CHAPTER 7
LOUISA'S
Nanghihinang napasandal ako sa sofa na kinauupuan ko. Hindi ako makapaniwala sa aking napapanood. Isang malaking kalokohan 'to!
"So far, what are the improvements in Miss Galliego's case of sudden disappearance. Are there any leads?"
"I haven't still had any talk with the in charged personnel for the case. Gaya ng sinabi ko kanina, katatapos pa lang ng meeting namin ni Mr. Galliego. Kakatanggap ko pa lang sa kaso ng anak niya. But don't worry, I will provide an immediate update as soon as possible."
Humigpit ang hawak ko sa remote control. Hindi pwede 'to! Bakit?! Anong mayro'n sa tadhana at ganito niya ako pinapahirapan?! Bakit sa rami ng abogado, s'ya pa?! Paano ako mahahanap kung ang taong hahawak sa kaso ko ay ang taong may kasalanan sa pagkawala ko?! This is insane!
"How much assurance can you give to the public that Miss Galliego will be find, now that you are official lawyer of her case?"
"I assure you more than 100%. I've never disappointed the public in any case I've handled, right?"
Napapikit ako para pigilan ang mga luhang gusto kumawala sa mga mata ko dahil sa demonyong napapanood ko. Nakangiti siya sa mga kamera na para bang anghel sa publiko. How could he?! How could he be the savior when he is the real villain?!
"Gago talagang Kean kahit kailan. Anong naisipan niya at tinanggap niya ang kasong s'ya ang may gawa?"
Napadilat ako at napabaling ng tingin sa lalaking iniwan na bantay ng demoniyo na iyon sa akin. Naupo s'ya sa katabinng espasyo ko 'tapos ay naiiling na pinapanood ang kriminal niyang kaibigan na umaarteng bayani sa harap ng madla.
"So, anong masasabi mo, Ms. Galliego? Your kidnapper is also your lawyer. This game is getting more exciting as time passes by."
Dahil sa inis ko, nahampas ko sa balikat ang lalaking kaibigan ng demonyo na iyon. Sa sobrang emosyon ay ibinato ko ang remote control sa tv kaya nabasag iyong screen.
"Holy shit! What have you done! Lagot tayo kay Garcia!" nanlalaki ang matang sabi niya.
Napangisi naman ako sa ginawa ko. Kahit papaano ay nailabas ko iyong inis at galit ko. That demon. He wanted to play games with a Galliego? Then, I'll surely give him the game that he will surely lost in the end.
"Putang ina kang babae ka! Pa'no ko ipapaliwanag sa gagong iyon 'yong nangyari sa flat screen niya!?"
Nagkibit balikat lang naman ako sa baliw na kaibigan ng demonyong iyon. Pagkatapos, ay umakyat na ako sa kuwarto ko sa bahay na ito.
Pagkapasok sa silid, kaagad ako nahiga sa kama at napatulala sa kisame. Paano ako makakalaya rito kung pati ang paghahanap sa akin ay kontrolado ng demonyong iyon?
I have to think like a Galliego. I don't want to be manipulative but the situation is urging me.
What is behind every man's downfall?
Iyong tanong ko sa aking sarili ay parang awtomatikong nasagot. Every man's success is a woman. Therefore, every man's downfall will also be a woman.
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...