Ikadalawampu't tatlong kabaliwan

1.9K 106 52
                                    

CHAPTER 23

LOUISA’S


Entry # 21

Kuya changed since the day of his birthday. Hindi niya kami pinapansin. He’s focusing himself too much on his work. Natatakot din sa kan'ya si Cassie as well as Marga. I asked him one night, what happened between him and the twins. He said, he didn’t trust us anymore. That hurts. I tried to explain everything but he shouted at me. He’s colder now to mama as well. This is all my fault.



Isinara ko ang journal ni Kristel at kaagad itinago. Napabuntong hininga ako. I understood Kean being aloof with his family and losing his trust on them. He was hurt. And it’s all because of KJ’s existence.

Kaagad kong nilingon si Kean na papalapit sa akin at may dalang food tray. May laman itong dalawang sandwiches at dalawang baso ng iced tea. Malaki ang ngiti ni Kean. Katatapos lang naming maglinis ng kabuuan ng bahay at bilang pasasalamat niya sa pagtulong ko, nag-offer siya na gagawa ng meryenda namin.

“Here’s my special treat!” at kaagad niyang inilapag ang tray at iniabot sa akin ang sandwich. A chicken sandwich.

“Hindi mo ako nasabihan na expert ka pala sa paggawa ng sandwich? May award ka ba para rito?” biro ko sa kaniya bago kumagat ako sa sandwich na inihanda niya. In all fairness, it’s delicious.

Natawa siya sa sinabi ko bago kumagat din sa sandwich niya.

“The recipe was from my mom. And I can attest that her chicken sandwich is the best. Sorry, kung ngayon lang kita nagawan ng meryenda.”

Masaya kong kinain ang meryendang inihanda niya. I am on my last bite when I noticed the way he was looking at me. I frowned.

“May dumi ba ako sa mukha?” at pinunasan ko ang gilid ng aking labi. Ngumiti naman siya sa akin 'tapos ay umiling.

“Mukhang napagod ka talaga sa paglilinis, mahal na prinsesa. Paniguradong mananagot ako nito sa hari,” aniya bago nagkibit balikat.

Natawa ako sa kaniyang sinabi. Akala ko naman kasi kung ano na.

“Hindi naman nakakapagod 'yong paglilinis. Nakakatuwa nga kasi---”
Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong niya ito sa kaniyang kandungan na ikinatigil ko talaga. Sinimulan niya itong masahiin. “A-anong ginagawa mo? Okay lang naman talaga ako e.” at sinubukan kong kunin ang aking kamay mula sa kan'ya pero hindi niya pinayagan.
Seryoso niyang minasahe ang kamay ko.

Napakabilis naman ng tibok ng aking puso at hindi ko dapat nararamdaman ito.

“Tense?”

”Ha?”

“Mediyo nanginginig ang kamay mo. Gano'n ka ba kapagod?”

“Ah-eh… mediyo hindi lang ako sanay na minamasahe ang kamay ko,” pagdadahilan ko.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang nagwawala kong puso. Kapag hindi ko napakalma ang sarili ko, hindi malabong mahalata niyang kinikilig ako.

“Si mama… madalas kong minamasahe ang kamay niya kada uwi ko ng bahay noong nag-aaral pa ako. Alam ko kasing pagod na pagod ang kamay niya sa maghapong paglalaba.” at napabuntong hininga siya.

“Naging matagumpay ang mama mo sa pagtataguyod sa 'yo at sa pamilya ni'yo. I can see that in you, Kean.”

Nag-angat siya ng tingin sa akin dahil sa sinabi ko. Malungkot ang ngiti na ibinigay niya sa akin.

“Pero sinasayang ko ang ginawang pagtataguyod ng mama ko sa akin dahil sa ginawa ko sa aking buhay. Kung hindi ko lang sana masiyadong inasa kay KJ ang lahat. Kung sana naging matapang ako sa pagharap sa mga problema, hindi na sana kailangang lumabas ni KJ. Siguro, iba ang mga nangyari sa buhay ko.” Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ang luhang bumagsak mula sa mga mata niya. He’s a sad and suffering soul. “Pasensiya na. Nagiging madrama ako. Namimiss ko lang sila.”

Lumipat ako ng upuan papunta sa tabi niya. Hinayaan kong sumandal ang kaniyang ulo sa balikat ko at hinawakan ko ang kamay niya.

“Miss na miss ko na talaga sila, Louisa. How I wish they’re here. I’m sure, they’ll help me to get through this mess.” mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at nararamdam ko ang sakit mula sa kan'ya.

“Paniguradong binabantayan ka nila mula sa taas at gagabayan ka nila sa mga susunod na mangyayari,” pag-aalo ko sa kaniya.

“Kung dumating lang sana ako nang mas maaga no'ng gabing iyon. Sana, nailigtas ko sila. Sana buhay pa sila. Kung hindi lang sana ako nahuli ng dating no'ng gabing 'yon.”

“A-ano bang nangyari no'ng gabing iyon?”

“Hindi rin ako sigurado. Pagdating ko sa bahay, nasusunog na ang kabuuan nito. Malaking pagsabog ang nangyari.” Ikinatigil ko ang naging kuwento niya. Pagsabog? “It’s an explosion caused by leaked LPG tank. Kinuha ang buong pamilya ko mula sa akin no'ng gabing iyon. Sobrang sakit na hindi ko na nakontrol ang mga emosyon ko. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari. Sira na ang buhay ko no'n, at mas sinira ko pa dahil sa mga sunod na ginawa ko.”

At bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari no'ng gabing 'yon. Iyong panggagahasa niya sa babaeng iyon na nakita ko at naging dahilan kung bakit kaming dalawa ay na-trap sa sitwasyong ito.

“I-ikaw ba ang may gawa no'n? Iyong sa babae?”

Binitawan niya ang kamay ko at inangat ang kaniyang ulo mula sa pagkakasandal sa balikat ko.
Kinabahan ako sa paraan ng tinging ibinibigay niya sa akin. Masyadong seryoso at mabigat ang mga tinging iyon. At hindi ko magawang mabasa ang iniisip niya.

“Si KJ… siya ang nang-rape… do'n a babae… hindi ako ang may gawa no'n. Wala akong kasalanan, Louisa. Gusto kong sumuko… pero sinong maniniwala na hindi ako ang may gawa no'n? Na ibang kaatauhan ko 'yon. Kung hindi man ako makukulong, sigurado akong ipapasok nila ako sa mental hospital dahil sa kondisyon ko. Hindi ako baliw, Louisa,” puno ng pagmamakaawa ang mga mata niya. Pagmamakaawa na maniwala ako sa kaniyang mga sinasabi.

“Ang pagdating ni KJ sa buhay ko ay defense mechanism ng aking katawan para kayanin ang mga problema ko sa aking buhay. Hindi ako baliw, Louisa. 'Di ba? Hindi ako baliw… I can perfectly think. Walang problema sa akin. Hindi sapat na basehan ang pagkabuhay ni KJ para sabihing baliw ako.” Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at nagsisimmula na siyang mag-panic. “Hindi mo naman iniisip na baliw na ako 'di ba? Hindi ka naman katulad nila mama 'di ba? Alam mong hindi ako baliw 'di ba? Louisa, bakit hindi ka nasagot?!”

Mas hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang mga kamay at sunod-sunod na tumango bilang tugon. Hinawakan ko ang isang pisngi niya para pakalmahin siya. Iginawi ko ang mukha niya sa akin para direktang magtagpo ang aming mga mata.

“Hindi ka baliw,” I said. Ngumiti naman siya pero nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay.

“Hindi ako baliw?! Pero bakit hindi ka kaagad nakasagot! Iniisip mong baliw ako! Tingin mo rin baliw ako, Louisa! Pareho lang kayong lahat!” kinabahan ako sa pagtaas ng boses niya. Nagpapanic siya.

Kaagad ko siyang niyakap para kumalma siya. Pumiglas siya sa naging payakap ko pero hindi ko siya binitawan.

“Hindi ka baliw… naniniwla akong hindi ka baliw, Kean. Hindi ka baliw okay?” bulong ko sa kaniya.

Pagkasabi ko no'n ay unti-unting nawala ang panginginig ng kamay niya at nagsimula na siyang kumalma.
Sunod-sunod na tumango siya 'tapos ay nagpakawala siya ng malalim na hininga.

“Hindi ako baliw, Louisa. Masaya akong naniniwala ka sa 'kin.”

Kiming ngumiti ako. Hindi siya baliw. I want to believe that. Pero hindi ko rin maitatanggi ang pinakita niyang psychotic tendencies. Niyakap ko siya nang mas mahigpit at ginantihan niya ang yakap ko. Walang baliw na aaming baliw siya katulad ng walang kriminal na aaming kriminal siya.

Circumstances are saying Kean is crazy and a criminal... but my heart doesn’t want to believe it.

The Other Guy InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon