean. Kaya naman, sinubukan kong hanapin ang spare keys. Hirap man ako sa paglalakad dahil sa pagkabubog ko ay nagawa ko pa ring makarating sa may kitchen. Pinasalamatan ko ang lahat ng anghel nang makita ko ang spare keys sa may counter top. Naiwan siguro ni KJ kanina matapos kumain ng pizza.
Nang magawa kong mabuksan ang pintuan ng kuwarto ni Kean ay nakapanlulumong senaryo ang naabutan ko. The whole room is a mess. Broken furnitures and appliances all over the place. Kean is sitting on the floor with blood gushing out from his temple and from his fist. He is crying.
Hindi ako makagalaw. This is the worst scene of being broken and damaged. Hindi ko na-imagine na ang demoniyong kinamumuhian at kinatatakutan ko ay nasa ganitong estado.
Tears started to fall from my eyes. I don't know why but so much emotions for this devil are creeping into my being.
Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko at dahan-dahang nilapitan si Kean. May takot akong nararamdaman na may posibilidad na baka si KJ na muli ito.
Unti-unting siyang nag-angat ng tingin sa akin. Napunta ang tingin ko sa dugong umaagos sa sentido niya. Anong ginawa niya sa sarili niya?
Lumuhod ako sa harapan niya upang magpantay ang mga tingin namin. Itim na mga mata. Ngumiti ako sa kan'ya at saka ko inabot ang pisngi niya. Kaagad siyang pumikit.
"Sorry, Louisa." at nagsimula na siyang umiyak.
Masakit makita ang isang lalaki na umiiyak. Hindi ako sanay. Ang tatay ko, kahit kailan ay hindi umiyak sa harap ko dahil ayaw niya raw akong malungkot. He repeatedly told me that seeing a man crying in front of you is the most heartbreaking scene to witness. Indeed, my father is right.
"S-sorry Louisa... Please forgive me," bulong niya. Idinilat niya muli ang kaniyang mga mata. His gaze darted to my lips, to the broken part specifically.
Iniangat niya ang kaniyang kamay na puro dugo dahil sa sugat na mayroon doon. Hinaplos niya ang sugat sa labi ko. Halata sa mata niya na sinisisi niya ang kaniyang sarili para sa sugat na iyon.
"Hindi ikaw ang may gawa niyan, Kean." at nginitian ko siya.
"A-ako ang may gawa niyan. Ako!" at nagsimula siyang suntukin ang kaniyang dibdib.
"Hindi ikaw Kea---"
"Ako! Ako! Ako!" at patuloy niyang sinuntok ang sarili.
Naiyak ako sa ginagawa niya at pinilit ko siyang pigilan. Niyakap ko si Kean. Unti-unting tumigil ang pagsuntok niya sa sarili pero kasabay no'n ang palakas ng palakas na iyak niya.
Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa akin. At pahigpit ng pahigpit din ang pagyakap ko sa kan'ya. Dapat galit ako sa kan'ya pero wala akong ibang nararamdaman para sa kan'ya kun'di awa at pag-aalala. Mas naiintindihan ko na siya ngayon."Nandito lang ako, Kean."
"Patawarin mo ako, Louisa."
"Hindi ikaw iyon, Kean"
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
Fiksi UmumFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...