CHAPTER 32
LOUISA’S
Natigilan ako sa paghahanap ng puwedeng maipukpok sa mga kandado ng pintuan nang makarinig ako ng mga kalabog. Ano iyon?
Mahigpit ang naging hawak ko sa martilyong nahanap ko at kaagad na nagtago.
Pinlano kong tumakas ngayong araw na ito dahil wala si Kean. Mula sa mga nalaman ko at kung ano ang kaya niyang gawing masama, wala nang dahilan para manatili ako rito.
Napaigtad ako nang isang napakalakas na tunog ang narinig ko, tila may natumba. Dahan-dahan ako sa paglalakad ko palabas ng kitchen area at nakaamba ang hawak kong martilyo. Natigilan ako nang makarinig ako ng mga yabag. Mukhang hindi lang yabag iyon ng isang tao. Kung gano'n, hindi iyon si Kean.
Sino?
“May tao ba?!”
Dahil sa sigaw na iyon, nakumpirma kong hindi mga tauhan ni Kean ang pumasok. Kung tauhan siya ni Kean, alam niyang may tao dapat dito.
Nagsimulang maggilid ang mga luha ko. Binitawan ko ang hawak kong martilyo at lumabas ng kitchen. Sumalubong sa akin ang tatlong lalaki na nakaunipormeng pulis at may hawak na mga baril.
“Iligtas niyo 'ko,” mahinang sabi ko sa kanila.
“Ms. Louisa Linda Galliego?”
Tuluyang umiyak na ako dahil sa sinabi niya. Paulit-ulit akong tumango at kaagad nilang ibinaba ang mga baril na hawak nila. Inalalayan kaagad nila ako.
“Ligtas na po kayo, maam.”
Mas napaiyak ako sa kumpirmasyong iyon. Sa wakas.
Sandali akong natigilan nang tuluyang makalabas ng bahay na 'yon kung saan ako kinulong sa hindi ko mabilang na araw. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Mediyo nasilaw pa ako sa papalubog na araw. Sa wakas, tapos na ang paghihirap ko sa loob ng impyernong iyon.
“Anak!”
I instantly smiled when I saw my dad running towards me.
Kaagad niya akong niyakap at hinagkan sa noo.
“Sa wakas nahanap na rin kita. Ayos ka lang ba, anak?”
Hinayaan kong umiyak ang sarili ko sa harap ng tatay ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kan'ya. Para akong isang bata na umiiyak at gustong magsumbong. Pero ni isang salita, ay walang lumabas sa bibig ko. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makapasok kami sa sasakyan. Nakayakap lang ako sa tatay ko.
Hindi ko alam kung para saan ang mga luha ko. Para sa pagkalaya ko sa impyernong iyon. Para sa panibagong pagkakataon na mayakap ang tatay ko. Para kay KJ. At para sa nararamdaman ko kay Kean na pilit kong iwinawaglit.
Ilang sandali ay tumigil ang sinasakyan namin.
“Nandito na tayo, anak.”
Nilingon ko ang labas ng sasakyan. Ang bahay namin.
Inalalayan ako nang aking ama sa pagbaba ng sasakyan. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng aming bahay. It feels like I’ve been away here for over a year. Kakaiba ang lugar.
“Louisa Lindaaa!!!”
Nakangiting sinalubong ko ng yakap ang bestfriend ko na matagal ko ring hindi nakita.
“Masaya akong nakabalik na ang prinsesa!”
“Baliw ka talaga! Namiss kitang babae ka!”
Kahit papano'y nawala ang mabigat at masakit na pakiramdam sa loob ko dahil sa presensya ng best friend ko.
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...