CHAPTER 5
LOUISA'S
"Lumabas ka na. Kaya ko na ang sarili ko," sabi ko habang nanatiling nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto kung saan niya ako inihatid matapos ilabas sa dog cage na iyon. Ito rin ang kaparehong kuwarto kung saan ako nagising kanina.
Matapos ang deal namin na bibigyan ko siya ng chance para patunayan ang sarili niya na may kaunting kabaitan sa kan'ya ay mas umayos na ang trato sa akin. Kapalit no'n ay hindi ako magpapasaway at hindi ako magtatangkang tumakas.
Narinig kong bumuntong hininga siya.
"Thank you for trying and giving me this shot. Ayusin mo iyong sarili mo. May mga damit na riyan sa closet para sa iyo and feel at home." 'tapos no'n ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
Napakawalan ko naman 'yong kanina ko pa pinipigil na hininga. Kahit na naging mabait na siya sa akin, hindi ko pa rin magawang mapanatag kapag kasama ko ang Kean na iyon. At hindi ko na kasalanan 'yon. Sa nakita kong krimen na ginawa niya at sa paraan ng naging pagtrato niya sa akin kanina, may karapatan naman siguro akong hindi magtiwala. He is a rapist and a bad person. Nothing will change that.
Pumunta ako sa closet at gaya ng sinabi niya, may mga damit na nga doon na pangbabae, hindi katulad kanina na puro panlalaki. Kumuha ako ng t-shirt na nandoon 'tapos ay pink na cotton shorts. Bigla na naman akong nahiya nang makita ang mga undergarments na nandoon. Now, I am curious who the heck bought my undergarments. Mukhang hindi naman umaalis ang lalaking iyon dito, kaya sino naman kaya ang inutusan niyang bumili ng mga ito.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko para iwaglit ang isiping iyon. Ang mahalaga, bago iyong mga undergarments na gagamitin ko.
Pumasok ako sa banyo sa kwartong iyon at kaagad kong hinubad ang suot kong shirt. Finally, makakaligo na rin ako. Gusto ko na ring makapagpahinga. Masiyadong nakakapagod ang araw na ito. Kahit na ba nakatulog na ako kanina, pakiramdam ko'y pagod na pagod pa rin ako.
As the cold water from the shower cascades through my body, I couldn't help but to think about what will be my next move after I get the devil's trust.
Oo. Pumayag ako sa hinihingi niyang deal, hindi dahil gusto kong makipagkasundo pero para makuha ko ang tiwala niya. Kapag dumating ang pagkakataon na iyon, posible na akong makalaya. At kapag nangyari iyon, sisiguraduhin kong makukulong siya.
I can be this manipulative sometimes. Anak talaga ako ng tatay ko. Nailing ako sa naisip ko.
KEAN'S
I was laying on my bed, staring on the room's ceiling, thinking about the sudden change of attitude from my dear bratty hostage. Abogado ako at madali para sa aking mapansin ang mga biglaang pagbabago ng ugali ng mga taong nasa paligid ko. Natural lang din sa aking pag-isipan na may balak ang babaeng iyon. I mean, she hated me so much. At nakakapagduda talaga ang biglaang pagpayag niya sa gusto ko.
I have to be careful with that woman. She has something under her sleeves and I need to be ready about it.
I was about to close my eyes when my phone placed on the bedside table, suddenly rings.
Napakunot naman ang noo ko sa tawag na iyon. Kaagad kong kinuha ang cellphone. My frown gets deeper upon seeing the caller's ID. Its my secretary. At bakit naman siya tatawag ng ganitong oras? Its already 9:38 in the evening. The working hours was done. Hindi kaya, may masamang nangyari sa firm?
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...