CHAPTER 30
LOUISA’S
Nagising ako sa malakas na katok sa kuwarto ko. Masakit ang ulo ko at walang duda na maga ang mata ko dahil sa hapding nararamdaman ko mula sa mga ito. Buong magdamag akong umiyak para ipagluksa ang tuluyang pagkawala ni KJ.
Nakokonsensya ako at natatakot ako. Wala na akong kakampi at tinapos ko ang buhay ng isang mabuting tao. I wasted a possible help from KJ.
“Louisa!”
Napaigtad ako sa malakas na boses mula sa labas ng kuwarto ko. It’s Kean and I can hear from his voice the annoyance.
Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Hindi ako direktang makatingin sa kan'ya. Nakapokus lang ang tingin ko sa sahig.
“Aalis ako.”
Hindi ako sumagot.
Narinig ko ang buntong hininga niya.
“Alam kong may alam ka na. Pero sinasabi ko sa 'yo Louisa, hindi mo magagamit sa akin ang mga nalalaman mo dahil kontrolado ko ang sitwasyon. Isa pa, wala na si KJ. Wala ka nang kakampi. So I suggest, just be a good girl and nothing will happen to you.”
Nanginig ako nang tapikin niya ang ibabaw ng ulo ko. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.
Wala na siyang ibang sinabi at umalis na. Kaagad ko namang isinara ang pinto at naupo sa kama ko. I made a mistake. Dapat kumampi ako kay KJ.
Napapikit ako nang maramdaman ko na naiiyak na naman ako. Ang hina-hina ko. Nanghihina na ako. Pero, sarili ko nalang ang inaasahan ko. Kapag naging mahina ako, wala na akong magiging pag-asa para makatakas dito.I heaved a deep sigh to calm my nerves. May isa pa akong hindi nagagawa. Hindi ko pa rin nalalaman ang laman ng flash drive at ito nalang ang pagkakataon ko.
Kinuha ko kaagad ang flash drive na nasa ilalim din ng kama ko. Nagtungo kaagad ako sa office ni Kean na ang tanging silid kung saan mayroong computer. I bit my lower lip hoping that the door isn’t lock. At pinasalamatan ko ang lahat ng anghel nang mapihit ko ang door knob. These past few days, this room was always locked. Good thing, hindi ngayon.
Pumasok ako sa loob. Walang kahit ni isang dokumento ang nasa may table hindi katulad no'ng huling beses na nandito ako. Malinis ang ibabaw ng table. Binuksan ko ang mga drawers at nagbabakasali na may mga dokumento pero wala rin. Kaya naman pala hindi naka-lock.
Dumako ang tingin ko sa compter na tanging nasa lamesa. Nanghina ako nang makita ang password. I wasn’t able to use this computer because of this. Huminga ako ng malalim at nanghihinang naupo sa swivel chair na nasa harap ng computer. 9-digit letter password.
Nag-isip ako ng posibleng mga password. Hindi ang full name ni Kean. Malabo ring pangalan ni Kristel. Nagningning ang mga mata ko nang tumugma sa 9 letters ang tunay na pangalan ni Cassie. Kaagad kong inenter ito. Nahampas ko ang lamesa nang hindi ito tinanggap ng computer. Mali.
I was thinking about everything that could fit for that 9 characters password.
Napasandal ako sa swivel chair na inuupuan ko nang maisubok ko na ang lahat pero wala pa ring tumugma.
Nawawalan na ako ng pag-asa nang maalala ko ang salitang nando'n sa maliit na papel na nakuha ko kasama no'ng flashdrive. ‘Angelique’
Inenter ko kaagad ang salitang 'yon at napangiti talaga ako nang tanggapin ito ng computer.
Kaagad kong ininsert ang flash drive. Napakabilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba ng kung anong makikita ko sa flash drive na ito. Thinking about it and how I was able to get it, naalala ko si KJ. Siya ang nag-utos sa aking maglaba no'ng araw na iyon. Wala ring gano'ng labahin noon at hindi mabaho ang blazer kung saan ko nakuha ang flash drive at ang maliit na papel na iyon. Parang sinadya lang na nando'n 'yon. Could it be, KJ? Siya ba ang naglagay ng flash drive do'n?
‘Simula ngayon, napagdeisiyunan ko nang tutulungan kita, Linda.’
Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili kong maiyak dahil sa naalala ko. Tama. Ilang ulit niyang sinabi na gusto niya akong tulungan, na mag-ingat ako kay Kean. Pero dahil tanga ako, hindi ko man lang pinakinggan ang kahit isa sa mga sinabi niya.
Naagaw ang atensyon ko nang magpop up ang content ng flashdrive. Mga videos at isang folder named Angelique’s Case. Nangunot ang noo ko sa laman ng flash drive. Gusto ko sanang unahing panuorin ang video pero sobrang nakucurious na talaga ako kung sino si Angelique. Obviously, she seems so important for Kean because her name was set as password for his personal computer.
Inopen ko ang folder at kumabog ang dibidib ko nang mas malakas nang makita ko ang laman nito. My fingers are shivering when the mouse pointer clicked to open the pdf file named Angelique Roces. Personal information ng isang babae. She’s a model and she looks familiar. Pero ang nagpaweird dito ay ang address niya. She’s living in the same subdivision where my bestfriend is living, kung saan ko nakita ang panggagahasa ni Kean sa babaeng----
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko nang maalala ko ang gabing iyon. Right. This Angelique looks exactly the same with the woman that night.
Sunod kong binuksan ang ibang documents na nando'n sa folder. It’s a scanned copies of a contract. Kontrata sa pagitan ng judge ng kaso ni Angelique kung saan nangako itong isasara ang kaso sa kabila ng kabiguang mapangalanan ang kriminal nito kapalit ng pera. Nando'n din ang mga resibo ng mga ipinadalang pera ng korte sa pamilya ng biktima para hindi na ito maghabol at umapila dahil walang suspect na tumugma sa mga nakalap na ebidensya. Nakasaad do'n na donasyon lang ito ng korte na tinanggap naman ng pamilya ng biktima nang walang kaalam-alam.
Sa mga nabasa ko, nakontrol talaga ni Kean ang lahat upang mapagtakpan ang kaso niya. Nakaramdam ako ng labis na galit. Bakit may mga katulad ni Kean? Bakit may mga tao na inaabuso ang kapangyarihang mayro'n sila?
Nakita ko ang mga nangyari nang gabing iyon. Nakita ko kung paano nagmakaawa at lumaban ang Angelique na 'yon. At mula sa nabasa kong impormasyon tungkol sa kan'ya, nasayang ang maganda niyang kinabukasan dahil sa ginawa ni Kean. He needs to pay for what he did.
Sunod kong binuksan ang video na nakapaloob sa flash drive.
Nangunot ang noo ko sa bumungad sa video. Malikot ang pagkakahawak ng kamera. Ilang sandali lang ay dumako ang kamera sa isang LPG tank, binuksan ito 'tapos ay hindi naman binuksan ang kalan. Sunod ay inikot ang kamera at ipinakita nito si Kean na kumakanta-kanta pa.
“Hindi ko kailangan ng pamilya… Hindi ko kailangan ng mga traydor! Masayang mabuhay ng mag-isa. Kaya naman, my dear family. Say goodbye to the camera!”
Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na ipinakita ng video. Sila Aling Selya na nanay ni Kean at ang tatlo niyang kapatid na nakatali. Umiiyak sila Marga at Cassie habang sila Aling Selya at Kristel ay pilit kumakawala sa pagkakatali sa kanila.
“My dear Cassie, may gusto ka bang sabihin sa kuya mo?”
“Ikaw ang kuya ko,” umiiyak na sabi ng bata.
“Hindi! Mas gusto mo si KJ! Kaya siya na ang kuya mo. Simula sa araw na ito, hindi na tayo magkadugo. Wala na akong pamilya.”
“KJ! Save us please!”
Sinampal si Cassie ng may hawak ng camera, which is Kean for sure. 'Tapos narinig pa ang pagtawa niya. Doon natapos ang video at nanghihina ako dahil sa napanood ko.
Kean is a monster. Siya rin pala ang pumatay sa buong pamilya niya?! Paano nasikmura ng kaluluwa niya na gawin iyon? Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa mga nalaman ko.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Nagluluksa para kay KJ, sa pamilya ni Kean at maging para kay Angelique. Nagluluksa na rin ako para sa sarili ko. Nasa kamay ako ng isang demonyo at hindi ko alam kung paano makakatakas dito. Kailangan ng hustisya ng mga pinatay ni Kean. Hindi puwedeng matakasan niya ang lahat.
Pero paano siya mapagbabayad? Paano siya mahuhuli kung maging ang batas ay kakampi niya?
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
Fiksi UmumFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...