Ikatatlumpu't isa pagkahuli

2K 113 36
                                    

CHAPTER 31

KEAN’S


Mataman kong tinitingnan si Joshua na nasa harapan ko ngayon. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakaupo ako sa nag-iisang upuan dito sa interrogation room. I got a call indicating that I have to attend an interrogation session--- as a suspect. I tried calling Marcus before going here but he’s not answering.

Pagkarating ko pa lang kanina sa head quarters ay kaagad akong inescortan ng mga pulis. Indeed. Treating me as a suspect.

Napatingin ako sa may pintuan nang bumukas ito dahil sa pagpasok ni Mr. Galliego.

Napailing ako sa maaaring mangyari. Mukhang may nangyari na namang investigation action na hindi ipinarating sa akin.

“The last time I was here, Officer Diaz wasn’t sure whether I was a witness or a suspect. Hindi ko naappreciate na suspect ang napili mo ro'n, Joshua,” sarcastic kong sabi nang dalawa na silang nasa harapan ko.

Nagkibit balikat lang naman siya sa sinabi ko. Hindi nakakatuwa ang pagiging kampante niya.

“Simulan natin ang interrogation sa kung sino 'yong babaeng kasama mo na naging dahilan ng pagkahuli mo nang pag-uwi no'ng araw ng pagsabog ng bahay niyo?” seryosong tanong ni Joshua.

“Hindi pa rin tayo tapos diyan?" Nailing ako. "Some random girl from a club,” simpleng sagot ko.

“Pangalanan mo.”

Pasimpleng tiningnan ko si Mr. Galliego na ngayon ay mataman nang nakatingin sa akin. Mukhang isang simpleng  pagkakamali ko sa aking sasabihin ay kaagad niyang mapapansin.

“I don’t know her name.”

“You don’t know? O baka wala naman kasi talaga? We got Ms. Roces’ phone. May text ka ro'n na nakikipagkita ka sa kan'ya nang 8:00 ng gabi.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Cellphone ni Angelique?

“Yeah. But she never came,” kalmadong sabi ko sa kabila ng mabilis na tibok ng puso ko.

“Pero sabi ng mga magulang niya, umalis si Angelique ng alas siyete. Kung gano'n, balak ka siguro niyang puntahan at excited siya kaya pumunta nalang siya sa bahay mo. Kaso pagkarating do'n, may nakita siya. Tingin mo posible ang sinabi ko na nangyari no'ng gabing iyon sa Angelique mo?”

“Siguro. Wala pa ako sa bahay no'n. Hindi ko alam kung sino o ano ang maaaring nakita niya. Hind ako manghuhula at ikaw din 'di ba? Hindi ka manghuhula kun'di pulis. Pero magaling ka rin pala sa aspetong iyon. Kaya itanong mo 'yan sa sarili mo, huwag sa akin.” at nagkibit balikat pa ako sa kan'ya.

Umaktong nag-isip siya 'tapos ay nakangising tumingin sa akin.

“'Yong pamilya mo nang masunog ang bahay ni'yo ay nakatali. That's confirmed.”

Hindi ako nakahinga dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?

“The explosion in your house was not an accident. Nakita ang katawan ng isa sa kambal mong kapatid na hindi gaanong nasunog sa pagsabog dahil napapatungan siya ng ibang kapamilya mo. Nakatali ang katawan niya. Malay mo, iyon ang nakita ni Ms. Roces. 'Tapos nakita rin siya ng kriminal na may gawa ng pagsabog sa bahay mo kaya hinabol siya, ginahasa at pinatay. Maaaring iyon ang dahilan kaya hindi siya nakarating sa pagkikita niyo dapat no'ng gabing iyon.”

Unti-unting kumuyom ang mga kamao ko. Pero nanatiling kalmado ang ekspresyon sa mukha ko. Pasimple kong tiningnan si Mr. Galliego. Seryoso siyang nakikinig sa bawat sasabihin ni Joshua. Mukhang tuluyan nang nakuha ng pulis na ito ang kaniyang tiwala.

The Other Guy InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon