CHAPTER 33
EPILOGUE
KEAN’S
Natigilan ako nang nginisian ako ng repleksyon ko sa salamin. Napakuyom ang kamay ko dahil sa ngising iyon.
“Ang galing mo kanina, Kean. Napigilan mo ako. Alam mo ba kung gaano ko kagustong makilala si Linda?”
Nakaramdam ako ng sobrang takot dahil sa boses niya habang nakikipag-usap sa akin. Hindi ko magawang makasagot sa kan'ya dahil sa natatakot ako sa kan'ya.
“Natatakot ka ba? Mali kasi na pinatay mo ang nag-iisang kakampi mo. Ngayon, kukunin ko ang katawan na ito mula sa 'yo.”
Kaagad kong sinuntok ang salamin.
“HINDI MO MAKUKUHA ANG KATAWAN KO! PAPATAYIN DIN KITA KATULAD NILA!” at sinuntok ko ulit ang salamin.
Napaatras ako nang magsimula siyang lumapit sa akin.
“Mapapasaakin ang katawan mo dahil sa pagitan nating dalawa, mas malakas ako. Pinatay mo na ako dati pero nandito muli ako, Kean. Dahil mahina ka.”
Napaupo ako dahil sa panginginig ng tuhod ko nang lumabas siya sa basag na salamin. Hindi siya totoo. Ako nalang ang nasa katawang ito. Kean, hindi siya totoo! Matagal na siyang patay.
Kaagad kong isinalag ang mga braso ko nang sipain niya ako. Masakit. Naramdaman ko ang sakit ng sipa niya
“Wala na si KJ para ipagtanggol ka! Ikaw nalang at ako!” at tumawa siya ng malakas.
Tinakpan ko ang mga tainga ko dahil sa sobrang lakas at nakakabaliw niyang tawa. Kinukumbinsi ko ang sarili ko na hindi siya totoo. Naghahallucinate lang ako pero hindi iyon pinaniniwalaan ng utak ko. Sobrang totoo ng tawa niya. Nasaktan ako sa naging sipa niya. At nasa harap ko siya. Nakatayo siya sa harap ko. Nasa harap ko ang isang demonyo na kamukha ko.
“HINDI AKO NATATAKOT SA'YO! MAWALA KA NA!”
Matapos ang naging pagsigaw ko, bigla nalang siyang nawala sa harapan ko. Inikot ko ang paningin ko saa kabuuan ng silid na pinaglalagakan ko rito sa Asylum. Ako nalang mag-isa ulit. Tanging mga basag na piraso na salamin nalang ang nakakalat sa sahig.
Natawa ako sa nangyari. Sabi na e. Naghahallucinate lang ako. Malabong nabuhay muli ang bayolenteng katauhan kong iyon. Matagal ko nang pinatay si Fury. Magaling na ako e. Wala nang natira kahit isa sa mga personalities ko. Patay na silang lahat.
Akmang tatayo na ako nang makaramdam ako nang pananakit sa ulo. Unti-unting umikot ang lahat ng nasa paligid ko. Nahihilo ako.
Sa akin na ang katawan mo, Kean. Magpaalam ka na sa mundo dahil papatayin na kita!
Hindi siya totoo! Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko para magkaroon ng kontrol sa sariling katawan ko pero natatakot ako kay Fury.
Natatakot ka sa'kin. Nararamdamaan ko iyon, Kean. Pero dapat mas matakot ka para sa sarili mong kamatayan.
Napasinghap ako nang gumalaw ng kusa ang mga nanginginig kong kamay. Inabot nito ang isang piraso ng basag na salamin sa harapan ko.
“Argh!!!” mahigpit na hinawakan ko ang piraso ng salamin na naging sanhi upang masugatan ako. Nanlaki ang mga mata ko nang may tumulong dugo mula sa kamay kong hawak ang piraso ng salamin.
Masakit ba? Gan'yan ang naramdaman ko no'ng pinatay mo ako, Kean!
“Tama na! Tulong!” sigaw ko sa paghahangad na may makakarinig sa desperasyon ko.
Sinabi ko rin 'yan pero hindi ka nakinig! Sinabi rin nila 'yan pero hindi ka nakinig! Mas demonyo ka sa akin Kean!
Naalala ko ang sinasabi niya. Nagmakaawa silang lahat sa akin para hindi ko ituloy ang pagpatay sa kanila. Ang lakas ng mga sigaw nila pero pinilit kong hindi pakinggan ang mga pagmamakaawa nila.
“Fury… gusto ko pang mabuhay,” mahinang sabi ko habang nakatingin ako sa piraso ng salamin na dumidiin sa palapulsuhan ko.
Gusto ko rin, Kean. At para mangyari iyon, kailangan mong mamatay. Patawad. Masiyado ka nang matagal na nabubuhay… ako naman ngayon.
Malalim na ang pagkakadiin ng basag na salamin sa palapulsuhan ko na naging dahilan ng pagdanak ng dugo. Nasugatan na nito ang ugat at nararamdaman ko ang sobrang sakit.
Nagsimulang umikot ang paningin ko. Hinahabol ko na rin ang hininga ko dahil sa takot, sa sobrang dami ng dugo na lumalabas sa palapulsuhan ko at ang paulit-ulit na pagsigaw ni Fury na mamatay na ako.Ipinikit ko na ang mata ko nang hindi ko na kinaya ang sobrang bigat ng talukap ng mata ko. Sa paglamon ng kadiliman sa akin, nakita ko sila KJ at ang iba kong personalities. Akala ko patay na sila.
Puno ng awa ang pagkakatingin nila sa akin. Nanghihinang napaupo ako at naiyak nang maintindihan ko na ang mga nangyayari.
“Simula ngayon, hindi na ako si Fury. Sa akin na ang katawang ito at ako na si Kean. Itatama ko ang lahat ng katangahang ginawa ng dating may-ari ng katawang ito.”
NO ONE'S
Unti-unting nagdilim ang paningin ng binata dahil sa labis na dugong nawala sa kaniya kasabay nang pagpasok ng medical personnel.
“Sir!” sinubukang gisingin ng nurse ang pasyente pero ito ay wala ng malay.
“Emergency in room 1210! The patient committed suicide! I repeat, there’s emergency in room 1210, suicide.”
Pinigilan niya ang pagdurugo ng palapulsuhan ng pasyente sa room 1210 habang hinihintay ang mga karagdagang tulong upang maisugod ito sa ospital.
Natigilan ang nurse sa ginagawang paunang lunas sa pasyenteng nagpakamatay nang mapansin niya ang sulat sa sahig gamit ang dugo. Nahintakutan ang nurse sa nabasa.
‘Isusunod kong patayin ang mga taong nasa likod ng pagkakakulong ko sa kabaliwan na ito!’
Nagdatingan ang mga hininging tulong para rumisponde sa room 1210. Mabilis ang mga naging kilos nila upang tulungan ang pasyenteng nagpakamatay. Dahil sa mabilis na mga kilos na iyon, hindi nila napansin ang litratong naiwan sa loob ng silid. Litrato ng unang taong balak balikan ng pasyenteng nagpatiwakal sa oras na mailigtas siya mula sa bingit ng kamatayan.
Litrato ni Ms. Louisa Linda Galliego. Ang babaeng nasa likod ng naging kaguluhan sa buhay ng isang kilala at respetadong abogado. Akala ng lahat ay tapos na ito. Pero mukhang may ibang plano ang pumalit sa katawan ng binatang iyon.
THE END.
BOOK 1
FICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES***
Disclaimer
I'm not knowledgeable enough when it comes to mental disorders. I read articles and research google before writing this story but I can't say that things I included here are factful enough to be a basis. Hindi ako psych major and such but I really tried to make this story worth it.
Thank you for reading!
Note: Are you curious about Marcus' story?
Feel free to read The Dilemma of the Mafia Boss!‼️ ATTENTION ‼️
Read the Book 2 of this book:
The Other Demons Inside
*Completed in Wattpad*🚩🚩🚩
©All rights reserved
2020-L💛VELY
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...